Chapter 3

12.3K 711 198
                                    



ISANG subject lang ang pinasukan ni Tisay at umalis din siya. Badtrip na badtrip siya sa mga kaklase niya, lalo na kay Margot. Hayp talaga na 'yon. Gusto na niyang sapakin kaso problema na naman 'yon ng kanyang kapatid kaya nagtimpi na lang siya. Nag-ikot-ikot muna siya at naghanap ng mapapasukan. Kailangan talaga panggabi ang trabahong makuha niya para hindi maapektuhan ang pag-aaral niya.

Nang umuwi siya ng hapon ay naabutan niya ang kapatid niyang naghihiwa ng sangkap ng lulutuin nito sa mesa.

"Meryenda ka na rito, Tisay. Nagluto ako ng panindang turon kanina. May tinira ako sa 'yo."

Inilapag niya ang bag sa mahabang sofa at tinungo ang mesa at naupo sa plastic na upuan. Binuksan niya ang takip at hinila ang plato palapit sa kanya. May tatlong turon na naroon. Kumuha siya ng isa at kinagat iyon. Pinakiramdaman niya ang kapatid. Normal lang. Mukha namang hindi galit. Sabagay, hindi naman 'yan marunong magalit sa kanya.

"Nagtinda ka?" Tawang niya kapagkuwan.

"Oo. Naubos." Ngumiti ito sa kanya.

"Sarap," aniya. Paborito niya ito. Turon na may langka. Pero syempre nangunguna sa listahan niya ang pandesal na may Reno.

"Panis ang turon ni Henry Sy," may pagmamalaking dugtong ni Tisay.

Tumawa si Sey. "Turon ni Pokpok Sey lang ang malakas."

Pekeng tumawa si Tisay. Walang nakakatawa. Ayaw lang niyang maging KJ. Ayaw niyang makipagtalo pa sa kapatid. Pokpok Sey. Ganyan ang kantiyaw sa kapatid niya na kinaasaran niya. Lagi siyang napapaaway kahit noong nasa Davao pa sila dahil sa bansag na 'yan. Inubos lang ni Tisay ang tatlong turon saka tumayo.

"Akyat lang ako, te? Bihis muna."

"Sige. Tawagin kita kapag luto na 'to."

Kinuha niya ang bag mula sa sofa at umakyat sa taas. Nang makapasok ay isinabit niya ang bag sa likod ng pinto at pabagsak na humiga sa kanyang malambot na kama. Mamahaling kama ito. De-kalidad. Hindi maganda ang bahay na inuupahan nila. Maliit lang pero malinis. Masinop silang magkapatid. Kaya naman binilhan siya ng kapatid niya ng magandang kama para kahit sa pagtulog man lang daw ay komportable siya. Sa kabilang kwarto ang kapatid niya at kutson lang ang gamit. Ayos na raw iyon sa kanya. Ganyan ang kapatid niya sa kanya. Lahat gagawin para sa kanya. Mula noon hanggang ngayon ay sinasakripisyo na nito ang sarili para sa kanya. Siya ang napapagod para sa kapatid niya.

Ipinikit ni Tisay ang mata. Hindi niya maiwasang muling manariwa sa isipan ang mga pinagdaan nila noong mga bata pa sila. Ang mga pinagdaan ng kanyang kapatid maprotektahan lang siya.

Tahimik na lumabas si Tisay ng silid. Kanina pa kasi niya hinihintay ang kanyang Ate Sey pero hindi pa pumapasok sa kwartong tulugan nila kasama ang marami pang bata. Pinapasok ni Aling Cheska ang kapatid niya sa isang silid kanina at hanggang ngayon ay hindi pa lumalabas. Nagpasya siyang pumasok sa silid na iyon. Isang maliit na silid. Pagpasok palang niya ay nakita na niya ang kapatid niya sa ibabaw ng kama. Nakaharap ito sa isang kumpyuter. May kausap na isang kano na nakahubad. Ang kanyang kapatid ay nakahubad din.

"Open your legs," utos ng lalaki. Mga salitang hindi maintindihan ng limang taong si Tisay. Ang dose anyos na si Sey ay sinunod ang gusto ng lalaki. Pinagparte ang mga binti. Bawat sabihin ng lalaki ay sinusunod ni Sey.

"Ate Sey?" Tawag ni Sey sa kapatid. Litong-lito sa nakikita.

"Oh, a pretty girl. Let her join us." Nagniningning ang mga matang sabi ng kano.

"Ano ang ginagawa mo rito, Tisay." Bumaba sa kama si Sey.

"Ano ang ginagawa mo? Bakit ka hubad?"

The Kiss 1: The Wild KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon