Chapter 9

26.6K 924 287
                                    

"ABUSO NA!" Hinila ni Tukyo ang buhok ni Tisay kaya naman napilitan siyang pakawalan si Theus mula sa kanyang pagkakayakap. Epal talaga. Gusto na niyang matulog sa bisig ni Theus sana, eh.

"Masyado mo ng inaabuso si Theus. Maharot ka!" Gusto niyang bigwasan sa mukha si Tukyo. Nakakainis, eh.

Hinubad ni Theus ang bomber jacket na suot nito para ipatong sa hantad niyang hita kaya naman kilig na kilig na naman siya. Sasandal sana siya ulit kay Theys pero ang kontrabidang si Tukyo ay muling hinila ang kanyang buhok.

"Ito na. Tagay mo na. Kanina paiyak-iyak ka dahil sa kamalasan ng buhay mo ngayon mukhang nakalimot ka kaagad. Parang okay na okay ka na ngayon. Parang naka-jackpot lang sa lotto, ah."

"Kontrabida ka talaga!" Kinuha niya ang baso na naglalaman ng alak mula kay Tukyo at walang pag-alinlangang nilagok ang laman niyon. Nagpatuloy sila sa pag-inom. Inilabas ni Tukyo ang pangmalakasang magic sing na hindi pa yata tapos hulugan sa Bombay. Game na game na kumanta ang dalawang kaibigan ni Theus na si Frankus at Miko. Nakakatuwa si Frankus at Miko na parehong sintunado pero swapang sa mikropno. Nawalang bigla ang bigat na nararamdaman niya sa isang iglap. Salamat sa mga ito. Lalo na kay Theus na presensiya palang nito ay sapat na para mapagaan ang kalooban niya.

Pero sa isipang pansamantala lang itong saya na nararamdaman niya ay bigla na naman siyang nalungkot. Bukas o sa susunod na mga araw ay haharapin na niya ang mas mabigat pang mga mangyayari. Haharapin niya ang resulta ng ginawa niya kay Margot.

Niyuko ni Tisay ang kamay niyang nasa gilid niya nang maramdamang hinawakan iyon ni Theus. Tumaas ang kanyang tingin sa mukha nito. Napangiti siya. Siyempre hindi na siya nagpakipot pa. Agad niyang ipinagsalikop ang kanilang mga kamay nila ni Theus.

"Ayos ka lang?" tanong nito.

Tumango siya. "Ayos ako kasi nandito ka. Salamat sa pagdamay, ah?"

"Wala 'yon. Huwag mo ng isipin ang mga nangyari. Wala kang magiging problema. Magiging okay ang lahat." Bahagya siyang sumimangot. Siyempre hindi naman iyon mangyayari pero tama ito hindi na muna niya iisipin ang mga nangyari. Sayang ang moment na ito. Minsan lang ito.

"Sige. Ikaw na lang muna ang iisipin ko." Marahang natawa si Theus.

"I like that!" Bahagyang namilog ang mga mata ni Tisay sa tinuran nito. Ang harot, ah? Naku! Bumaba ang nanlalabo niyang paningin sa labi ni Theus nang dilaan nito iyon. Nabasa ang labi. Jusko! Huwag lang silang bibigyan ng pagkakataon kundi lalaplapin niya talaga ang labi nitong ni Nognog.

Naputol ang pagtitig niya sa labi ni Theus nang bigla siyang hablutin ni Tukyo patayo. Kung makahablot naman ito para siyang manikin. Bibigwasan niya 'to, eh.

Bumulong sa kanya si Tukyo. "Nandiyan si Cesar. Hindi niya puwedeng makita si Nognog dito. Alam mo namang number one na kontrabida 'yon pagdating sa kabaliwan mo kay Nognog."

"Ano ang gagawin ko?" Bigla naman siyang nataranta. Tama si Tukyo, ang nega ni Cesar pagdating sa kabaliwan niya kay Theus.

"Theus, halika. Magtago kayo." Hinila ni Tukyo si Theus patayo saka sila ipinagtulakan sa ubod ng sikip na hagdan. Mas makipot pa ito sa hagdan nila tapos tayong-tayo. Kapag nahulog ka rito 100 percent pilay ang aabutin kundi comatose.

"Doon kayo sa kuwarto ko." Pagtulak sa kanila ni Tukyo sa isang silid.

"Wiz kayong lalabas diyan hanggat hindi ako bumabalik. Magkulong muna kayo rito at mag-usap ng mga feelings niyo para isa't isa." Pagkasabi niyon ay hinila na ni Tukyo ang pinto pasara.

"What's wrong?" tanong ni Theus nang silang dalawa na lang.

Umiling si Tisay. "No is wrong." Sumalampak siya sa sahig sa gilid ng higaan ni Tukyo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 23, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Kiss 1: The Wild KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon