Chapter 7

11.6K 685 105
                                    

"Say pussy!" Sa halip na chesse ay iyon ang sinabi ni Margot habang nag-gu-groupie ang mga impaktang bullies. Diretso lang si Tisay na naglakad, nilagpasan ang magba-barkada na nasa tambayan ng mga ito. Hirap na hirap siya sa pagbitbit sa dalawang sakong mga damit. Naliit lang naman sako pero mabigat pa rin. Kukunin sa kanya ni Theus ang mga ukay na ito ngayon. Pinakyaw ng mga ito ang in-on-line selling nila. Sana ganito lagi ang benta. Sana magtuloy-tuloy para naman yumaman na agad sila. Maraming yumayaman sa pag-o-on-line selling kailangan lang talaga mahusay sa marketing. Kapag siya yumaman hindi na niya kailangan mag-aral. Hindi na niya kailangan tiisin ang mga bullies dito. Higit pa siyang naging tampulan ng kantiyaw dahil doon sa mga larawan nila ng intsik na iyon. Maduming babae talaga ang tingin sa kanila ng kanyang kapatid. Hayup na Margot kasi na 'to. May araw rin 'to sa kanya.

"Hoy, Joan!" Awtomatikong umikot ang mga mata ni Tisay nang marinig ang pagtawag ni Margot. Tuloy-tuloy siya sa paglalakad. Hindi niya pinansin. Hindi importanteng tao.

"Hoy, tinatawag kita bingi ka?" Nilagpasan siya ng babae at humarang sa daraanan niya kaya wala siyang nagawa kundi ang tumigil din sa paghakbang. Agad niyang itinaas ang hawak at nagkunwaring ihahampas ang bitbit sa babae kaya tumili ito at iniharang ang mga kamay sa mukha.

"OA mo! Tang-ina mo! Ano na naman ang kailangan mo?"

Humalikipkip ito matapos ayusin ang suot na clear na salamin sa mata. "Paano mong nakilala si Theus de Ortuoste?"

"Oo nga." Sumulpot pa ang dalawang Alepores at ginaya ang pose ng leader nila. Nagkibit lang si Tisay at nilagpasan ito. Hindi niya obligasyon sagutin ang tanong ng mga ito. Wala siyang panahon sa mga mukhang garapata na 'to. Excited siyang lumabas ng campus dahil magkikita sila ni Theus.

"Hoy, Joan!" Nagmura si Tisay at binilisan ang paglakad nang marinig ang tawag ni Margot. Nakakabuwesit talaga ang babaeng 'to, ayaw siyang tantanan.

"Hi, Joan!" bati ng isang grupo ng estudyanteng nadaanan niyang nakatambay sa isang puno ng acacia kung saan may mga batong benches. Lalaki't babae ang naroon. Tinanguan naman niya ang mga ito. Ang isang lalaki, si Caspian ay tumayo at sinabayan siya sa paglalakad. Heartthrob ito sa school nila. First year college pero mahusay itong mag-basketball.

"Tulungan kita."

"Wag na. Kaya ko na," mabilis niyang tanggi. Isa ito sa mga iniiwasan niya rito sa eskwelahan. Magmimitsa lang ito lalo ng gulo. Mas lalo siyang mabu-bully. Ex kaya ito ni Margot.

"Akin na." Pinilit nitong kinuha sa kanya ang dala. Hindi na siya nakatanggi pa kahit maiinis pa siya. Matindi rin ang kakulitan ng isang ito, eh. Pinupormahan siya pero hindi niya gusto, hindi lang dahil ex ni Margot kundi dahil hindi niya ito type. Sa iritasyon ay pahampas niyang ibinigay ang isa pa.

"Oh, ayan! Tutal mapagkawang gawa ka lubusin mo na." Tinamaan ito sa tiyan.

Humalakhak lang ito. "Cute mo talaga kaya type na type kita."

"Hindi kita type, Caspian," diretso niyang pambabasted dito at hindi niya alam kung pang-ilan na ito. Agad na sumunod sa kanya si Caspian nang magsimula siyang maglakad.

"Kapag ako inaway na naman ni Margot makikita mo. Ikaw talaga babanatan ko." Muling malakas na tumawa ang lalaki. Ano ba ang nakakatawa sa sinasabi niya? Waley naman. Seryoso kaya siya.

"Bakit ba hindi mo ako type? Guwapo naman ako."

"Di ko bet mestizo. Bet ko dark pero mukhang mestizo."

"Non-existence. Wala namang ganoon. Dark pero mestizo? Kapag mestizo maputi."

Ano ba ang tawag sa uri ni Nognog? Saglit na nag-isip si Tisay at nang maalala ay pumitik ang daliri niya sa hangin. "Light-skinned. Iyong black american tapos nalahian pa ng iba." Mestizong-negro kasi ang tawag nila sa mga ganoon noong nasa Davao sila. Lagi siyang may nakikitang ganoon sa club na pag-aari ng mga taong umampon sa kanila kaya naman hindi talaga niya nakalimutan si Nognog.

The Kiss 1: The Wild KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon