Hello! Ang ibang part nito ay nasa special chapter ng Tease Me (Lilac) So, advance na dun. Nabasa niyo na ba or hindi pa? Iniisip ko kung dugtungan ko na lang dito or ipost ko na rin yung lahat dito na nasa special chapter kung hindi niyo pa nababasa? Comment your thoughts. Thank you!😊
***
TUMIGIL sa pagsusulat si Tisay at mula sa order slip ay sinulyapan niya ang bundle ng tag-iisang libo sa mesa na inilapag ng isang mayamang negosyante para silawin siya ng salapi.
"Gagawin kitang reyna, Tisay, pumayag ka lang."
"Sukat ng etits?" tanong niya at muling inilista ang order sa papel.
"Ha?" takang tanong ng lalaki.
Pinindot niya ang dulo ng retractable pen saka hinarap ang may malaking tiyan na si Mr. Ching. Regular customer ito sa beerhouse na pinagta-trabahuhan niya. Tagaroon ito sa kanila, sa Batasan Hills. May-ari ito ng malaking pabrika ng plastik. Kalahi ito ng umaangkin sa Spratly Island.
"Ano ang sukat ng etits mo? Kung mga 8 inches pataas gora--" Sinulyapan niya ang pagitan ng hita nitong hindi man lang makita kahit zipper ng pantalon dahil sa laki ng tiyan nito.
"Pero duda ako, mukhang tatlong pulgada lang. Pasensiya na, Mr. Ching, ako sukat etits base hindi gaano kakapal bulsa. Laki etits tsalap. Liit 'di tsalap. Turok ka muna petroleum jelly para di ka na duty free saka mo ako balikan. No hurt feelings, okay?" Nag-thumbs-up siya sa matabang intsik bago ito tinalikuran. Nagtawanan naman ang mga kasama nito.
Tinungo niya ang kitchen area at itinusok sa pako ang papel para sa order na pulutan saka tinungo ang bar.
"Isang bucket ng San Mig," imporma niya sa kaibigang si Cesar.
"Bakit ganyan na naman ang mukha mo? May nangungursunada na naman ba sa 'yo?" Tumanaw si Cesar sa madilim na beer house kung saan naroon ang maraming kustomer.
"Si Mr. Ching na naman ba?" Kinuha nito ang asul na bucket na may imprinta ng brand ng beer mula sa ilalim ng bar counter at inilapag sa ibabaw.
"Hayaan mo na 'yon. Wala rin siyang mapapala sa 'kin."
Nilagyan ni Cesar ng anim na beer ang bucket.
"Ako na magdadala nito."
Tumango na lang siya saka sumandal sa bar counter. Inilibot ni Tisay ang paningin sa madilim at maingay na beerhouse. Medyo nagsasawa na rin siyang magtrabaho sa ganitong lugar. Lagi na lang siyang puyat, amoy sigarilyo at alak. Hindi siya naninigarilyo pero mukhang magkakakanser siya kakalanghap ng mga usok. Sabi pa naman mas matindi ang tama kapag exposed sa secondhand smoke.
Kung pwede lang mag-abroad ginawa na niya kaso dise otso palang siya. 23 raw ang edad dapat sabi ng agency na napagtanungan niya. Pwede naman peke-in pero ayaw ng kanyang kapatid. Mag-aral na lang daw siya at ito na ang bahala sa kanya. Kaso naaawa na rin siya sa kapatid niya. Wala na itong ginawa kundi ang magtrabaho. Lagi pang nababastos dahil sa uri ng trabaho nito.
"The most awaited moment has finally arrived." Ibinaling ni Tisay ang tingin sa stage nang marinig ang anunsiyo. Hudyat iyon para simulan ang performance ng isang dancer.
"The star of Premium Magdalena, Phryne!" Sumimangot si Tisay nang lumabas ang magandang babae sa entablado na isang kakapiranggot na leather underwear lang ang suot. Naghiyawan ang mga kalalakihan. Ito ang itinuturing na pinakamagandang dancer ng Premium Magdalena.
Gumiling ang malambot nitong katawan sa saliw ng nang-aakit na musika. Ang mga mata ay nakatuon sa mga kalalakihang nanonood na tila isang diyosang nang-aakit.
Hindi pa man nagtatagal ay may isang lalaking tumayo sa kinauupuan at nilapitan ito. Yumuko ang babae at inipit ng lalaki ang nakarolyong papel na pera sa cleavage nito. Sinundan naman iyon ng isa pang lalaki at inipit naman sa strap ng bra. Naupo ang babae sa gilid ng stage nang ilang lalaki pa ang lumapit. Itinukod nito ang isang kamay sa likuran nito habang ang isang kamay ay inilagay sa leeg habang nakatingala. Lumaylay sa sahig ng entablado ang maganda at mahaba nitong buhok.