SIMULA

458 3 0
                                    

"Kludd, I.... I'm pregnant!" Halos mapiyok ako nang sabihin ko sa harap niya yun.

Natigilan siya sa ginagawa niya. Nabalot ng buong tensyon ang buong kwarto. Halatang nagulat siya sa narinig niya.

"Wait....what?" Halatang naguguluhan siya at mukang nagtataka kung tama ba yung pagkakarinig niya. "Pregnant? Are you serious?"

Tumango ako, bigla na lang tumulo ang luha sa mga mata ko.

"B-buntis ako Kludd!" Napayuko ako at hinawakan yung mga daliri ko na kanina pa nanginginig sa takot. "A-at ikaw yung a-----"

"It can't be mine." Galit na sabi niya. Napatayo siya at parang hindi rin mapakaniwala. Hindi ko mabasa ang isip niya pero halata naman sa kanya na hindi niya gusto yung mga nangyayari.

"You're not pregnant. Sinasabi mo lang yan dahil gusto mong mahalin din kita" Galit na sabi niya

Halos kumirot yung dibdib ko dahil sa sinabi niya. Ganon ba ako ka desperada para lang mag panggap na buntis ako para mahalin niya ako pabalik. Ganon ba yung tingin niya sakin?

"Nagsasabi ako ng totoo!" Kinalkal ko yung bag ko at nilabas ko yung tatlong pregnancy test na ginamit ko kanina. Natigilan siya at napatitig sa hawak ko nang makita niya ang dalawang guhit sa pregnancy test.

Nang una akala ko baka sira lang yung unang nabili kong pregnancy test. Sinubukan ko ulit gumamit ng dalawa at lahat yun pare-pareho ng resulta. Isang buwan na rin akong hindi dinadatnan kaya naisipan kong bumili ng pt para na rin makasigurado.

"Hindi akin yan. Alam mong ilang araw na tayong.... I mean ilang araw ng walang nangyayari sating dalawa."

Para akong sinaksak ng paulit ulit dahil sa sinabi niya. Wala akong ibang naging lalaki sa buhay ko. Siya lang yung nag-iisang taong minahal ko.

"Sigurado akong hindi akin ang batang yan. Hindi lang naman ako yung nakaka sex mo!" Sigaw niya sakin.

Gusto kong magalit gusto ko siyang sigawan at saktan pero anong karapatan ko? Una walang kaming relasyon. Nag-papanggap lang na kami pangalawa pumayag akong gamitin niya ako. Hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan niyang sabihin na may iba pang lalaki ang nakinabang sakin.

"Alam mo ang totoo Kludd! Alam mong ikaw lang yung naging lalaki ko at kahit kailan hindi ko binigay yung katawan ko sa iba." Umiiyak na sabi ko.

"This isn't happening." Huminto siya, namumula na rin yung mukha niya sa galit. "Look, Lauryn, I don't know what kind of game you're playing, but hindi ko matatanggap ang batang yan."

Bawat linyang binibitawan niya para akong tinutusok ng milyong-milyong karayom. Ang bigat sa dibdib, ang sakit pala talagang hindi ka matanggap. Ngayon ko na realized kung gaano ka sakit noon kay mama yung mga nangyari sa kanya noon. Ganito rin siguro nararamdaman niya noong sinabi ni daddy na hindi niya ako matatanggap bilang anak niya.

"Please Kludd pag-usapan natin to." Umiiyak na sabi ko.

"There's only one option...." Huminga siya ng malalim at tumingin sakin. "Abortion."

"W-what?" Halos magunaw ang mundo ko sa sinabi niya. Hindi agad ako nakapagsalita, napatulala na lang ako dahil sa gulat.

Kinuha niya yung jacket niya at susi.  Humarap siya sa pinto. Bago umalis, may huli siyang sinabi na mas lalong nagpasakit sa dibdib ko.

"Ipalaglag mo ang bata at huwag kanang magpapakita sakin kahit kailan."

"Kludd!" Pagmamakaawang tawag ko sa kanya pero hindi man lang niya ako nilingon.

Umalingawngaw ang kalabog ng pinto sa paglabas niya. Naiwan akong mag-isa habang humahagulgol ng malakas. Halos sobrang sikip ng dibdib ko. Ni hindi ako makatayo o makakilos para akong naging bato.

Isa na namang pagkakamali ang nabuo, yung pagkakamali ni mama noon, hindi ko akalaing mararanasan ko rin ngayon.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon