Hirap na hirap akong binabalanse ang isang tray na may laman na tatlong neoncolored na cocktail. Maingat na hinawakan ko ang try dahil isang pagkakamali ko lang maari itong mabasag. Ito ang unang gabi ko sa trabaho kaya medyo nangangapa pa ako dahil hindi ko pa masyadong gamay yung mga trabahong gagawin ko.
Nakakabigla at nakakataranta rin ang biglang pagdami ng tao. Parang kanina lang tahimik at classy ang restaurant na ito. Ngayon halos mabingi ako sa lakas ng music at mga hiyawan ng mga teenagers. Halo-halo na rin ang amoy ng alak, yosi at vape.
Sanay naman ako pumasok sa mga ganitong lugar dahil minsan na kaming pumupunta nila Audri sa ganito pero hindi ko lang inaasahan na mas wild ang mga customer na pumapasok dito.
"Excuse me po!"
Isang grupo ng mga kabataang lalaki ang nadaanan ko, masaya silang nagsasayawan sa gitna. Napansin ko din ang isang babae na sobrang kapal ng eyeliner. Nakakapit siya sa kanyang boyfriend at humahagikgik. Sa kabilang table naman isang grupo ng mga mayayamang negosyante. Kalmado na umiinom lang sila at nagtatawanan. Nahagip ng aking mata ang nag-iisang babae na naka-upo sa isang couch. Malungkot itong umiinom mag-isa na tila pasan ang mundo.
"Ito na po yung order niyo!" Nilapag ko sa table nila yung dala kong drinks.
Ganon ang ginawa ko buong gabi, sobrang nakakapagod rin pala lalo na kapag maraming tao. Sabi naman ni Amalia sa una lang daw mahirap pero masasanay din daw ako. May times lang daw na may bad na nangyayari dahil may mga masasamang ugaling customer pero kailangan tiisin dahil nag tatrabaho ka at kailangan mong kumayod para kumita ng pera.
Bigla namang nag vibrate yung phone ko, kinuha ko ito at binasa yung text galing kay Kludd
[Hey are you busy? Kanina pa ako tumatawag sayo. Ano bang ginagawa mo?]
Ngayon ko lang napansin na kanina pang umaga nag tetext sakin si Kludd at ni isang text niya hindi ko na replyan. Hindi ko na rin nagawang basahin pa yung ibang messages niya. Sobrang busy ko kanina sa school dahil marami akong inasikaso. Pagdating naman ng hapon dumeretsyo ako dito sa restaurant. Ngayon ko lang ulit na silip yung phone ko.
"Lauryn pabigay naman to sa table 14." Narinig kong tinawag ako ni Lion, isa sa mga waiter.
"Coming!" Mabilis na tinago ko yung cellphone ko at tumakbo sa gawi niya.
Sa dami nang tao hindi ko na ulit sinubukan pang silipin ulit yung cellphone ko. Baka pagalitan rin ako ng manager namin kapag nakitang nag cecellphone ako sa oras ng trababo.
"Guys una na kami." Paalam ko sa mga kasama namin.
Mamaya pang 3pm magsasarado yung bar pero dahil nga may klase ako bukas hanggang 11pm lang ako. Ganon din si Amalia kaya sabay kaming natapos sa duty. Working student din siya kagaya ko pinagkaiba lang namin dalawa, siya nag tatrabaho para sa pamilya niyang nasa Siargao.
"Dati akong nagtuturo ng surfer sa Siargao kaso hindi ganon kalakihan yung kinikita ko kaya napag-isipan kong sa manila makipag sapalaran." Kwento niya habang naghihintay kami ng bus.
"Alam mo yung mga ka batch ko ngayon ang gaganda na nang buhay dahil mga nakapangasawa ng afam sa Siargao." Natatawang sabi niya. "Ang nanay nga sabi mag asawa na lang daw ako ng afam para hindi ko na daw kailangan mag trabaho, jusko!" Biro niya.
Nakangiti lang ako habang nag kikwento siya, hindi rin pala ganon kadali ang buhay niya pero kahit ganon may pamilya siya. May matatakbuhan siya kapag may problema siya, may kakampi at karamay habang ako mag-isang lumalaban.
"Ikaw kamusta naman yung buhay mo?" Umayos siya ng upo tapos humarap sakin. "Hindi ka naman mukang anak mahirap, ang ganda ganda ng kutis mo tapos amoy mayaman ka. Paniguradong hindi ka katulad ko na kapos sa pera."
BINABASA MO ANG
Chasing You
AcakLauryn Del Beuna's life is miserable; she grew up without a father, her mother became a mistress to a rich businessman, and her father wanted to abort her when her mother was pregnant with her. But she thought her life would be good again with Kludd...