Sinalubong ako ni Kludd pagpasok ko ng condo niya. Malawak ang ngiti niya at halatang masayang masaya.
Ganyan pa rin kaya yung ngiti niya pag sinabi ko sa kanyang buntis ako? Matutuwa ka siya? Tatanggapin niya kaya yung magiging anak namin?
Masyado kong iniisip lahat ang pwedeng mangyari. Halos sumakit na yung ulo ko kakaisip sa mga bagay na alam kong magpapasakit lang sa damdamin ko.
"Oh bakit parang maputla ka? May sakit kaba?" Hinawakan ni Kludd yung noo ko pati yung leeg ko.
"Hindi ka naman mainit, okay ka lang ba?"
"Okay lang ako." Pilit na ngumiti ako sa kanya at umupo sa may sofa.
Halos manginig ang kamay ko dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya.
"Btw nag-usap kami ni Avy kanina." Lumawak ang ngiti sa labi niya. "Sinabi ko sa kanya ang totoo na nagpapanggap lang tayo. Inamin ko rin na hanggang ngayon siya pa rin yung mahal ko."
Tuluyang napayuko na lang ako at kusang tumulo ang luha ko. Nasasaktan ako, nasasaktan din ako para sa anak ko. Alam kong mahal na mahal niya si Avy at kahit kailan hindi niya ako mamahalin gaya ng pagmamahal niya kay Avy pero isa lang hiling ko ngayon, ang matanggap niya yung bata. Kahit hindi na ako dahil kaya kong tanggapin yun, kahit sa bata na lang sana kahit ayun na lang yung mahalin niya magiging masaya na ako.
"Napag-usapan din namin na pagbalik niya dito sa Pilipinas, sasabihin niya ang totoong relasyon naming dalawa. Handa na siyang sabihin ang totoo. Sobrang saya ko talaga ngayon dahil finally malaya na kaming magagawa yung mga bagay na patago lang namin na ginagawa noon."
Ayokong sirain yung saya na nararamdaman niya ngayon. Alam kong sobrang saya niya ngayon dahil finally magiging okay na ulit sila ni Avy. Nasasaktan ako pero nasasaktan din ako para sa kanya dahil ako at yung pagbubuntis ko ang sisira sa kaligayahan niya.
"K-kludd may sasabihin ako!" Humarap ako sa kanya. Bahagya pa siyang nagulat dahil sa itsura ko.
"Umiiyak kaba?" Nagtatakang tanong niya.
Huminga ako ng malalim at matapang na humarap sa kanya.
"Kludd, I.... I'm pregnant!" Halos mapiyok ako nang sabihin ko sa harap niya yun.
Natigilan siya sa ginagawa niya. Nabalot ng buong tensyon ang buong kwarto. Halatang nagulat siya sa narinig niya.
"Wait....what?" Halatang naguguluhan siya at mukang nagtataka kung tama ba yung pagkakarinig niya. "Pregnant? Are you serious?"
Tumango ako, bigla na lang tumulo ang luha sa mga mata ko.
"B-buntis ako Kludd!" Napayuko ako at hinawakan yung mga daliri ko na kanina pa nanginginig sa takot. "A-at ikaw yung a-----"
"It can't be mine." Galit na sabi niya. Napatayo siya at parang hindi rin mapakaniwala. Hindi ko mabasa ang isip niya pero halata naman sa kanya na hindi niya gusto yung mga nangyayari.
"You're not pregnant. Sinasabi mo lang yan dahil gusto mong mahalin din kita" Galit na sabi niya
Halos kumirot yung dibdib ko dahil sa sinabi niya. Ganon ba ako ka desperada para lang mag panggap na buntis ako para mahalin niya ako pabalik. Ganon ba yung tingin niya sakin?
"Nagsasabi ako ng totoo!" Kinalkal ko yung bag ko at nilabas ko yung tatlong pregnancy test na ginamit ko kanina. Natigilan siya at napatitig sa hawak ko nang makita niya ang dalawang guhit sa pregnancy test.
"Hindi akin yan. Alam mong ilang buwan na tayong.... I mean ilang buwan ng walang nangyayari sating dalawa."
Para akong sinaksak ng paulit ulit dahil sa sinabi niya. Wala akong ibang naging lalaki sa buhay ko. Siya lang yung nag-iisang taong minahal ko.
BINABASA MO ANG
Chasing You
RandomLauryn Del Beuna's life is miserable; she grew up without a father, her mother became a mistress to a rich businessman, and her father wanted to abort her when her mother was pregnant with her. But she thought her life would be good again with Kludd...