KABANATA 07

156 4 0
                                    

"Bye Lauryn, ingat kayo!"

Nagpaalam na kami sa kanila. May pasok pa kami ni Kludd at namaya pa sila uuwe dahil may pupuntahan pa daw sila kaya nauna na kami ni Kludd umalis.

Buong byahe tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan niya. Hindi ko nga siya magawang lingunin o kausapin. Hanggang ngayon kase nasa isip ko pa rin yung mga salitang sinabi niya.

Oo masakit, masakit malaman yung katotohanan na kahit kailan hindi niya ako magagawang mahalin. Kahit hindi niya sabihin alam ko naman yun dahil ayun yung pinaparamdam niya sakin. Ako lang naman tong tanga at umaasa.

Hindi ko namalayan na kusa na palang tumutulo yung mga luha sa mata ko kaya pa simple ko tong pinunasan para hindi makita ni Kludd. Kanina ko pa gustong umiyak pero pinipigilan ko lang yung sarili ko dahil ayoko namang mag mukang tanga sa kanila at sa harap ni Kludd.

Hanggang sa makarating kami sa labas ng village namin hindi ko siya kinibo. Sobrang tahimik nga nang naging byahe naming dalawa. Hindi ko na nga lang namalayan nakatulog na pala ako kakaisip sa kanya.

Nagising na nga lang ako malapit na kami sa labas ng village. Sinabihan ko naman siya, sa labas niya na lang ako ibaba dahil hindi nga pwedeng makita nila tita Alina o ni daddy na may kasama akong lalaki.

"Salamat! Ingat ka." Pilit na ngumiti lang ako sa kanya at lumabas na agad ng sasakyan niya.

Hinintay ko lang siyang makaalis bago pumasok sa loob ng village. Nilakad ko na lang para makatipid na rin sa pamasahe. Iniipon ko rin yung binibigay na allowance ni daddy. Gusto ko nga rin sana maghanap ng trabaho kaso alam kong hindi siya papayag na gawin ko yun.

Pagkarating ko ng bahay nadatnan ko si Khalid na nakaupo sa sala habang nagbabasa ng news paper. Napansin ko agad ang matalim na tingin niya sakin.

"Napapadalas ata pag uwe mo ng umaga!" Seryosong sabi niya

"Kila Miles ako natulog." Pagsisinungaling ko.

"Kasama ko kagabi ang kuya ni Miles, dumaan kami sa condo niya at wala ka don." Nakataas ang kilay niya habang nakatingin sakin. Napakagat labi na lang ako dahil hindi ko alam kung ano sasabihin ko.

"Ayusin mo lang na wala kang ginagawang kalokohan. Kahihiyan na yung binigay ng mama mo sa pamilya namin baka pati ikaw kahihiyan lang din ibigay mo!"

Natahimik na lang ako at hindi na lang kumibo. Minsan lang magsalita si Khalid pero pag siya ang nagbitaw ng mga salita literal na masasaktan ka. Kaya mas gusto kong hindi na lang umuuwe ng bahay dahil sa tuwing uuwe ako lagi nilang pinapamukha sakin yung kasalanan ni mama sa kanila. Tuwing uuwe na lang ako wala na silang bukang bibig kundi pagkakamali ni mama na lagi nilang sinusumbat sakin.

"Hindi ko naman pinapabayaan yung pag-aaral ko." Mahinang sabi ko.

"Dapat lang kase kung lalandi ka lang tulad ng nanay mo mas better na umalis kana lang sa pamamahay ko." Nilingon ko si tita Alina na kakalabas lang ng kusina.

"Mom!" Pigil sa kanya ni Khalid.

"Hindi ka namin pinatira dito para mag buhay prinsesa. Anak ka lang sa labas kaya itatak mo yan sa kokote mo." Dugtong pa ni tita Alina.

"Alam ko naman po yun at hindi ko nakakalimutan kung ano ako at sino ako sa bahay na to. Excuse me po!" Tinalikuran ko sila at umakyat na, narinig ko pa ang huling sinabi ni tita Alina pero hindi ko na lang pinansin.

"Bastos talaga!"

Baka hindi ko mapigilan yung sarili ko masagot ko lang siya. Alam ko namang ako lang din ang lalabas na mali kaya ako na lang iiwas.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon