Dalawang buwan na ang nakalipas, simula nang magtrabaho ako. Madali naman akong natuto kaya nakapag adjust agad ako. Sa una mahirap pero nasanay din ako.
Hindi rin sinabi ni Khalid kay daddy ang tungkol sa trabaho ko. 2 weeks siyang nawala, akala ko sa pagbalik niya. Sasabihin niya kay daddy pero nagkamali ako. Wala akong narinig na kahit ano sa kanya pero mas naging malamig yung pakikitungo niya sakin.
Ayos lang naman sakin yun dahil nasanay naman akong ganon yung trato nila sakin. Ang mahalaga naman sakin ngayon ay yung hindi malaman ni daddy dahil paniguradong patitigilin niya ako sa trabaho ko.
Marami ring nagbago at nangyari sa pagiging fake girlfriend ko kay Kludd. Unti-unti na ring nagiging malapit yung loob ni Kludd sakin, minsan nga iniisip ko sana hindi na lang matapos ang limang buwan para matagal ko pa siyang makasama, kung pwede lang na dagdagan pa yung buwan para lang mas makasama ko pa siya gagawin ko.
"Oh parang ang saya mo ata!" Bungad ko kay Kludd.
Malayo palang kita ko na ang mga ngiti niya, ibang iba sa mga ngiti pag ako yung kasama niya. Ngayon ko na lang ulit siyang nakitang ganyan, huling kita ko sa mga ngiti na yan, sila pa ni Avy.
"Tumawag sakin si Avy." Mas lalong lumawak ang ngiti sa mga labi niya.
"Talaga? Anong sabi sayo?" Pilit na ngumiti ako.
"Nakikipag balikan siya sakin." Hinawakan ni Kludd yung braso ko. "Naging successful yung plano ko. Napagselos ko siya, ngayon gusto niyang makipag-balikan sakin."
Nawala yung pekeng ngiti sa labi ko. Para akong sinaksak ng paulit ulit sa mga linyang sinabi niya. Umasa ako na kahit papaano mamahalin niya rin ako. Umasa akong makakalimutan niya rin si Avy pag ako yung kasama niya.
"Next week babalik na siya ng Pinas at sasabihin niya na yung tungkol saming dalawa."
Hindi ko magawang mag kunware sa harap niya. Kahit ang ngumiti o tumawa hindi ko magawa. Sana hindi na lang siya sinabi sakin. Mas gugustuhin ko pang sabihin niyang tapusin na namin yung pagpapanggap namin hindi yung ganito na sinasaktan niya ako harap-harapan.
"Tatapusin naba natin yung sa kontrata?" Pilit na tinapangan ko yung sarili ko.
"Pag-usapan natin mamaya sa condo ko yung tungkol diyan. Kakausapin ko rin si Jahiem at sila Bastian. Ako nang bahala magpaliwanag sa kanila." Tumango na lang ako sa kanya.
Pagtapos naming mag-usap bumalik na ako sa room. Magkikita kami ni Kludd mamayang gabi sa condo niya para pag-usapan yung tungkol sa kontrata. Siguro ito na rin yung time para matapos na rin yung kahibangan kong mamahalin niya rin ako. In the first place ako naman talaga tong pilit na isinisiksik yung sarili ko sa kanya.
Napansin nila Audri ang pagiging tahimik at matamlay ko pero di ko sinasabi sa kanila yung dahilan ko. Hanggang sa mag lunch break tahimik lang ako at walang kibo.
Si Audri na ang omorder samin at naiwan kaming dalawa ni Miles sa table.
"Hoy may sakit kaba?" Hinawakan ni Miles yung noo ko. "Hindi ka naman mainit, may problema ba?" Nag aalalang tanong niya.
"Okay lang ako!" Pilit na ngumiti ako sa kanila para itago yung tunay kong nararamdaman.
"May nangyari na naman ba sa bahay niyo?"
"Wala, ayos lang talaga ako Miles." Umiwas ako ng tingin sa kanya at tumingin na lang sa malayo.
"Oh si Kludd? Nag-away ba kayo?" Hindi ako tinigilan ni Miles.
"Kilala kita Lauryn!" Sinamaan niya ako ng tingin. "Hindi ka mag kakaganyan kung walang problema."
Bago pa ako makapag salita narinig na namin ang boses ni Audri na nagmamadaling makalapit samin. Hindi lang siya makatakbo ng maayos dahil bitbit niya yung pagkain na inorder niya.
BINABASA MO ANG
Chasing You
RandomLauryn Del Beuna's life is miserable; she grew up without a father, her mother became a mistress to a rich businessman, and her father wanted to abort her when her mother was pregnant with her. But she thought her life would be good again with Kludd...