"Kanina kapa panay tingin diyan sa relo mo! May pupuntahan kaba?"
Nakataas ang kilay ni Audri habang nakatingin sakin pero hindi ko na lang siya pinansin. Panigurado kaseng marami na naman siyang tanong.
May usapan kase kami ni Kludd na susunduin niya ako sa room mamayang uwian dahil may pupuntahan daw kami. Halos hindi na nga ako makapaghintay na mag uwian na dahil excited akong makasama siya.
Half day lang kami ngayon dahil may seminar yung mga teacher. May mga nag uwian na rin naman dahil yung last subject namin hindi na pumasok yung prof. Nagtataka nga ako bakit dipa umuuwe yung dalawang to mostly pag ganito nauuna pa sila lumabas ng room.
"Ahh kaya naman pala panay tingin sa relo may susundo!" Nakangiting sabi ni Miles.
Agad na napatingin ako sa labas ng binatana ng room. Nakita ko si Kludd na nakatayo habang nagtitipa sa cellphone niya.
"May date kayo no?" Pang-aasar sakin ni Audri.
"Gaga may pupuntahan lang kami." Sabi ko at nagsimula ng mag-asikaso.
"Ibang level up na yang pagiging fake girlfriend mo ha." Sabay ngisi ni Miles.
"Guys walang malisya to okay! Baka part lang to ng pagpapaselos niya kay Avy." Sabi ko.
"Pero nag eexpect hahahaha!" Sabay halakhak nilang dalawa.
"Diyan na nga kayo!" Napairap na lang ako at nagmadaling lumabas ng room. Sakto namang paglabas ko napatingin sakin si Kludd.
"Done?" Tanong niya.
Ngumiti naman ako at tumango sa kanya. Nagulat na lang ako ng bigla siyang lumapit sakin at hinawakan yung kamay ko. Nagtataka ko naman siyang tinignan.
Hindi ko lang akalain na biglang hahawakan niya yung kamay ko ng walang dahilan. Hindi rin naman ako sanay na malapit siya sakin at ganito yung ginagawa namin. Lalo na hindi naman talaga totoong kami. Hindi pa rin nga malinaw sakin kung bakit kailangan kong mag panggap na fake girlfriend niya.
"Anong ginagawa mo?" Bulong ko.
"Hinahawakan ka!" Sabi niya pero nasa iba yung tingin niya kaya sinundan ko kung saan siya nakatingin. Doon ko nakita yung dalawang kaibigan ni Avy na nakatayo malapit sa library at nakatingin samin dalawa ni Kludd.
"Kaya naman pala." Mahinang sabi ko.
"What?" Tanong niya nung humarap na siya sakin.
"Sabi ko kaya naman pala bigla kang naging ganyan." Sabay tingin ko sa kamay namin na magkahawak.
Napatingin din siya sa kamay namin at tumingin sakin bago binitawan yung kamay ko.
"Tsk!!" Umirap siya sakin at nauna na maglakad.
Napa-iling na lang ako at sinundan siya. Muli akong tumingin sa mga kaibigan ni Avy at hanggang ngayon nakatingin pa rin sila saming dalawa.
Kahit hindi iklaro ni Kludd sakin ang totoong dahilan. Alam kong gusto niyang magselos si Avy. In short ginagamit niya ako para bumalik si Avy sa kanya na baka ako yung maging dahilan para ma realized ni Avy na si Kludd talaga ang gusto niya.
Ang sakit lang din sa part ko na what if bumalik nga si Avy? So paano ako? Paano yung 5 months contract namin? Matatapus na lang ba ng ganon yun? o itutuloy pa rin ba namin? Alam ko rin naman kaseng talo ako sa huli. Sumubok lang ako na baka balang araw ako naman yung magustuhan niya.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko kay Kludd na kanina pa tahimik habang nag didrive.
"Tanay Rizal" Tipid na sagot niya.
BINABASA MO ANG
Chasing You
AcakLauryn Del Beuna's life is miserable; she grew up without a father, her mother became a mistress to a rich businessman, and her father wanted to abort her when her mother was pregnant with her. But she thought her life would be good again with Kludd...