KABANATA 05

202 4 0
                                    

Mabilis na kumalat ang tungkol samin ni Kludd sa buong campus. Marami ang nagtaka at nagulat dahil sa ginawa ni Kludd sa cafeteria. Hindi ko alam yung intensyon niya kung bakit ginawa niya yun pero isa lang yung nakikita kong dahilan. Ang pagselosin si Avy, alam niyang may mga kaibigan si Avy dito sa school kaya panigurado malalaman din niya na ako yung girlfriend ni Kludd.

"Sayang wala tayo sa cafeteria edi sana nakita natin yung mala romantic na announcement ni Kludd." Natatawang sabi ni Miles.

"Huwag niyo nang bigyan ng malisya yun. Ginawa niya yun para malaman ni Avy na may girlfriend na siya." Seryosong sabi ko.

"Pero at least pinagsigawan niya yung pangalan mo! Maging masaya kana lang kase sobrang proud ng boyfriend mo sayo." Sarcastic na sabi ni Audri.

"Loko!" Natawa na lang ako at hindi na lang pinansin yung pang-aasar sakin ng dalawa.

Lunch time na pero hindi pa rin ako lumalabas sa room para kaseng ayokong kumain ngayon. Lalo na kalat sa buong campus yung ginawa ni Kludd at hindi lang yun paniguradong magtatagpo ang landas namin ni Kludd at ni Jahiem. Hindi pa nga humuhupa yung away namin ni Jahiem may panibago na naman. Isa pa kalat din sa campus na pinag-aagawan ako ng dalawa.

Sino ba naman kaseng chismosa ang magkakalat non! kung pwede lang din sabihin na kapatid ko si Jahiem para tumigil na sila sa kakaisip ng kung ano ano.

"Hoy gaga si Jahiem nasa labas ng room. Hinahanap ka ata!" Kinalabit ako ni Miles, narinig ko palang pangalan niya nag panic na ako bigla.

Ito na nga ba sinasabi ko!!

Nagulat ako ng deretsyong pumasok si Jahiem sa loob ng room kaya yung mga classmates ko na natira sa room biglang nagtitinginan at nagbulungan.

"Bakit?" Seryosong tanong ko.

"Sakin ka sasabay mag lunch ngayon." Seryosong sabi niya.

"Ha?" takang tanong ko.

Kahapon pa ako nagtataka sa mga kilos ni Jahiem. Ngayon naman gusto niya akong makasabay kumain parang dati lang ayaw na ayaw niyang nakikitang nag-uusap o nakikitang magkasama kami ngayon gusto niya sabay kami mag lunch.

"Hindi mo ba narinig yung sinabi ko?" Masungit na sabi nito.

"Teka nga bakit ba? Diba ayaw mo namang nakakasabay ako mag lunch? Anong nakain mo?" Mahinang sabi ko.

"Huwag kana maraming tanong." Hinila niya ako kahit hindi pa ako pumayag. Napatingin naman ako kila Audri na nag okay sign sakin.

"Huwag mo nga akong hilain, sasama naman ako! tsaka bitawan mo kamay ko baka isipin pa ng iba diyan may relasyon talaga tayo." Binitawan naman niya yung kamay ko at masamang tumingin sakin.

Natahimik na lang ako at sumunod sa kanya. Napayuko na lang ako dahil pinagtitinginan na kaming dalawa. May mga naririnig pa akong bulungan na 'Diba sila ni Kludd? Bakit magkasama sila ni Jahiem'

Pagpasok namin sa cafeteria unang hinanap ng mata ko si Kludd. Hindi nga ako nagkamali, nakita ko siya kasama sila Bastian. Napatingin din sila sa direksyon namin.

"Bakit ba ako yung inaya mo kumain? Diba dapat sila yung kasama mo?" Tanong ko kay Jahiem.

"Diba ito yung gusto mo? Yung makita nilang okay tayo?" Sabay ngisi niya.

"Kilala kita Jahiem! Kung ano man yang binabalak mo please lang huwag mo nang ituloy. Hindi ikaw yung tipo ng kapatid na gustong makitang kasama yung kapatid niya sa labas." Hindi niya ako pinansin basta na lang siyang tumayo at pumunta sa counter para mag order.

Napabuntong hininga na lang ako dahil mali atang pumayag ako sa gusto ni Kludd. Ako pa at magiging dahilan sa pagkasira ng pagkakaibigan nila.

"K-kludd!!" Nagulat ako ng biglang umupo si Kludd sa tabi ko.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon