KABANATA 10

160 2 1
                                    

Ang liwanag ng araw ay dumaloy sa bintana ng restaurant, tumatama ito sa mesa kung saan nakaupo ako. Ngayon kami magkikita ni Miles para don sa trabahong sinasabi niya sakin. Medyo kinakabahan ako dahil baka hindi ako tanggapin sa trabaho.

Nakatanggap din ako ng text mula kay Miles na parating na siya. Na traffic lang daw siya kaya natagal siya. Noon lang, tumunog ang pinto ng cafe, at pumasok si Miles. Masaya itong lumapit sakin.

"Lauryn! Sorry I'm late, traffic was a nightmare!"

Natawa naman ako bahagya."No worries, hindi naman ako masyadong naghintay ng matagal."

"Btw Lauryn, dito ka pala magtatrabaho." Nilibot ko ng tingin ang buong restaurant. May second floor pero railings lang yung harang pero may sign na nakalagay don na closed.

"it's actually two places. Sa araw, ito ay isang restaurant na tinatawag na 'Sunlight Restaurant.' But at night, the whole vibe change. It transforms into a resto bar called 'Moonlight.'

"Nice, mukang enjoy mag trabaho dito." 

"Oo naman no tsaka mababait ang mga staff dito Lauryn. Sure akong makakasundo mo silang lahat."

Bago pa ako makasagot, may isang boses ang nagsalita mula sa likod namin.

"Miles! Nandiyan ka na pala, kanina ko pa hinihintay yung pagdating mo."

Lumapit samin ang isang matangkad at kahanga-hangang babae. She had a warm smile and a friendly glint in his eyes.

"Ms. Divine, this is Lauryn," ngumiti si Miles at tumingin sakin.

"Lauryn, this is the manager, si Ms. Divine. Siya yung sinasabi ko sayo na kaibigan ng pinsan ko."

Naglahad siya ng kamay sakin.
"Nice to meet you, Lauryn. Miles told me all about you. Welcome to the team!"

Nakipagkamay naman ako sa kanya. Mukhang maganda ang lugar na ito, dito kahit papaano malilibang ko ang sarili ko at malayo sa bahay

Maya-maya, may lumabas na isa pang pigura mula sa kusina, nagulat ako nang makita ko si Lorh. Nagpupunas siya ng kamay gamit yung tuwalyang hawak niya. Sandali siyang huminto, bahagyang nalaglag ang kanyang panga nang makita niya ako.

"Lauryn?" may halong pagtataka ang boses niya.

"Lorh?" Umalingawngaw ang malakas na boses ko. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Ako ang owner ng restaurant na to." Ngumiti sakin si Lorh. Napatingin naman ako kay Miles, nag peace sign siya sakin.

"Sorry nakalimutan kong banggitin, si Lorh pala ang may-ari nito." Napakamot siya sa batok niya. "Kilala mo naman na si Lorh diba. Alam kong nagkita na rin kayo sa Tanay. Nakita ko kase nakaraan yung ig stories niya." Pagpapaliwanag ni Miles.

"Ig stories?" Nagtatakang tumingin ako sa kanilang dalawa. Hindi ko kase friends sa ig si Lorh kaya wala akong idea kung ano yung sinasabi nila.

"Yung pinakilala ka samin ni Kludd. Sorry na videohan ko kase yun." Maikling paliwanag ni Lorh.

Natatandaan ko na, nag vivideo pala si Lorh nung time na yun. Pero bakit kailangan ipost? Hindi naman big deal sakin, i mean bakit kailangan ipost pa? Hindi naman importante yun.

"Sana hindi mo na lang pinost!" Natatawang sabi ko.

"Actually wala naman akong balak. Inutusan lang ako ni Kludd."

Napa 'oh' ako nang marinig ko ang sinabi ni Lorh. Tumango na lang ako at pilit na ngumiti. Nakaraan na yun, tapus na rin naman na kaya hahayaan ko na lang. Kahit na alam kong ginamit na naman niya ako ng mga oras na yun. Bakit pa ako mag rereklamo diba? Ito nga yung purpose kung bakit nag papanggap kami ni Kludd dahil para pagselosin si Avy at bumalik sa kanya.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon