KABANATA 02

149 3 0
                                    

"Saan ka natulog kagabi?"

Bigla akong nabulunan dahil sa biglang tanong ni Bastian kay Kludd, kakapasok lang niya ng dining at halatang may hangover pa.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at agad na uminom ng tubig.

"Sa kabilang guest room!" Malamig na sabi niya.

Tila nabunutan ako ng tinik dahil sa naging sagot niya. Pagpasok ko kase ng dining naabutan ko nang kumakain si Bastian at Cove, wala pa si Jahiem baka tulog pa, samantalang iniwan ko naman kanina si Kludd sa kwarto ko.

Tumabi siya kay Cove na mukang antok pa, kitang kita ko ang titig niya sakin samantalang ako hirap na hirap na titigan siya. Hanggang ngayon nahihiya pa rin ako sa nangyari samin kagabi, alam kung iniisip niya na ganong klaseng babae ako na madaling makuha.

Binigay ko yung sarili ko sa kanya kahit alam kung mali kahit hindi tama dahil wala naman kaming relasyon. Sa sobrang pag ka desperada ko ginamit ko yung katawan ko para mapansin niya.

Binilisan ko na lang yung kain dahil may pasok pa ako isa pa hindi ko na kayang tagalan yung mga titig ni Kludd sakin. Pagkatayo ko bigla kung naramdaman yung sakit ng gitnang bahagi ng katawan ko. Hindi agad ako nakatayo ng maayos.

"Are you okay?" Nag aalalang tanong ni Bastian.

"Okay lang ako!" Pilit na ngumiti ako.

"Are you sure? Ano bang nangyari sayo?" Tanong niya.

"N-nadulas, oo nadulas ako kanina!" Kinakabang sabi ko.

Hindi na ako nagpaalam sa kanila basta umalis  na lang ako kahit medyo hirap ako maglakad. Hindi ko na rin nilingon pa si Kludd dahil sa sobrang kahihiyan.

Pagpasok ko ng kwarto namutla ako ng makita ko ang pulang mantsa sa bedsheets ng kama ko. Doon ko na realized yung ginawa kung katangahan kagabi, sa isang idlap yung iniingatan ko nawala na parang bula. Ang tanga ko rin para ibigay yung sa sarili ko sa taong alam kong hindi naman ako mamahalin. Masyado akong desperada.

Biglang may kumatok sa kwarto ko kaya dali dali kong binuksan yun, bumungad sakin si Kludd na blanko lang ang ekspresyon ng mukha.

"Mag-usap tayo!" Malamig na sabi niya.

Inuwang ko yung pinto ng kwarto ko para bigyan siya ng permission na pumasok sa kwarto ko. Deretsyo naman siyang pumasok at tumingin sakin ng seryoso.

"Yung nangyari satin, wala lang yun alam natin pareho na kusa mong binigay sakin yung sarili mo."

Natahimik ako at di ko magawang ibuka yung bibig ko, baka kapag nagsalita lang ako, mautal lang ako at maiyak sa harap niya.

"Walang pwedeng may makaalam na may nangyari sating dalawa."

Para akong maamong tupang tumango sa harap niya, alam ko namang ganito mangyayari pero sumugal pa rin ako, umasa pa rin ako.

"Kalimutan na lang natin pareho kung ano yung nangyari satin kagabi, wala akong nararamdaman na kahit ano sayo. Lasing lang ako non."

Biglang nanikip yung dibdib ko, hindi ko magawang maibuka man lang yung bibig ko para masabi ko yung tunay na nararamdaman ko. Ang sakit pala talaga na sa mismong taong gustong mo manggaling yung katotohanan.

Tinalikuran niya ako at lumabas ng kwarto ko na parang walang nangyari. Pinunasan ko yung luhang kumawala sa mata ko, sa kabila ng ginawa ko ganon pa rin yung pakikitungo niya sakin, walang nagbago. Ang tanga ko rin para isiping mag kakagusto siya sakin pag nabigay ko yung sarili ko sa kanya nag muka lang akong kawawa at desperada.

Walang ganang pumasok ako sa cr para maligo, halos tamad na tamad ako kumilos dahil na rin sa sakit na nararamdaman ko sa gitnang baba ko.

Pagtapus ko maligo nag asikaso na rin ako, hindi ko na inantay si Jahiem dahil alam kung mamaya pa siya papasok. Nakasakubong ko pa si Khalid bitbit yung bag ni Nahil habang si Nahil naman nakakapit sa kamay ni Khalid.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon