KABANATA 08

117 4 3
                                    

Umalingawngaw ang kalampag ng mga tinidor sa mga plato sa loob ng dining area. Halos walang gustong magsalita samin, tahimik lang silang kumakain habang ako halos hindi ko galawin yung pagkain na nasa harap ko. Hanggang ngayon ramdam ko pa rin yung panginginig ng kamay ko dahil sa takot at kaba na nararamdaman ko.

"Ate kain kana!" Pa simple akong binulungan ni Nahil, na katabi ko ngayon sa upuan.

Tumingin lang ako kay Nahil, kahit ang pagngiti hindi ko magawa, kahit peke hindi ko man lang maipakita kay Nahil na okay lang ako. Kahit ang totoo gusto kong tumakbo palayo sa pamilya na to.

Biglang tumahimik si Lola Cecilia, matalas ang tunog kaya parehas kaming nagulat ni Nahil.

"Jahiem!" she said, her voice clipped, "how's your study?"

Napalunok si Jahiem, Naramdaman ko ang kaba at takot niya dahil lahat ng atensyon nasa kanya.

"A-ayos lang po lola!"

Tumaas ng halos isang pulgada ang kilay ni Lola Cecilia at masamang tumingin kay Jahiem.

"Okay lang? Jahiem, a Del Buena always strives for excellence. Ang mga Del Buena ay isa sa mga kilalang mahuhusay pagdating sa academics." Sermon nito kay Jahiem.

Wala naman nagawa si Jahiem kundi ang mapalunok na lang. Takot na makagawa ng mali sa harap ni lola Cecilia.

"So, Lauryn." Nagulat ako ng sakin naman bumaling yung atensyon niya.
"How are things at your...school?" Tanong nito.

"Mabuti naman po" sagot ko. "Marami po kaming natututunan tungkol sa...set design for the upcoming play." Ramdam sa boses ko ang takot dahil halos hindi ako makapagsalita ng maayos.

"Set design?" Sambit ni lola Cecilia. "What a waste of an education. When are you going to finally settle down and learn something useful?" Pang-iinsulto nito sakin. "A Del Buena needs a real career, hindi yung mga bagay na walang kwenta!"

"Illegitimate blood doesn't guarantee success, you know." Halos manikip yung dibdib ko sa huling sinabi ni lola Cecilia.

Gusto ko pa sanang mag-salita at ipagtanggol yung sarili ko pero hindi ko na lang ginawa. Kahit sabihin ko naman sa kanila yung mga narating ko wala naman silang pake dahil sarado ang isip nila pagdating sa bagay na nagawa ko.

Ang pangalang "Del Buena" ay palaging nagpapaalala sakin kung ano ako - a legitimate part of the family, isang iskandalo na hanggang ngayon nananatili pa rin sa loob ng pamilya.

"Lola si ate Lauryn po laging may honor, Dean Lister po siya!" Napakagat labi ako dahil sa pag-iingay ni Nahil.

Agad na pinigilan ko si Nahil magsalita pero ngumiti lang ito sakin at kumindat pa. Si Nahil lang kase ang nakakaalam sa mga natatanggap kong award sa school. Hindi naman nila alam yun dahil ayokong sabihin. Wala rin naman silang pake at hindi rin naman sila magiging proud sakin dahil anak lang ako sa labas. Lahat ng awards, certificate or medal na natatanggap ko sa school tinatago ko sa drawer ko para hindi nila makita.

Nakita ko ang paglingon ni tita Alina sakin pati ni daddy at ni Khalid kaya yung atensyon nilang lahat na sakin. Napatingin din ako kay lola Cecelia na seryosong kumakain lang na parang wala pake sa sinabi ni Nahil.

"Is that true?" Napatingin ako sa kapatid ni daddy na babae, si tita Terrine. Uminom ito ng tubig at plastic na ngumiti sakin.

"Opo tita, ang dami niya pong medal tapus certificate." Pagmamayabang ni Nahil.

Napapikit na lang ako dahil sa kadaldalan ng kapatid ko. Hindi ko siya mapigilan dahil gusto niya talagang ipagmalaki ako.

Napatingin naman ako kay lola Cecelia na tila walang pake sa sinabi ni Nahil. Wala man lang itong reaksyon, halatang hindi interesado sa pinag-uusapan.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon