KABANATA 01

262 3 0
                                    

WARNING:  MEDYO SPG

"Ang gwapo talaga ni Kludd no!"

Napatingin ako kay Audrina na nakatitig sa grupo nila Kludd. Si Kludd, ang sentro ng atensyon, seryoso siyang nakikinig sa mga kaibigan niya. Ngingiti lang siya sa tuwing may nakakatawa sa pinag-uusapan nila.

Hindi ko maiwawang makaramdam ng lungkot. Umaasa akong mahuli niya rin akong nakatingin sa kanya. Mahirap pumasok sa mundo niya dahil parang nakakulong lang siya sa mundo ng mga kaibigang nakapaligid sa kanya. Napabuntong hininga na lang ako dahil
hanggang tingin na lang pala ako sa malayo kahit anong gawin ko hindi niya ako mapansin.

"Pero kay Cove pa rin ako, masyadong masungit si Kludd at hindi madaling makuha." Natatawang sabi ni Audrina

Since highschool crush na ni Audri si Cove, mabait si Cove, friendly hindi katulad ni Kludd na hindi man lang namamansin at madalas tahimik. Nakakasama ko sila minsan pero never niya akong napansin.

"Hanggang titig na lang siguro ako." Umiwas na lang ako ng tingin at nakasimangot na nilantakan yung pagkain ko. Break time namin kaya nandito kami sa cafeteria kumakain.

"Huwag kana mag-assume, alam naman nating lahat kung sino talaga yung gusto niya." Napa-irap na lang ako dahil sa sinabi ng kaibigan ko.

Buti na lang absent ngayon si Miles dahil kung hindi isa pa yun mang-aasar sakin. May inasikaso siya ngayon kaya hindi siya nakapasok.

Matagal ko nang crush si Kludd simula nung lumipat ako sa bahay ng biological father ko. Kaibigan ni Kludd yung dalawa kung kapatid sa tatay. Madalas sila sa bahay kaya madalas ko rin sila nakikitang magkakasama. May times na sa roofdeck pa sila nag iinuman kaya lagi ko siyang nakikita pero he never noticed me kahit magpapansin ata ako sa harap niya hindi niya ako mapapansin e.

"Tara na nga baka malate na tayo sa next class." Aya ko kay Audri na kanina pang nakatitig kay Cove. Napa-irap na lang ako dahil hindi niya ako narinig.

Humarang ako sa harap niya at nag pamewang.

"Hello Audrina Kim tara na po kase baka malate tayo sa susunod na klase!" Sarcastic na sabi ko.

"Tsk panira ka naman e!" Reklamo niya at padabog na tumayo. "Titingin na si Cove dito e humarang ka lang yan tuloy!" Umirap na lang ako at nauna ng maglakad sa kanya.

"Laurynnnn!"

Hindi pa kami nakakalabas ng cafeteria nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Parehas kaming lumingon ni Audri sa grupo nila Kludd. Sininyasan ako ni Jahiem na lumapit sa kanila. Medyo nagtaka pa ako bakit tinawag niya ako e madalas hindi naman niya ako kinakausap pag nasa school kami tsaka never naman niya akong pinakilala sa mga kaibigan niya na kapatid niya.

Isa sa mga kapatid ko sa tatay si Jahiem alam kung malaki rin ang galit niya sakin, ramdam ko naman yun kaya kahit sa bahay hindi niya ako kinikibo, minsan kapag may itatanong siya o may iuutos doon lang niya ako kakausapin kaya nakakapagtakang tinawag niya ako.

Ayaw ko sanang lumapit pero tinulak ako ni Audrina palapit sa table nila.

Bwiset ka talaga Audrina para-paraan ka rin para malapitan mo si Cove!!

"Bakit?" Malamig na sabi ko.

Ngumiti sakin si Bastian habang si Cove naman inaasar si Kludd na seryoso lang na nakatingin sa malayo. Sila yung mga kaibigan ni Jahiem, sa kanilang apat si Bastian ang madalas na bumabati sakin. I think alam din naman nila kung anong merong relasyon kami ni Jahiem. Madalas sila sa bahay kaya alam kung alam nila yung issue sa family namin.

Bumaling yung tingin ko kay Jahiem ng may inabot siyang papel sakin.

"Maaga kang umuwe, hindi kita masasabay ngayon. Lahat ng nakasulat dito bilhin mo tapus pakilinis yung roof deck doon kami tatambay mamaya!" Utos niya sakin.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon