Track 7 Patunayan

36 1 8
                                    

HI GUYS!!!!! And so I'm back. Sorry if matagal. Kakabakasyon ko lang at kakarelease lang ng grades kaya ayun ngayon lang nabakante ang utak ko.

So this is it, pancit! Hehehehe. I hope you like it!

----------------------------------------

Kirby Eusebio

"Kibs ano ba?!" Kumakapal na kasi yung blush on ni Vizzie. Nadistract kasi ako. Dumating kase si, Jasper. Boyfriend ko. HAHAHAHA char lang, syempre pero malay nyo soon diba?

"Sorry bakla!" Natatawa ako mukha ng tanga si Vizzie sa itsura nya.

"Gaga ka talagang bakla ka ayusin mo yung mukha ko! Puro ka kasi kalandian dyan eh!" Binatukan ko sya para manahimik. Ang ingay ingay nya baka mamaya marinig sya ni Jasperbaby. "Bakla, hinay hinay din kase sa kakaasa okay?" Pangasar nya pa saken.

"Wala ka talagang kwentang friend!" Inirapan ko sya. For I know bet nya din yang si Jasper kaya kinokontra nya ako palagi.

"She likes the sexy and the girly GIRLS who dances gracefully like me." Sabi nya emphasizing the girls part.

Nakakainis. This Vizzie has the only thing that I can't have, ang kaisa isa ring lamang nya saken laban kay Jasper.. kase sya BABAE. And ako, I'm a girl, at heart nga lang. Damn life.

"I hate you with all my heart Vizzie." Dun ako naiinsecure kay Vizzie. She can have all the guys I want kasi she's sexy, she's beautiful and she's smart. And most especially, she's a she. And it sucks bigtime.

Sexy ako. Beautiful din. Smart damn yes but I'm not a she.

"Ayusan mo nalang kasi ako Kirbyboy, at tigilan na ang pantasya para wala tayong napagtatalunan." I hate that nickname she gave me. I'm kirbygirl. I'm no boy.

But as what she said, inayusan ko nalang sya, after all, kahit wala akong lalaki andito naman tong babaeng to ay okay na ko.

Vizzie is a very enthusiastic girl. Talakera din, pero matagal na rin kaming magkaibigan. Three years, I guess. Biruin nyo yun?

At sa three years na yun marami akong nagugustuhan na boylet. Pero dahil nga andyan si Vizzie, nawawalan ako ng lovelife. Kasi lahat ng gusto ko sya ang nililigawan at jinojowa.

Mga tangang lalaki. Kung alam lang nila, ang lakas lakas maghilik nyang babae na yan tapos ututin pa. She's so gross pag kasama mo sya sa bahay. Parang hindi sya babae.

Alam nyo kung paano ko nasabe? Kasi magkasama kami sa bahay. Pinagkakanulo ako ng lola ko kay Vizzie. From the very beginning, gusto nila kaming ipakasal, but no way highway hindi kaya kami talo ni Vizzie. Ang kadiri kaya.

Hindi pa kasi nila alam na I'm gay. And I still have no plans on telling them. Siguro magtatapos ako ng pag-aaral then I'd go far away from them. Yung magdidisappear nalang bigla then kay Vizzie ko lang ipapaalam kung nasan ako so I'll have to live my life na hindi ko inaalala yung sasabihin ng pamilya ko. Kasi okay lang naman saken majudge ng ibang tao, pero kapag galing sa pamilya ko, masakit. Hindi ko kaya. Tsaka para wala na lang rin problemahin sila Mommy at Daddy sa sasabihin ng ibang tao sa family namin. Okay na yung magpakalayo layo nalang ako.

Kaya nga trip ko dito sa Canada kesa sa Philippines kasi free ako gumalaw. Pwede ako maglandi, pwede ako magwala. Hindi tago yung totoong ako. I don't need to pretend.

And that's great kaya. Even though ang sabi ni Vizzie tumatakas lang ako sa problema ko.

Pero problem ba talaga to? I mean, bakit kase kailangan maging problema yung pagiging bakla ko? Why can't it be treated as a simple happening in my life at tanggapin nalang ng mabilis. But then, kahit nga pala ako naalala kong nahirapan rin tanggapin nung una.

The Silent PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon