The Cupid
"La-la-la-la-la-la-la" What a wonderful day!
"Sweetheart.." Napahinto ako sa paghahum dahil sa nanghihinang bulong ng isang lalaki. Palagi kong naririnig yun hindi ko nga alam eh kung bakit. Maybe a mission or something maybe I should ask the master or Supremo.
Ay, but before that I want you all to meet me. I am Heart. The cupid of my generation. Ako ang kupida ng pangalawang henerasyon. Yes, you heard it right! Ako ang may kasalanan kung bakit nabubuo ang mga kwento ng dalawang taong nagmamahalan. I am the reason kung bakit nakakahanap sila ng 'Right One' may katulong ako dito si Master, sa palagay ko ay magkasing edad lang kami ngunit mas magaling siya sa akin kaya ang gagawin nya lang ay bantayan ako, sakanya ako nagrereport at sya ang naatasan na magtrain sa akin. Mas madali kasi syang naturuan ni Supremo at nung kupido at kupida na may hawak ng unang henerasyon eh.
Naalala nyo pa ba si Sunshine at si Apollo? Sila ang first project ko. Bago pa lamang ako sa paraiso ay sinusubaybayan ko na sila. Sila ang unang pagkakamali ko. Si Sunshine. Nagmamasid ako sa mundo nila. Natutuwa kasi akong pagmasdan si Sunshine at Apollo. Lalo na kapag naglalaro sila sa dagat. Para silang may sariling mundo. Gusto ko nga minsan na sumali pero, bawal. Hindi ako maaring pumasok sa mundong kinabibilangan nila eh. Wala pa silang muwang noon, maging ako dahil hindi pa ako ganap na kupida, ang tanging alam ko lang ay kailangan kong pumana para makapagbigay ng pag-ibig. Tinuturuan palang ako kung paano asintahin ang pagpana. Nakikinig naman ako pero hindi palagi. Tinuturuan rin ako ni Master kung paano mag match ng mga tao. Minsan binabase sa ugali, sa mga hilig, sa mga takot, sa kanilang mga nakaraan. Bla bla bla. Pero ako, binabase ko sa mga mata, sa kung paano sila mag-alaga, sa kung paano sila pag magkasama. Dalawa lang ang pamana na meron ako, dahil sigurado ako, na silang dalawa na. Natamaan ko kaagad ang puso ni Sunshine. Saktong sakto. Pero hindi ang puso ni Apollo, nadaplisan ko lamang ito.
Napagalitan ako ni Master dahil nabigo ako, hindi ko natamaan ang puso ni Apollo at masyado pa silang bata nung ginawa ko ito. Nalungkot ako. It was my first ever failure. Pero hindi ako sumuko. Nagsanay ako at nung lumaon ay ibinigay sa akin si Sofia at si Joshua. Tinignan ko ang compatibility nila. Okay naman. They are 99 percent match sa pamantayan ng aking Master. Pero sa akin, hindi. But I have to do it, kailangan kong magpana para maibalik sa akin ang tiwala ng aking Master. Papanain ko na sana ang puso ni Joshua ng makita ko ang babaeng nasa malayo. Kitang kita ko ang kabuuan ng scenario. Si Sofia na nakatingin sa malayo, si Joshua na nakatingin kay Sofia at si Dominique na nakatingin sa kay Sofia at Joshua. Ang mas napansin ko ay ang mataman nyang pagtitig kay Joshua, may nararamdaman sya alam ko, dahil sa pagilaw ng kwintas kong hugis puso. Napabaling na ako sa kinatatayuan ni Dominique at binitawan ang unang pana. Bulls-eye! Ang kaninang mga mata nya na magkahalong masaya at malungkot ngayon ay bumubuhos na ng luha. Nagulat ako sa reaksyon nya. Kaya naman dali dali akong kumuha ng isang pana. Pero hindi ko magawang pakawalan ito dahil alam kong sa iba nakatingin si Joshua. Bumaling ako sa kay Sofia na nanlaki ang mata ng nakita si Kurt, sakanya ko pinatama ang huli kong pana. Gulo ang naihatid ko sakanilang apat. Nagalit nanaman si Master. Hindi nya na ako pinayagan muna pumunta para paibigin ang mga tao. Nalulungkot ako lalo na at nakikita ko na gumugulo ang sitwasyon nila. Sayang naman at magkakaibigan pa naman sila. Hindi ko kaya na manood nalang habang unti unti silang nasisira bilang indibidwal. Pinana ko ang puso ni Kurt. Delikado yun, sobrang risky dahil hindi mapirmi ang tingin nya kay Sofia pero saktong sakto yung pagpana ko nun eh habang mabilis na papunta sakanya ang pana ay tumitig sya sa kay Sofia at nagningning ang mga mata. Nagdiwang ako noon, at ang huling nakakuha ng itinakas kong pana ay si Joshua na kitang kita ang gulo sa mata dahil sa pagdududa sa nararamdaman nya para kay Dominique. Tinamaan ko ang puso nya, at doon alam ko tapos na ang misyon ko sakanila.
Naiayos ko ang gulong nagawa ko kaya pinagkatiwala ulit sa akin ang mga bagong tao. Si Grey at si Vicca. Magkahiwalay sila. Hindi dapat sila magkapares at wala silang koneksyon na malalim sa isa't isa. Di tulad ng mga nauna kong assignment. Si Vicca ay una kong gustong tamaan ng pana sa isang lalaki na nagugustuhan nya simula high school pa lang. Si Grey naman ay dapat tatamaan ko para sa kambal ni Vicca. Pero, nadaplisan ko lamang si Vicca. Yun kasi yata ang mga panahon na una kong narinig ang boses nung lalaki na nanghihina kaya hindi ako makafocus naipagsama ko ang dalawang magkaibang kaso, napagpares ang dalawang magkaiba. Kay Grey ko naipana ang arrow na dapat ay sa nagugustuhan ni Vicca. Hindi ko inakala na magkukrus ang landas nila. Pero tingin ko tama narin ang ginawa ko dahil may kung anong dingding sakanilang dalawa eh puro asaran madalas ay nagkakapikunan pa. Kaya hinayaan ko na sila.
BINABASA MO ANG
The Silent Playlist
Short StoryTwo generations. Thirteen songs. One playlist. Thirteen short-stories. Everything is connected. Everyone is. This is a compilation of short stories made for some tracks of the band Silent Sanctuary.