Track 10 Kundiman

33 2 0
                                    

Mateo Deondre Lim

"Kuya Theo, where have you been?" Tanong sakin ng pinsan kong si Chesca.

"Somewhere, Ches." Napansin kong may kasama sya napakunot ang noo ko. Ganito kasi ako dito kay Chesca may pagkaprotective, medyo isip bata kasi sya and I don't want anyone to take her for granted. "Kuya Theo, this is Kuya Toffer." Oh, this is her cousin sa father's side. Nakipagkamay ako.

"Chrystopher Tiongson Silverio."

"Mateo Deondre Lim."

Doon kami nagsimulang maging magkaibigan. We were training for the company. Nagkaron kasi ng merger between sa mga Tiongson at sa Lim. At kaming dalawa ang inaasahan na humawak ng negosyo at magpatuloy nito. Si Apollo Lim Tiongson kasi na pinsan ko ay nagtitrain para sa investment nila sa Palawan. Doon nya kasi gusto since marami syang memories doon at nandoon din ang fiancée nya. Too sentimental, Apollo. Now, we have to suffer. Me and Toffer.

"Theo, sinong dinedate mo ngayon?" Tanong sa akin ni Toffer.

"Bading ka ba dude? Lakas mo chumismis eh." Napailing nalang ako sakanya.

"Ulol, hindi. Nagtatanong lang eh, may type kasi ako. Kaso medyo natotorpe ako." Natawa ako sakanya, ngayon pa sya natorpe eh kung sino sino ang nilalandi nyan sa bar pag nagkakayayaan kami.

"Ako ba Toffer niloloko mo? Ikaw torpe? Para mo na rin sinabing end of the world na." Sabi ko sabay tawa.

"Tangina dude seryoso ako. Nakakaintimidate kasi eh." Natawa ako. Solid kasi yung mukha nya pang biyernes santo.

"Madali lang yan, gayahin mo ang style ng pinsan mo at pinsan kong si Apollo." Sabi ko tumataas baba pa yung kilay.

"Ano yun?" Nagtataka nyang tanong.

"Bantay Salakay Style, dude." Ngisi ko sakanya. Ngumisi rin sya.

"Magaling ka, Theo! Manang mana ka talaga sakin!" Sabi nya at humalakhak ng pangdemonyo.

"Mukha mo! Hindi kita tatay no! At ni hindi nga tayo magka-ano ano dyan eh."

Sapphire Beatriz Arellano

"Sapphire!" Nilingon ko kung sino ang tumawag sa akin, nainis ako. Ang papansin naman nitong dalawang to. Why do they need to call me that? Tss.

"Wag ka ngang masungit dyan oy." I glared at Lim. Nakakastress talaga sila. Isang linggo na nila akong kinukulit ni Silverio.

"Wag nyo akong kulitin dyan! May assignment pa ako sa Calc." Sabay irap. Actually si Lim lang naman ang makulit si Silverio tawa lang ng tawa minsan sinasaway yung kaibigan nya.

"Ako, gagawa ng calc assignment mo pero kailangan, maging kaibigan ka muna namin. Sabay ka samin maglunch, gumala and magtrip." Sabi ni Lim. Natetempt ako sa offer nya magaling kasi sya sa math kahit di na sya mag-aral. Palibhasa Chinese eh. Pero no. Mas gusto kong kasama yung mga girlfriends ko kesa sakanila no.

"No!" At nilayasan ko na sila. Pumunta ako sa canteen to meet my girls. Pero bigla ako nakaramdam ng CR alert, papasok na sana ako ng restroom ng narinig ko si Sandra. Nagtago ako at gugulatin ko sana sila.

"I knew it, malandi talaga yang si Triz eh. Nakita nyo ba? Laging nakabuntot sakanya si Toffer at Theo. Gosh, sila kaya ang pinaka-gwapo dito sa school. Akala nya ba ang ganda ganda nya? Duh. No way! Ang lakas ng loob nyang tarayan pa yung dalawa. Well in fact gustong gusto nya naman pala." Naiyukom ko ang aking kamao. Sinabi ko lang naman sakanya, na I think Theo looks cuter than Toffer eh. Tapos malandi na agad? What the fuck?

Naglakad ako palayo para makahanap ng ibang CR, nakayuko ako. I've never felt this betrayed in my entire life. Habang naglalakad ako, may bigla akong nabunggo. Hinawakan ako nito sa braso, "Triz?" Unang beses kong narinig na nagsalita si Toffer, inakap nya ako. It was crazy na sobrang comforting ng yakap na yun.

The Silent PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon