Dane Angelo Trinidad
"Dane." Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko. Napakahina, pero may nagtutulak sa akin na lumingon.
"Yannie." Nakatingin lang ako sakanya. Sa mga mata nya na walang ekspresyon. Pero unti unti nakikita ko ang mga tubig na namumuo rito.
Ruby Brianna Arellano
"I like you, Yannie." Eto nanaman kami. Hindi ko na talaga maintindihan tong relasyon namin na to eh. Parang kami, pero hindi kami. Paano nya ba ko napapayag sa ganito? Tsk.
"I like you? I like you too, Dane! Shit, Dane. I like you too! I like you, to love me. I like you to be my boyfriend!" Wala na eh, nabwisit na ako sa isang to. Puro I like you? Ano hanggang I like you nalang kami ganun?
Tumawa lang sya ng matagal. Naiinis na talaga ako sakanya. Nakakafrustrate kasi. Mahal ko sya, nararamdaman ko naman na mahal nya ako. Hindi ako nagaassume. Totoo yun, kasi ikaw ba naman ihatid sundo, tapos, humarap sa daddy kong well, notorious, tapos araw araw isama para magbreakfast tapos bakuran ka sa ibang lalaki at magseselos pag may kasama kang iba, syempre alam mo na yun. Gets mo na agad. Mahal ka nun. Pero ewan ko dito sa lalaking to kung bakit sya ganyan.
Nung natapos syang tumawa ay umiling sya. "Hindi pwede." Napakunot ang noo ko. Susuntukin ko na sana sya ng hawakan nya yung kamay ko at pinagintertwine yun sakanya. Tss. Ganyan yan eh. "Inunahan mo kasi ako. Dapat ako ang magtatanong, Yannie."
"Then ask me now. Ano pa bang iniintay mo, isa pang world war?" Tumawa sya at lumuhod.
"You are one hell of a girl, Brianna. Will you be my one hell of a girlfriend?" Halakhak nya at tumingin sa mga mata ko.
"Magpapakipot pa ba ako? I don't think so. Kaya yes na yes! Yes yes yes!" Hinatak ko si Dane at hinalikan sakanyang labi.
Nagulat ko yata sya sa ginawa ko kaya yung kaninang ngiti ko ay naging ngisi. "Look at those eyes, they look so happy." At ngumiti sya at hinalikan ulit ako.
Graduating kami ni Dane ng high school. May mga plano na kami, sa kung saan kami papasok, sa kung anong kurso ang gusto naming kunin. Ayokong malayo sakanya. Kaya kung saan sya ay doon din ako. Tutal marami naman kasi kaming pagkakapareho. Alam kong magugustuhan ko rin yung mga bagay na gusto nya.
Ganun lang yata talaga pag magjowa. Parang pareho na kayo ng mga hilig at trip. Kasi lahat nagiging interesting at masaya kasi magkasama kayong dalawa. Sa mga nakalipas na buwan, hindi ako natakot tulad ng laging tinatanong sa akin ng mga kaibigan namin ni Dane. Alam ko kasi na kahit naman matapos ang highschool ay magkakasama pa rin kami. Na hindi lang highschool ang ending ng storya namin. Di kami matutulad sa ibang high school couples. Trust, Honesty at Love lang. And we'll make it work.
Napatunayan ko naman na, na kaya ko syang pagkatiwalaan pagkatapos ng tatlong buwan eh, kahit kelan hindi sya nagsinungaling sa akin, kahit kelan, hindi sya nagtaksil sa akin. Totoo. Ang mata nya ay para lang sa akin, at ganun din naman ako sakanya. At alam ko sa puso ko, na mahal nya ako at mahal ko rin sya. Through words, through actions, hindi namin kinakalimutan na ipakita na mahal namin ang isa't isa.
Kaya nga hindi third party ang naging problema. Wala sa hinagap ko na sa dinami dami ng problema ito pa.
"Oh, Yannie, ano na bang plans mo for college?" Biglang naitanong ni Tita Angelique sa akin, dito kasi ako nagdinner sakanila the night before grad.
"I'm taking up Psychology po and I'm studying sa UST po, pareho po kami ni Dane." Ngiting sagot ko sa mommy ni Dane.
"Oh, Dane, you haven't told her yet?" Nagtaka ako sa tanong sakanya ng kanyang Ate Dominique. Umiling lang si Dane sakanya at nagpatuloy kumain.
BINABASA MO ANG
The Silent Playlist
Short StoryTwo generations. Thirteen songs. One playlist. Thirteen short-stories. Everything is connected. Everyone is. This is a compilation of short stories made for some tracks of the band Silent Sanctuary.