Track 12 Paalam

22 1 0
                                    

Benedict Arellano

"Daddy, are you going to sleep here?" It was more of a wish rather a question.

"I have a lot of things to do, Beatriz." Lumungkot ang mga mata nyang puno ng pag-asa kanina.

"Daddy, please stay. Minsan lang naman eh." Sagot ni Brianna na abala sa pagtitext.

Umiling ako. I just can't risk it.

"But Dad, si Blaire, paano sya? I think it's good if you stay here muna at least for the night kasi first night ni Blaire dito. Please?" Sabi ni Beatriz, I'm kind of worried sa bunso ko, sya kasi ang hindi ko naalagaan and hindi masyado maganda ang childhood nya.

"Fine, fine." Pagsuko ko sa hiling ng mga anak ko sa akin.

"Yehey!! Nanay Sonia, daddy will sleep over. Magprepare tayo ng masarap na dinner ha?" Ngumiti naman ang aming kasambahay na katulong ko sa pagpapalaki dito sa mga dalaga ko.

"Sa wakas naman at magpapalipas ka ng gabi, yung bunso mo ay maghapon lang sa kanyang kwarto." Bulong sa akin ni Manang Sonia at nagdiretso na sa kusina.

"Haynako, Daddy, pag si Blaire talaga hindi mo matiis eh." Pangungulit sa akin ni Brianna.

"You know baby, marami akong pagkukulang sa bunso natin." Ngumuso si Brianna.

"Akala ko ako na ang bunso eh. May tinatago ka pa pala na another bunso, Dad." Sabi nya ng humahagikgik. Hindi ko malaman kung masaya ba sya talaga kasi blangko ang mga mata nya habang tumatawa.

"Pupuntahan ko muna, hindi daw lumalabas eh." At agad akong nagtungo sa kwarto ni Blaire.

Bukas ang kanyang pinto. Nakahiga sya sa kanyang kama. Tinignan ko ang paligid, kulay pink ang kanyang buong silid at nakalagay sa ulunan na kanyang kama ang kanyang pangalan na may pintang kulay luntian. Blaire.

Alam kong hindi sya tulog. At alam ko rin na masama ang kanyang loob dahil hindi sya sang-ayon sa pagkuha ko sakanya sa nanay nya.

Umupo ako sa dulo ng kanyang kama. Magsisimula na sana akong magsalita kay Blaire ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang dalawa ko pang anak, naghahagikgikan sila at nagtutulakan. Biglang tumalon si Beatriz sa kama ni Blaire at ganun rin ang ginawa ni Brianna. Napangiti ako sakanila.

Inakap nila si Blaire habang nagpupumiglas ito, at naiinis. Sabay nila tong hinalikan sa kanyang pisngi. Nagulat si Blaire at nasilayan ko ang maliit na ngiti nya. Bumaling naman sa akin ang dalawa kaya pinagtaasan ko sila ng kilay, "Daddy, we ordered pizza nalang instead so that we can eat here in Blaire's room kasi she won't go anywhere but here lang. Sagot mo yun ah!" Sabi ng panganay ko na si Beatriz. Tumango nalang ako.

"Espesyal kasi nito eh, sarap batukan!" Natatawang sabi ni Brianna. Tanging irap lang ang natanggap nya kay Blaire.

Dumating ang pagkain kinalaunan. Agad agad na kumuha si Brianna nung maiakyat ni Manang Sonia at Beatriz ang pagkain.

"So Daddy since this is a sleepover, kailangan maraming kwento!" Masayang sabi ni Beatriz.

"Ano naman kekwento ni Daddy, Ate?" Nakakunot noong tanong ni Brianna.

"Hmmm," Iniisip nya, "About sa life nya dati. Tsaka..." Nagtaas ako ng kilay sa paghinto nya, "About sa mga mommy natin." Ngumiti sya na para bang humihingi pagsang-ayon ko sa gusto nyang mangyari.

"Bakit?" Diretsong tanong ni Brianna.

"Wala lang," kibit balikat ni Beatriz, "Ayaw mo ba makilala mommy mo? Tsaka para narin makilala ni Blaire si daddy." Ngiti ni Beatriz.

Nagkibit balikat lang si Brianna at tumango lang si Blaire.

"Ah sige, ganito, kekwento ko sainyo yung buhay ko dati. Pero promise wag gagayahin okay? And, about your mothers, iibahin ko ang mga pangalan nila, huhulaan nyo kung sino ang mommy nyo ah, at kung sino ang greatest love ko. Okay ba yun?" Nagkibit balikat si Brianna, umangal naman si Beatriz at ngumuso lang si Blaire. "So, ano magsisimula na ba ako?"

The Silent PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon