Track 1 Summersong

234 3 0
                                    

Sunshine Trinidad

WE'RE BACK. Sa wakas ay nakabalik na ako ng Pilipinas and guess where am I?

Nasa PALAWAN lang naman ahehehe. Aba sige mainggit kayo. I'm back here at home.

Saan ako galing? Sa City of Angels. And the city of Kobe loljk. But seriously, I just got home from LA. Doon na kasi kami nakatira pero I still consider Philippines as my home. Kakagraduate ko lang ng highschool and my mom decided to move to LA. Since the rest of her family ay andun naman na at annulled na sila ni Papa might as well daw na magsimula kaming dalawa ng panibagong buhay dun.

But we came back here as soon as we got the message na may sakit daw ang nanay (nanay ng Papa ko so basically my grandmother sa Dad). He wants to see me and my mom, since favorite apo nya ako at favorite na daughter-in-law nya ang mama ko.

Sa pagbalik ko sa Palawan, nakita ko yung kababata ko. Si Apollo Tiongson. My first crush, first love, first heartbreak. Hay whatever. Si Apollo ay anak ng isang mayaman na Filipino-chinese na may ari ng isa sa mga five star hotels dito sa Coron. Rich kid. Wala eh. Paano ko sya nakilala? Pagmamay-ari kasi namin dati yung lupang kinatitirikan nung hotel nila. Oh, hindi ako rich kid ah, yung lola ko lang. Malaking part ng island na to ay pagmamay-ari ng mga Trinidad ang iba ay ipinagbili dahil kinailangan ng idispose dahil hindi narin naman naming napakikinabangan at dahil pinagamot ang tatay (lolo) dahil nagkaron ng cancer pero hindi nagtagal ay binawi rin sya sa amin. Ipinagbili ang kalahati ng island namin sa mga Tiongson na sa pagkakatanda ko family friend din namin nagkaron lang ng alitan ten years ago just because hindi natuloy ang engagement ni Tito Damon sa girlfriend nyang ano nga pangalan nun? Ayun! Si tita Tin nagiisang babaeng anak ni Frederico at Chrystelle Tiongson. Hindi natuloy kaya recently nalang nangyari yung bentahan when everything is okay na. ika nga, when all the wounds are healed by time and space na.

Ayun since three years old lang naman kalaro ko si Apollo, oo na! Kalaro sa lahat ng larong pwedeng laruin, kahit bahay bahayan. Pagibigyan bata pa kami nun. Kahit nagkaron ng alitan sa pamilya namin ng sampung taon, naging magkaibigan parin kami? Paano? Palagi kaming patagong nagkikita doon sa may bahay kubo sa dulo ng island. Natatawa pa rin ako pag naaalala ko yun. Basta every summer vacation namin, automatic na yun na dun kami magkikita. Isang beses lang naman kami nahuli and that was last summer kinakabahan kami dahil akala namin magaaway away sila but no. Nagkabati na ang Trinidad at Tiongson matapos nun kaya naging at peace kami.

Kwento sakin ni mama matagal nya na daw alam hindi nya lang sinasabi sa nanay (lola). Kasi baka mamaya biglang maghisterya medyo OA pa naman daw yun. At alam din ng mommy ni Apollo pero di lang rin kami sinusumbong kasi mukha daw kaming masaya pag magkasama ang cute cute pa daw namin. Abnormal na mga nanay ano? Dun din nagsimula maging magbestfriends nanay namin kaya nagulat kami ni Apollo ng imbitahan ang buong Trinidad Family na bumisita sa mansion na bahay ng mga Tiongson sa Manila na usap ng usap yung mga nanay namin akala mo antagal na nilang close. Nakakaloka.

So ayun nga, matagal ko ng kilala si Apollo kasabay ko sya lumaki, tumanda at halos lahat alam ko na sakanya. Kabisado ko na sya. One time siguro nasa 5 years old kami nun, nasa hammock kami sa may tabi ng bahay kubo namin gabi na nun at inaaya ko syang umuwi pero ayaw nya pa kinwentuhan nya lang ako habang pinanunood namin ang dagat sabay sabi nya sakin, "Alam mo ikaw ang bestfriend ko." Wow, BESTFRIEND.

Magkatabi tayo sa duyan
Sa ilalim ng buwan
Buhangin sa ating mga paa
Ang dagat ay kumakanta

Natuwa ako nung sinabi nyang bestfriend nya ako kasi sabi ni mama kapag daw tinawag kang bestfriend ibig sabihin espesyal ka sa tao parang ikaw yung kahit mawala ang lahat sakanya basta ikaw hindi okay na sya. Tapos ibig din daw sabihin nun mahal ka nung tao at pinagkakatiwalaan ka dahil para sakanya ikaw ang best. Ikaw ang una sa lahat ng bagay na nangyayari sakanya. Noong gabi din na iyon sinabi ko sakanya na puno ng saya sa aking mata, "Bestfriend din kita."

The Silent PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon