Track 3 Kismet

109 0 0
                                    

I have already found the love of my life but I let her slip away.

Maloko ako. Playboy. Mayabang. Mayaman. Gwapo. At wala akong planong magseryoso sa buhay. In short, GAGO.

Yep. I'm that kind of guy. Why?

I loved a girl.

Yes, they are right every guy has a back story kung bakit sila naging tarantado. And I'm one of those.

Chrystin Tiongson. That damn girl. She's my first love.

She's pretty, she's one of a kind, she's straightforward. What she wants, she gets.

Matagal na kaming magkakilala ni Chrystin. At first I must say, I hate her. Why? Because everybody likes her.

Ako lang ata ang may ayaw sakanya.

Bata pa lang kami nakitaan ko na si Chrystin ng pagkaintsik nya. Alam nyo kung bakit? Mautak kasi. Hindi yan papalamang. Madiskarte pa at masipag.

Sabi ko well, she's not that bad after all.

Time pass by, I came to know this girl and I fell inlove.

Lagi kasi kaming magkasama sabi nya kasi sa akin lang nagtitiwala ang parents nya. Natuwa ako dun. So being lagi kong kasama iyong babaeng iyon. Natuto ako sakanya.

I never let anyone na manligaw na sakanya. Nanigurado ako. And that girl, well she's not fond of seeing guys. Sabi ko nga kasi sainyo sakin lang sya pinapasama ng parents nya, bawal sa ibang lalaki, at advantage ko yun no.

Sadyang late bloomer yata yung babae na yun kaya late nya napansin na walang nanliligaw sakanya. Umiyak ba naman saken. Hindi lang basta iyak hagulgol. Natakot pa nga ako eh first time kase na nakita ko syang ganun malay ko ba kung anong nangyayari sakanya tas sabi ba naman saken, "Dame, pangit ba ako? Kasi parang hindi naman. Mabait naman ako diba kahit medyo masungit tsaka matalino pero bakit walang nanliligaw saken?" Humagalpak ako sa kakatawa. Nakatingin lang sya saken.

Napahinto ako kasi nakita ko yung mga mata nya na sobrang lungkot tapos hindi tumitigil yung luha nya para syang bata humihikbi hikbi pa sya. Lumapit ako sakanya. Magang maga ang mga mata nyang singkit. This is what I like about her, ang sarap sarap nyang alagaan. She always want the people around her to be sure about her, she wants security as always. "Hindi ka pangit. Wala ba? Ako? Pwede ba akong manligaw?" Nagulat sya at lumayo. Natakot ko yata shit ang saklap naman nito.

Pagtapos nung paguusap namin na yun hindi ko na ulit yun nabanggit sakanya. Obvious naman na ayaw nya eh. Naging malayo na rin ang loob nya saken simula nun. Di ko na din sya binakuran. Umalis sila para tumira sa Hongkong. Naiwan ako dito sa Pilipinas.

Nakilala ko si Angelique Valera, para syang si Chrystin ang pinagkaiba lang nila hindi mayaman si Angelique at asal lalaki sya. Kaya mas mabilis ko syang nakasundo. Nagkakilala kami sa karinderya ng tiyahin nya. Nakikipagpustahan sya sa mga lalaking nanonood ng basketball. Hawak nya yung mga taya nila. Hindi sya papayag hangga't walang taya. See? Sigurista. Nacurious ako sakanya kaya ako lumapit at naglapag ng isanglibong piso. "San Mig" Nanlaki ang mata nya. "Ser, bente bente lang kami ng taya." Sinagot ko sya ng, "Wala akong barya anong gagawin ko?" Ngumiti lang yung babae at sinabing, "Ayos tiba tiba." Gusto kong tumawa sakanya kaso mahirap na tumawa dahil crucial ang game.

Sa dulo, natalo ako. Yung babae lang pala ang pumusta ng Ginebra, ang galing nya mukhang sanay na sanay sya sa pustahan kaya ang galing nya tumaya. Sa kanya lahat napunta ang pera. Pinagalitan naman sya ng auntie nya dahil puro nanaman daw sya sugal at ang dungis nya pa. Nakakatawang babae.

Si Angelique na ang lagi kong kasama ng umalis si Chrystin. Si Angelique na kahit gago ko pakitunguhan hindi ako sinukuan.

Dumating ang pagbabalik ni Chrystin, nalaman ko na may boyfriend na sya ngayon at tiga-USA. Jusko lamang lang saken yun ng isang paligo. Nagtitiwala rin ang mga magulang ni Chrystin sakanya. Bwisit.

The Silent PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon