.. 7 ..

7 0 0
                                    

"Okay ka na ba?" Tanong ni Kristine.

Ni hindi ko maalala ang lahat ng nangyari pero alam kong okay na ang lahat. Ligtas na si Kristine at buti ay hindi siya nasaktan.

Ako namam toh. Hospitalized. Medyo okay naman ang pakiramdam ko. Si Kristine din ang nagbantay sakin sa ospital.

"Pwede ka na daw umuwi bukas.. Hindi ka pwede mag-drive sa kalagayan mo" Alalang sabi ni Kristine.

"So pano ako uuwi niyan kung bawal ako mag-drive?" Sabi ko.

Napatingin sakin ang babae at inabot ang cellphone ko.

"Tawagan mo ang mama mo" Utos niya.

Ngumisi ako at hindi kinuha sa kamay niya ang cellphone. Ayokong malaman ni mama na ganto ako.

"Sige. 'Wag na, ako na ang mag hahatid sayo" Saad niya at ibinaba ang cellphone.

She continuously scrolled on her phone. While i just sat there gazing at her.

Studying her, napaka ganda niya pala kapag tahimik. Masaya ako na naprotektahan ko siya. Okay na okay ang kalagayan niya ngayon.

We stayed quiet for a few minutes. Tumayo siya sa kinauupuan niya.

"Bibili lang ako ng makakain ko. Diyan ka lang, wag kang gagalaw" Sabi niya.

Mukhang seryoso, i never seen her this serious.

I let her leave, kahit na gusto ko siyang samahan, hindi ko kaya. Lumabas siya ng kwarto at naiwan ako mag-isa.

Hindi ko namalayan na napapangiti na ako. Hindi ko inakala na mananatili siya dito sa ospital.

Akala ko ay aalis siya bago pa ako magising.

Kinuha ko sa bed side table ang phone ko at tinawagan si mama.

She right away picked up the phone "Hello nak? Where are you?"

Napangiti ako nang marinig ko ang boses niya, wala siyang kaalam alam na yung anak niya nasa ospital.

Ayoko na mag alala si mama sa akin. Marami siyang inaalala sa bahay at ayokong maabala pa siya.

"I'm with a friend. Dito ako matutulog sakanila mom. Bukas na ako uuwi" Kalamado kong saad.

Napabuntong-hininga si mama "Sige anak, mag-ingat ka diyan ha?"

Tumango ako "Okay, thanks. I'll go now"

Ibinaba ko na ang tawag at nilapag ang cellphone sa table ulit.

Naghintay nalang ako hanggang dumating si Kristine.

Sa matagal na paghihintay. Bumukas ang pinto at pumasok si Kristine. Dahan dahan siya naglakad kahit na hindi naman ako tulog.

"Bakit dahan dahan ka maglakad?" Tanong ko.

Napatingin siya ng gulat sakin "Ha? Akala ko tulog ka. Eto, kumain ka. Pumunta pa ko sa café niyo para bilin yan"

Kaya pala matagal siya. Pumunta pa siya don para bilhan ako ng pagkain?

Pano niya naman nalaman kung ano ang madalas kong kinakain sa café??

"I asked your barista what you usually eat. He gave me that. Kumain ka lang, 'di kita iistorbohin" Sabi niya.

She.. She bought me that dish that i bought for her same time we met sa café.

"Ano? Hindi ka ba kakain? Baka gusto mong subuan pa kita diyan" Sabi niya nang makita ko ang ngiti niya sakin.

Napangiti din ako nang ngumiti siya sakin. Gumanda siya lalo dahil sa ngiti niya.

"Mamaya na" Sabi ko nang ilapag sa tabi ko ang bigay niyang pagkain.

PangakoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon