.. 14 ..

7 1 0
                                    

Claro Torres

Pinuntahan ko siya sa condo niya dahil alam kong baka may mangyaring masama.

Tinawagan ko siya ng ilang beses pero hindi siya sumasagot

"Kristine ano ba yan" Galit kong bulong.

Tinignan ko ulit ang picture na sinend niya sa akin.

The lights. It's purple. Wala siyang LED lights sa condo niya at hindi siya ganong tao na mag lalagay ng colorful decorations sa kwarto niya.

Ibang lugar ba ito? Based sa couch na nacapture sa photo oo.

Her couch is not lilac colored.

Naiisipan kong kumatok sa katabi niyang condo.

Ilang beses ako kumatok bago ako pag buksan. Isang babae ang nagbukas ng pinto, base sa nakikita ko sa likuran niya ay may mailaw na LED lights na kulay lila.

Doon sa picture ni Kristine ganon din ang ilaw.

At ang itsura ng babae ay parang kagigising lang, hangover siguro. Ito siguro ang kasama niya uminom?

"Bakit?" Masungit niyang banggit.

Ngumisi ako sakanya at itinulak ang pinto para bumukas ito ng malaki. Muntik na siyang mahulog kaya buti nalang ay naalalayan niya ang sarili.

"Si Kristine?" Sabi ko.

Nanlaki ang mga mata niya at tinignan ako ng maayos, na para bang hindi siya lasing

"K-kilala mo? Sino ka ba ha?" Lumapit ako sakanya papasok sa loob ng condo niya.

Pag pasok ko ay amoy ng alak agad ang naamoy. Tumingin ako sa gilid kung saan ang couch niya ay nakapwesto. Doon din nakahiga si Kristine.

Mahimbing ang pag tulog ng babae. Naiwan njyang nakabukas ang cellphone niya. Ni hindi niya nga naubos ang iniinom niya.

"Kristine. Gumising ka na" Sabi ko, paggalaw ko sakanyang braso.

"Ano ba! Sino ka ba!?" Tanong ng babae.

Lumingon ako sakanya "Boyfriend niya" Sabat ko.

Nagulat siya sa sinabi ko, ako rin eh. Nagulat.

"Okay then.." Sabi niya at hinayaan akong gisingin ang immature na baliw na toh.

Nagising si Kristine ng may inis. Nang makita niya ako sa harapan niya ay nagulat siya.

Amoy alak siya. Sobra. Kadiri.

"Claro?" She mumbled. Her eyes weren't open, for sure she just heard my voice.

Inupo ko siya ng tuwid "Dun ka na matulog sa condo mo, wag dito sa ibang bahay" Sabi ko.

Dumilat siya at ngunitian ako, sa tingin ko ay lasing pa nga ang babae.

"I missed you.. So much" Banggit niya, dahan dahan niyang inilagay ang parehas niyang braso sa magkabilang balikat ko.

Inilapit ang mukha niya sa akin at nag salita muli "Namiss mo ba ko?"

To be honest, i wouldn't be here if i didn't.

Yes, Kristine. I do, so much.

"T-tigilan mo muna yan, tara na. Tayo na dyan" Sabi ko, tinulungan ko siyang tumayo at lumakad.

Nakakalakad naman siya pero patumba tumba rin.

"Kuya, yung panyo ng girlfriend mo" Sabi nung babae at ibinigay sakin ang panyo ni Kristine.

Isinarado niya na ang pinto, ni hindi man lang nagpaalam.

Binuksan ko ang pinto ng condo ni Kristine. Hindi niya ni-lock, bobo kasi siya.

PangakoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon