Chapter Six

97 4 0
                                    

-----



"Pwede bang makahiram ng one thousand pesos?"


I bit my lower lip while waiting for Nathaniel's response. Nakatitig lang ito saakin ngunit punong-puno ng amusement ang mata. Umismid ako dahil mukhang mali ata ang naisip kong manghiram ng pera dito dahil pakiramdam ko ay lihim akong pinagtatawanan ako ng walang hiya.


"Di bale, kalimutan mo nalang na sinabi ko 'yon." tumayo ako ngunit napigil niya ang pulso ko. Muli ay napaupo ako sa sunbed.


"Aanhin mo naman ang pera?" he asked. Tumagilid siya ng upo para harapin ako.


Umingos ako. "Ipangbi-bisyo ko." papilosopo kong sagot.


"What?" he chuckled. "Tell me what happened para makumbinsi ako."


Wala akong choice kundi i-kwento ang sitwasyon ko. "Naiwala ko ang wallet ko. I looked for it everywhere pero hindi ko na talaga makita. Kailangan ko lang ng pang-taxi para makauwi bukas."


Tumangu-tango siya na tila ba nag-iisip. He's slightly manspreaded, and both of his elbows are resting on his legs kaya naman napaupo ako ng tuwid dahil bahagyang lumapit ang mukha niya saakin. "Anong oras ang check-out mo bukas?" he instead asked.


Kumunot ang noo ko. "Twelve noon, why?"


"Perfect. I will give you money under one condition." seryoso niyang saad. Ang mga mata niya ay mataman na tumitig saakin. The pool water reflects on his dark eyes making them appear enchanted.


I looked away. "Anong kondisyon naman?"


"You will pretend to be my girlfriend hanggang sa matapos ang stay natin dito."


"What?!" bulalas ko. I knew it! Hindi nito seseryosohin ang sinabi ko. At talagang pagtitripan pa ako!


"We're both out of options, so accept the deal. We'll both benefit from it, anyway." humugot siya ng malalim na hininga.


Out of options? Bakit? "A-ano bang nangyari saiyo?" usisa ko.


He dampened his lips with his tongue bago magsalita. Nahigit ko ang hininga because he looked so sexy doing that. "Leila. She keeps bugging me. She's a friend's sister, and she's crazy over me. I know, it sounds ridiculous pero kahit saan ako pumunta ay nakabuntot siya saakin. Pumunta ako sa hotel na ito para tapusin ang bitbit na trabaho at the same time, magpahinga pero nasundan niya parin ako. Tinakot ko siyang ipadadampot ko siya sa mga gwardiya dito kaya hindi siya naka buntot saakin simula kanina."


"Bakit mo pinagtataguan ang girlfriend mo?"


"She's not my girlfriend, Goddamnit!" his eyes are full of irritation.


Humalikipkip ako. "Mag-papanggap akong girlfriend mo to shoo her away, right?"

Trapped in a Maze of LifeWhere stories live. Discover now