Chapter Seventeen

65 2 0
                                    

-----


“Inaway ka nanaman ba ng boss nating hilaw?” bungad saakin ni Axcel. Naglalakad kami mula sa car park dahil isinabay niya akong pumasok sa trabaho.


I shook my head. “No. Napuyat lang ako.  Nag-drawing kasi ako e.” palusot ko. Nag-balak ako magsuot ng sunglasses papasok dahil sa mugto ang mata ko ngunit laking pasalamat ko dahil naitago ng concealer ang pangingitim ng ilalim ng mata. Though I can still feel my head throbbing at parang luluwa ang eyeballs ko mula sa socket dahil sa bigat nito.


Pabagsak ang paghinga niya. “Let me know ‘pag inaway ka ulit para galitan ko din siya ulit.”


Sinampal ko ang braso niya. “Baliw ka talaga.”


“Bili muna tayo ng food?” inakbayan niya ako.


“Tara! Maaga pa naman,  libre mo ako.”


Lilipat na sana kami ng pedestrian lane nang may itim na kotse ang paparating at humaharurot iyon. Sabay pa kaming napa-atras ni Axcel para magbigay-daan sa kung sino mang hudyo ito. Bumagal ang takbo ng sasakyan nang matapat ito saamin. Napatili ako nang bigla itong bumusina ng paulit-ulit, napakalakas at nakakarindi. Pagkatapos ay muli itong humarurot papunta ng car park.


That damn car again! Matalim kong sinundan ng tingin ang kotse at hinintay kong bumaba kung sino man ang lulan no’n. Then Nathaniel jumped out of that car.


“Sabi ko nga ba, siya ‘yon!” asik ko. “What’s his problem?!”


At ang walang hiya, kaswal lang naglakad pagkatapos maisara ang pinto ng sasakyan at tila ba sinasadya niya na hindi lingunin ang direksyon namin.


“Kalma,” tinapik ni Axcel ang balikat ko at tumuloy kaming  naglakad. “Ibang klase pala mag-selos si boss.” biro pa niya.


Pinanlisikan ko lang siya ng mata.


“Parang it’s hard to believe that nothing’s going on between the two of you.” pinagbuksan niya ako ng pinto ng fast food na napili namin para bumili ng makakakain.


Tumayo ako sa tapat ng isa sa mga self-ordering kiosk doon at inumpisahan i-scan ang menu. “Tsk. Tigilan mo ‘yan.”


“I am a man and I know maraming nagagawang kababawan ang mga lalaki kapag nag-seselos.”  pagpapatuloy niya matapos kunin ang resibo sa kiosk. Pumila na kami sa counter.


Bahagya akong napapadyak sa inis. “Pwede ba Axcel Lorenz, ‘tigilan mo na kakasabi ng kung anu-ano diyan, alam mo namang uto-uto ako.”


Humalakhak siya. “Then maniwala ka sa kung anong sasabihin ko ngayon.” hinarap niya ko.


“And what did you do this time?” tinaasan ko siya ng kilay.


“He asked me if I like you.”


Napatanga ako sa sinabi niya. Lumunok ako. “A-anong sabi m-mo?” pakiramdam ko mawawalan na ako ng ulirat sa sobrang kaba.


“I said, yes.” ngumisi siya. “Ayun, ang gago binigyan ako ng suntok.”


“What?!” napataas ang boses ko kaya nakuha ko ang atensyon ng mga tao doon. I mouthed “sorry” at binalingan ko si Axcel. “Kakausapin ko siya para tantanan ka. Kung may problema siya sa buhay, hindi ka niya dapat pinagbubuntunan.”


“’Wag. Baka isipin no’n nagsumbong ako saiyo. Baka mapatalsik na ako ng di oras.”


Hindi ako kumibo hanggang sa ma-claim namin ang in-order. You’re doomed, Nathaniel Felix! Hindi ako papayag na basta-basta mo nalang idadamay ang kaibigan ko. I’ll make sure you pay for this sa oras na magkita tayo!


Trapped in a Maze of LifeWhere stories live. Discover now