-----
"She looks so perfect standing there with my American Apparel underwear!!!"
Bahagya akong nag-head bang at tinaas ang kamay na naka-rock and roll sign ang daliri. Nakatutuwa lang na kanta ng paborito kong banda ang ipinatugtog.
"And I know now that I'm so down!!!"
Sabay-sabay ang sigaw na ginawa naming sumabay sa tugtog ng live band sa entablado ng dance floor. Itinaas namin ang mga baso na may laman na drinks. Sabay-sabay din namin nilagok ang mga inumin pagkatapos ay nagtatalon habang tumutugtog ang live band.
Hinarap ko si Charlotte. "I haven't heard this song in a long time!" pasigaw ang pagkakasabi ko doon dahil sa sobrang ingay ng paligid.
"Me too, it feels nostalgic!" sagot niya at muling nilagok ang natitirang laman ng glass niya.
"Mag-request tayo ng song!!!" paanyaya ni Karissa. Saglit kaming tumigil sa pagtalon pero hindi pa din namin nililisan ang dance floor.
Nagliwanag ang mukha ni Casey. "Sure!! Yung pang party-party naman!!"
"I'll do it!" Sabat ni Andrei.
"What song?" tanong naman ni Jonathan.
"The birthday girl will decide!!" baling ko kay Casey. Napapakindat pa ako ng di sinasadya dahil tumatama ang party lights sa mata ko.
Bahagyang nilapit ni Casey ang bibig sa tainga ni Jonathan. "Side to side by Ariana Grande!! Doon kayo sa DJ mag request dahil hindi naman makakanta ng live band 'yan!"
We laughed in chorus. Si Jonathan at Andrei naman ay dumaretso sa may DJ at kinausap ang mga ito.
"And weird siguro na bumibirit ng Ariana Grande songs ang isang rakista!" anang Karissa kaya lalu kaming na napahalakhak.
"Weird and awkward for sure!!" sagot ni Charlotte at nag-high five kami.
Saglit tumigil ang tugtog ng live band at maya-maya lang ay nag-start nang ipatugtog ng DJ na nasa taas ang kantang ni-request namin.
"Let's go!!!" sigaw pa nung DJ habang nakataas ang isang kamay.
I've been here all night
I've been here all day
And boy, got me walkin' side to side
"Let's dance!!!" hiyaw ni Karissa sabay taas ng kamay at giling ng baywang.
Ginaya ko ang ginawa niya. Todo hataw ang ginawa ko sa saliw ng tugtog at gumiling na tila ba ako lang tao na naroon. I felt awkward dahil hindi naman ako mahilig sumayaw but who cares? Nasa dance floor ako at hindi issue ang hindi marunong sumayaw.
YOU ARE READING
Trapped in a Maze of Life
RomancePaanong nangyari ang lahat? That is the only question Lorraine can ask herself in light of everything that is going on in her life. She's confused. Hindi siya makapag-desisyon. She overthinks a lot. She's terrified. But one thing she knows for certa...