-----
"Welcome home, Tita!!!"
Agad kong sinara ang pintuan ng taxi at lakad-takbo ang ginawa para salubungin ang mga kaibigan. Nakasunod sakin sina ate at ang naka-wheelchair na si mama na tulak ng nurses.
Binitawan ni Charlotte ang hawak na tarpulin at sabay-sabay silang tatlo nina Karissa at Casey tumakbo palapit saakin. Napansin kong may hawak na basket ng iba't-ibang klase ng prutas at gulay si Casey at Karissa. My heart is overflowing with joy seeing how much my friends care about my mother. Wala namang duda iyon dahil napalapit na ang mga kaibigan kay mama.
"Mabuti naka-punta kayo." Nakipag-beso ako isa-isa sakanila.
"Tita, kamusta kana po." nagmano sila kay mama ng makalapit.
"I'm okay mga anak, salamat at nakabisita kayo." sagot ni mama. Iniwan ko naman sila saglit doon upang buksan ang maliit naming gate.
"Come on in!" anyaya ko sa lahat nang mabuksan ang gate.
The first thing you'll see when you walk in our front door is the living room. Inimbitahan na ng mga kaibigan ang sarili papasok at komportableng umupo sa sofa doon. Inilapag nila ang mga bitbit na baskets sa center table. I also raised the blinds to let in some light.
"Maupo na ho kayo," inilahad ko naman ang kamay sa gawi ng sofa para sa mga nurse.
"Sige, po Ma'am. Salamat." anang nurse na sa pagkakaalam ko ay Leslie ang pangalan.
"Mag-iinject na ho agad kami ng insulin sa mom niyo ngayon at babalikan namin kayo araw-araw, same time para sa another injection." paliwanag naman ni nurse Antonia.
Nag-taka ako. Don't tell me, sinagot din ni Doc Hernandez ang insulin shots ni mama? "A-ah, okay po salamat. Maiiwan ko muna kayo." Binalingan ko naman ang mga kaibigan. "I'll just get you something to drink."
Dinatnan ko si Ate sa kusina na nagta-transfer ng cookies at pan sa plato at ang pamangkin na nakaupo sa lababo na kumakain ng cookies.
"Ate," untag ko pagkatapos kumuha ng babasagin na pitsel. I stood beside her.
"Si Doc din ba ang sumagot sa insulin shots ni mama?"
Tumango siya. "Oo."
I knew it. "Hindi kaba nagtataka ate at sobra-sobra ang tulong ni Doc? Don't get me wrong, hindi sa hindi ako thankful pero parang may mali e." ang mga mata ko ay nakatuon sa orange juice na hinahalo ko.
"Lorraine," anito na parang iritado ang boses. "I told you, 'wag ka nang magtanong, wala kang dapat pagtakhan."
"Ate naman e..."
"Just be thankful, Lorraine Krysta. Hindi kapa ba natutuwa na wala na tayong po-problemahin sa mga maintenance ni mama? Mapapabilis pa ang paggaling niya." tuloy-tuloy niyang sabi.
YOU ARE READING
Trapped in a Maze of Life
RomancePaanong nangyari ang lahat? That is the only question Lorraine can ask herself in light of everything that is going on in her life. She's confused. Hindi siya makapag-desisyon. She overthinks a lot. She's terrified. But one thing she knows for certa...