-----
Mariin ang pagka-kagat ko saaking labi habang nakasandal saaking swivel chair. Pinaikut-ikot ko iyon habang tinatapik-tapik ang aking desk. Kanina pa ako naka-abang sa oras saaking PC. Twenty minutes left before my shift ends. Hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung itutuloy ko ba ang binubuong plano sa isip. Nothing serious, though.
"Linda, hindi mo talaga alam bakit hindi nag-report sa work si Sir Nathaniel?"
Nai-tigil ko ang pag-tapik saaking desk nang marinig 'yong tanong ni Sophia kay Linda. Iyon ang tanong na naririnig ko simula kanina na hinahanapan ko rin ng sagot. Kinagat ko ang labi habang naghi-hintay sa sagot ni Linda.
"Seriously, I don't know. Ilang beses ko ba dapat ulitin ang sarili ko?" may halong iritasyon na sagot niya.
Pagka-dating ko ng office kanina, naabutan ko agad ang mga katrabaho na nagku-kumpulan at may kung anong pinag-uusapan. Of course, I got curious at nalaman kong hindi pumasok si Nathaniel ngayon which is odd dahil halos kakaupo niya lang as our new CEO. May kaba akong naramdaman. Alam kong may mali base lamang doon sa reaksyon niya kahapon tungkol kay Linda. I don't know, I might be over thinking pero nararamdaman kong may mali so I came up with a plan. Gusto ko siyang tawagan upang kamustahin ngunit pinapangunahan ako ng hiya at kaba kaya naman pagkatapos ng shift ko, dadaan ako sa kanyang café upang alamin kung naroon ba siya. I'm worried and I just want to make sure he's safe and okay. That's it. Pero nagdadalawang isip pa ako. Ang gulo!
Five minutes nalang. Tumatakbo ang oras at ang mga tao sa paligid ko ay nagha-handa na para umuwi. May mga nagre-retouch, nag-aayos ng mga gamit, at kung anu-ano pa. Kailangan ko nang mag decide kung itutuloy ko ang balak o hindi. Pero... Paano kung itutuloy ko 'yon at naabutan ko si Nathaniel doon? Anong excuse ang sasabihin ko? I'm sure he'll think it's weird na bigla-bigla nalang akong naroon sa café niya. Kung hindi naman ako tutuloy, siguradong araw-araw nalang akong guguluhin ng tanong sa isip ko. Hindi rin naman ako matatahimik.
"Heads or tails?" bumunot ako ng barya sa bulsa ko at inilahad iyon kay Charlotte. Natigil naman ito sa pag-susuklay ng buhok at nagta-takang tingin ang binigay saakin.
"Okay ka lang?" si Casey ang sumagot.
"Yep. So, heads or tails?" inulit ko ang tanong. Heads, kung hindi ako tutuloy at tails naman kung tutuloy ako.
"Tails." sagot ni Charlotte.
Nilingon ko si Karissa.
"Heads." aniya.
Pinitik ko pataas 'yong coin at tinakpan nang isang kamay nang saluin ito. Dahan-dahan kong inalis ang nakatakip na kamay doon.
"Tails..." bulong ko at nagkibit-balikat nalamang.
Nakakunot-noo si Casey nang lingunin ako. "Ano nanamang trip mo sa buhay?" tanong niya saka dinampot ang bag.
Tumayo din ako at sinabit sa balikat ang bag. Nag-umpisa nakaming mag-lakad papuntang elevator. "Wala. Just can't decide."
YOU ARE READING
Trapped in a Maze of Life
RomancePaanong nangyari ang lahat? That is the only question Lorraine can ask herself in light of everything that is going on in her life. She's confused. Hindi siya makapag-desisyon. She overthinks a lot. She's terrified. But one thing she knows for certa...