Chapter Twenty-Five

15 0 0
                                    

-----



"Love, are you still mad at me?" 


Pagkatapos naming kumain ay agad nalamang tumayo si Daniel at walang pasabing naglakad palabas ng restaurant. Sumunod naman ako sakaniya at doon sa may smoking area sa gilid siya pumunta. Agad siyang nag-sindi ng sigarilyo at hinithit iyon saka bumuga ng usok. Napangiwi ako.


"Look, I'm sorry okay?" inabot ko ang braso niya  ngunit iniwas niya iyon. "Hindi ko naman gustong paghintayin ka, may mga kinailangan lang akong tapusin sa trabaho kaya na extend ako ng ilang minuto." paliwanag ko.


Nilingon niya ako na para bang napipikon na. "Trabaho? O baka nakipag-landian ka nanaman?"


Here we go again. "Love naman-"


"Stop calling me love, nakakairita ka!" asik niya ay muling humithit sa sigarilyo. Kitang-kita ko ang makapal na usok na binuga niya dahil may kadiliman ang lugar doon.


Napalunok ako at naramdaman ko ang pamamasa ng mata. Fifteen minutes. Fifteen minutes lang akong na-late. Why does he have to treat me like this? Paano niya nakakayanang sabihan ako ng masasakit na salita? This is the first na na-late ako sa lahat ng usapan namin pero kung makaasta siya e parang napaka-laki ng kasalanan ko. Laging gano'n, kapag may hindi siya nagustuhan ay kung anu-anong masasakit na salita ang bibitawan niya. Worst, mumurahin pa niya ako. Sobrang nakakasama ng loob. Yes, mali ang hindi sumunod sa napag-usapan but I have a valid excuse. Why can't he understand that? Bakit hindi niya ako kayang pagtyagaan ngayong ako naman ay girlfriend niya?


Lumunok ako at pinigilan ang nagbabadyang luha.  "Okay... I'm sorry again. Hindi na mauulit ito, I swear. I just hope na maintindihan mo na hindi ko naman ginusto ito. May trabaho ako, Daniel hindi naman pwedeng basta-basta ko nalang iwan iyon, diba?"


Sakrkastiko siyang tumawa. "Intindihin? You know I hate waiting, Lorraine. I hate wasting my time. When will you stop using your work as an excuse sa kalandian mo?"


"Ganiyan ba talaga ang tingin mo saakin?" sinalubong ko ang tingin niya. "Hindi ako malandi at never akong lumandi behind your back. Saan mo ba nakukuha yung idea na 'yan?"


Hindi siya sumagot. 


"Why are you treating me like this?" nabasag ang boses ko. Sunod-sunod ang pagpatak ng luha ko dahil sa sobrang sama ng loob.


"Seriously? You're crying? Pwede ba, tigilan mo 'yang ka-dramahan mo?" umiling siya at nilagpasan ako.


"Why?!"  hindi ko napigilan ang pag-taas ng boses. This is too much! Wala siyang karapatan na gawin saakin ito. 


Tumigil siya at hinarap ako. Naka-pamewang na ito.


"Ano bang gusto mong gawin ko, ha?! Bakit ba hirap na hirap ka na pagka-tiwalaan ako? Gusto mo ba na magkaroon ako ng log book para sa routine ko sa trabaho at i-susubmit ko sa'yo pagkatapos ng duty ko? Gusto mo ba mag-hire ka ng bantay ko para alam mo lahat ng ginagawa ko sa bawat segundo ng buhay ko?  Gusto mo maglagay ka ng CCTV sa lahat ng dadanan ko para updated ka?! 'Yon ba ang gusto mo, ha?!"  nagtaas-baba ang dibdib ko sa sunod-sunod pagsasalita.

Trapped in a Maze of LifeWhere stories live. Discover now