Chapter Twenty

44 1 0
                                    

-----


Dumaretso ako ng CR pagkagising ko kinabukasan upang maghilamos ng mukha. Napansin kong wala si ate at Athena pagkagising ko. Ikinibit-balikat ko nalang iyon dahil baka may inasikaso siya ot o binili sa labas. Pagkalabas ko ng CR, nadatnan kong nakagising na si mama. I dashed to her bedside at umupo sa upuan doon.


"Mama, kamusta na po pakiramdam niyo?" hinaplos ko ang ulo niya.


Inangat niya ang katawan para makaupo at inalalayan ko siyang makasandal sa headboard. I can tell she's struggling, and I can't help but feel pained seeing my mother in this state. Matipid na ngiti ang ginawa niya. May habag akong naramdaman habang nakatitig sa mukha nito. May pagod ang nababakas dito samahan pa ng may katandaan niyang itsura dahil may kalakihan na din ang eye bags niya. My mother is 52 years old, and her age is evident on her face.


"Ayos lang ako anak, medyo hindi ko lang maigalaw ng maayos ang paa ko."


Tumango ako. "Don't worry, Ma. Inumin mo lang ang mga gamot na nireseta ni Doc at kumain ka lagi masustasya para agad kang gumaling."


Huminga siya ng malaming.  "Pasensya na anak at dagdag-"


"No, 'ma. Don't be sorry, kami pong bahala sainyo. Hindi kita pababayaan. Gagaling ka." inihilig ko ang ulo sa balikat niya.


Marahan niyang hinaplos ang buhok ko. "Thank you, anak."


"Ikaw pa ba, 'Ma. Konting tiis nalang at makakalabas ka din sa ospital na to dahil sabi ni Doc, hindi ka naman required ma confine ng matagal. Basta consistent ka lang po sa mga gamot na nireseta sa'yo."


Tipid na ngiti ang sinagot niya. "Mabuti naman kung ganoon at mas gugustuhin ko nalang na sa bahay magpagaling."


Pinisil ko ang palad nya. "I'll just get us breakfast, 'Ma para makainom ka ng gamot. Iwan muna po kita dito."


Akmang tatayo na ako nang bumukas ang pinto. Iniluwa no'n si Ate at Athena. Napansin kong may nakasunod din sakanila na matangkad na lalaki, si Axcel na may bitbit na paper bag. Gwapung-gwapo ito sa suot na white polo at gray pants. Ang mga singkit nitong mata ay parang nag-iisang guhit nang ngumiti siya.  Sinalubong ko sila.


"Saan kayo galing?" tanong ko kay ate.


"Good morning tita!" dumaretso si Axcel kay mama at nagmano. "Kamusta po?"


Umupo si ate sa couch. "Bumili lang kami ng almusal, sakto nakasalubong namin si Axcel papasok sana siya dito kaso nagprisinta siya sinamahan na kami."


Inabot naman saakin ni Axcel ang paper bag. Inilabas ko ang mainit-init pang lugaw mula doon. "Tamang-tama, lalabas sana si Lorraine para bumili ng almusal." anang mama at binalingan si Axcel. "Wala ka bang trabaho ngayon, anak?"


"Meron po, Tita. Nag-paalam po ako na male-late ako para kahit saglit lang mabisita ko kayo." Umupo siya sa monoblock chair at nag-umpisang mag-slice ng apple.

Trapped in a Maze of LifeWhere stories live. Discover now