-----
Pabagsak kong binitawan ang mouse ng aking computer at napakamot saaking sentido. "Kakayanin ba today?" inis na bulong ko dahil simula kahapon ay nag lo-loose na ang mouse ko. Ngayon ay tuluyan na itong bumigay at hindi na talaga magamit.
"Mag file kana kasi ng mouse replacement." ani Karissa.
"Oo na eto na nga. Nang hingi lang ako ng permission kay Madam." ang tinutukoy ay ang aming manager. Nilapitan ko ang table nito upang maki-gamit ng computer at mabilis na nag-file ng ticket upang nakahingi ng I.T. assistance.
I decided to read the book I had on my desk while waiting for an I.T. support. Nakaugalian ko nang magdala ng libro sa office upang may mapaglibangan ako tuwing break time o kung walang mga pending tasks sa trabaho. Hindi ko rin naman magulo ang mga katabi dito dahil busy sa kaniya-kaniyang trabaho.
"Anong oras n'yo ite-take yung lunch break n'yo?" dinig kong nag tanong si Charlotte.
"12 noon siguro." sabay pang sagot ni Casey at Karissa.
"Kayo, Lorraine at Linda?"
"Sasabay na ako sainyo. Wala na rin naman akong pending emails. Hihintayin ko lang mapalitan 'tong mouse ko." maaga pa naman at sigurado naman akong hindi magta-tagal ang pagaassist saaking for mouse replacement.
"Kung anong oras kayo, I'm-" naputol ang sasabihin ni Linda nang may tumili.
"Ang gwapo, hoy!!!
"OMG! My baby is here!"
"In-love na yata ako sakaniya!"
Biglang umugong ang mahingang bulong-bulungan, may impit na tili at kung anong klaseng ingay ang aking narinig.
"Please huwag masyadong maingay, some of your coworkers are on call." dinig kong sita ni Madam sa mga nag-ingay.
Iritable akong nagtaas ng tingin upang alamin ang dahilan ng ingay. Halos magkanda haba ang leeg ng mga kababaihan at kabaklaan na nakatanaw sa may pinto ng aming office room at nilingon ko din iyon.
Our office is covered with glass panels so you will see if someone is about to enter. Then there's Nathaniel Felix Alcantara, who walks confidently as if he owns the place. Nakakaunot ang noo nito at nag-isang linya ang makakapal na kilay na para bang may hinahanap then he looked in my direction.
Nag-rigodon ang puso ko nang mag-tama ang aming paningin. Kumislap ang kaniyang mata at sumilip ang bahangyang ngiti sa mga labi nito. He walked towards me without breaking eye contact.
"Papunta siya dito!" niyugyog ako ni Karissa at pigil ang tili.
Tumikhim ako at umupo ng maayos. Pinanlakihan ko ito ng mata. "Maghunos-dili ka, baka nakakalimutan mong may jowa ka." sita ko rito.
YOU ARE READING
Trapped in a Maze of Life
RomancePaanong nangyari ang lahat? That is the only question Lorraine can ask herself in light of everything that is going on in her life. She's confused. Hindi siya makapag-desisyon. She overthinks a lot. She's terrified. But one thing she knows for certa...