>>1<<

81 0 0
                                    

Marianna's Pov.

Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa aking mukha.Rinig ko na rin ang mga mumunting huni ng mga ibon,at nalalasap ang sariwa at preskong hangin.

Nananatili pa rin akong nakapikit.

Maya maya pa ay narinig kong bumukas ang pinto ng aking silid at kasunod noon ay ang...

"Hoy Marianna!gising na lintek na bata ito oh.male-huhili ka na aa klase"
ang boses ng nanay ko na syang nagpabalikwas sa aking hinihigaan.

"Magandang umaga nay!"bati kong nakangiti sa kanya

"Si nanay ang aga aga,high blood,tatanda po kayo agad nyan,hehe,sige po susunod nalang po ako sa labas" sunod kong sabi sa kanya.

"Tong batang to,nagbiro pa.dalian mo nalang.at handa na ang almusal,baka lumamig"
At lumabas na sya.

Agad ko namang inayos ang aking maliit na silid,at naligo na din ako.

Pagkatapos kong gawin iyon ay isinuot ko na ang aking uniporme.

Fourth year high school na ako ,at itong unipormeng suot ko ay nung second year ko pa.sayang kasi pera pagnagpatahi pa ako e nagagamit ko pa naman.

Pagtapos magayos ng sarili ay lumabas na ako.

"Nay aalis na po ako." Paalam ko sa nanay ko.

"Kumain ka na muna" Sabi nya.

Imbes na umupo ako ay kumuha nalang ako ng plastik at ibinalot ang pagkain na nasa mesa.

Babauinin ko nalang.

"Ano yang ginagawa mo?"tanong ni nanay.

"Tanghalian ko nalang po ito mamaya"Sagot ko

"Hindi na kailangan,ito ang pera oh" sabay abot saakin ng bente pesos.

Ngumiti lang ako at sinabing "Di na po nay.pandagdag nalang po iyan para sa gastusin po dito"

Humalik na rin ako sa kanyang pisngi hudyat na aalis na ako.

Nang makalabas na ako ay

"Mag ingat ka,galingan mo sa skwelahan." Pahabol nyang sabi.

"Opo."

Habang ako'y patungo sa iskwelahan ay..

"Marianna,Marianna!"tawag ng isang pamilyar na boses kaya nilingon ko sya sa aking likuran.

Si pala Ramon ang kababata ko.Magkasing edad lang kami pero sya ay nasa sekundaryang taon pa lamang.

Hingal syang lumapit saakin.

"Ang daya!di mo manlang ako hinintay" pagtatampo nya

"Pasensya na ang akala ko eh nauna ka na umalis saakin" Sabi ko na medyo natatawa-tawa.

"Hmmp!pwede ba yun? Iwan kita,eh sinabi ko nga saiyo na ako ang body guard mo"sagot nya. Kung hindi lang kami matalik na magkaibigan ay matagal nang nahulog ang loob ko sakanya.

"Wag ka na po magalit tay!"pinagdiinan ko ang salitan 'tay' sakanya.upang sya ay maasar.

"Walang problema Nak!" Sagot nya naman. Aba't naki ride sya sa pangiinis ko hahaha.

Pagdating namin duon ay marami nang estudyanteng nakapila.

"Sige Marianna,punta na ako sa pila namin,hintayin kita sa loob ng canteen.wag kang uuwi mag isa ah"

Paalala nya saakin bago sya tumungo sa kanyang pila.at maging ako rin ay tumungo na saaming pila na may munting ngiti saakin

Napakaswerte ko dahil may kaibigan akong tulad nya na di ako hahayaan magisa,at mapahamak.

___________________________

Yowwwwww!! Okay na po ba ito? Hihi.comment and vote po kung nagustuhan nyo po.

Alessandra Ambrosio as Marianna Perez :)

Amor InocenteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon