Christofer Ramon Rodriguez---->>>>>
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~Marianna's POV
Nagiisa lang ako habang naglalakad papunta ng paaralan.
Wala daw kasi si Ramon sa bahay nila,maaga daw ito umalis at may pinuntahan."Hey,Sexy" bigla bigla namang sumusulpot itong isa na to.
Sino pa edi ang Amo ko."Bakit" walang ganang tanong ko at sinimulan maglakad,sumunod naman sya saakin
"Mag isa ka lang,di ka ba natatakot dito"
"Wala kasi ang bestfriend ko umalis,tsaka sanay na ako dito."sagot ko
"Maganda ba kaibigan mo?" Tinignan ko naman sya nang masama nakangiti lang ang loko.Nakaisip naman ako ng kalokohan.
"Oo,habulin nga ng lalaki sa school yun eh "
Napatigil naman sya sa paglakad at ganun din ako tinignan ko sya,parang kumikinang pa ang mata ng loko na ito.
"Talaga? Pwede mo ba ako pakilala?"tanong nya.
Di ko sya pinansin at nagsimula na uling maglakad,sumunod naman sya."Dali na ,pakilala mo lang ako"pangungulit nya.
"Ikaw? Hmp sigurado akong di ka magugustuhan nun" pangaasar ko
"Akala mo lang yun.pakilala mo na kasi ako" Ang kulit talaga.
"Okay,papakilala kita."sagot ko nalang para di na ito mangulit
"Yes!oh ito pala number ko "sabay abot nya saakin sa kapirasong papel.
Aba talagang sigurista ang isang ito ah.haha! Iniisip ko palang natatawa na ako sa mangyayari ."Oh sige kita nalang mamaya dun sa may kainan malapit sa peryahan.alam mo naman siguro kung saan iyon" ano kaya magiging reaksyon nito
"Hi-hindi ko alam ,pero magtatanong nalang ako." Sabi nya
Naalala ko na dayo lang pala sya dito at wala syang alam sa mga ganung bagay anak mayaman kasi._____________________________
Pag uwi ko ay buti nalang at nandoon na si Ramon.nakita ko sya na bumibili sa tindahan."Nakabalik ka na pala" sabi ko sakanya
"Ah oo,hindi naman pala ganun yun katagal"
"Ano ba iyong inasikaso mo?" Tanong ko sakanya
"Wala naman,basta.."
"Sige....Ramon ano pwede mo ba ako samahan mamaya sa perya?"tanong ko ulit."Sige ba..."sagot nya.sinabi ko din sakanya na may gustong makipagkita na babae sakanya,muntik pa nga sya umatras pero napapayag ko din.
Alas otso ng gabi ng pumunta kami dun.
Tiyak na naiinip na sya duon.
Itinext nya din kung ano ang kulay ng suot nya at kung saan sya nakapwesto.Nangmakarating na kami duon ay
Nagsalita ako.
"Pasensya sa paghihintay" pantawag atensyon ko.
Napakunot naman ang noo nya.
"Akala ko ba babae sya?"sabay pa nilang sabi nagpalipat lipat muna ako ng tingin sa kanilang dalawa bago nagsalita.
"Biniro ko lang kayo." Sabi ko
"Hmmm di bale na!umupo na kayo at umorder"sabi nito.Ilang minuto din at dumating na nga ang mga inorder .
Tinitigan nya pa ito.
"Sure ba na malinis to?" Paninigurado pa nya.
"Tsss arte." Mahina pero Rinig kong sabi ni Ramon
"May sinasabi ka?" Tanong nito kay Ramon.
"Wala ."
"Malinis yan,di yan nakakamatay ang arte naman,"sabi ko sakanya.Sa huli ay kumain na din sya.Halata na nagustuhan nya naman ang lasa.
Ang daming kinain kaya.Akala ko ay makakauwi na kami ni Ramon pero nagaya pa ito na mag perya.
"Ngayon ka lang talaga nakapunta sa mga ganitong lugar?"tanong ko sakanya habang naglalakad kaming tatlo.Pansin ko naman na pinagtitinginan sya ng mga makakasalubong namin ,lalo na mga babae.
"Oo,pero sa Manila may mga ganito din.at mukhang mas safe ang mga rides dun,hindi nga lang ako mahilig magpunta sa mga amusement parks
" sabi nito.
Pansin ko naman na tahimik si Ramon,may problema kaya sya....Mga 9:30 ng gabi nang magpasya kaming umuwi na.
"Ako na maghahatid sayo" sabi ng amo ko.
"Hindi na,ako na maghahatid magkalapit bahay namin."sabay hawak ni Ramon sa kamay ko,"A-ah sige na Sir.magkalapit lang po ang bahay namin.Salamat nalang,salamat din sa paglibre." Sabi ko
"Sige pre salamat." Sabi ni Ramon sabay hinigit na nya ako palayo.
Pero bago pa man makalayo ng tuluyan ay may humawak sa kaliwang kamay ko.
Napatingin ako sa direksyon na iyon."Next time ulit ah,ingat.." sabi nito sabay ngiti.
Ngumiti din ako bago magsalita"Ingat din..."Habang naglalakad kaming dalawa ni Ramon pauwi ay pansin ko talagang may problema sya. .
"May problema ka ba Ramon...?" Tanong ko sakanya."Type ka siguro nun." Sabi nito
"Ako? Hindi no,ganun lang talaga ugali nun"sagot ko yun ba pinoproblema nya?."Paano ka nakasisigurado? Eh di mo pa nga masyadong kilala yun" may kakaiba sa tono ng pagsasalita nya..
"Basta,tsaka bakit mo ba naiisip yan" naguguluhang tanong ko sakanya.
"Nagseselos ako." ...
_____________________________
Haba ng hair xD.Abangan ang mga susunod pang chapter.May mga bagong character pa ang makikigulo .
Fiftyshadesoftired*
BINABASA MO ANG
Amor Inocente
Non-FictionIpaglalaban ba nila ang kanilang pag ibig sa harap ng magulang at sa mapanghusgang mundo. Ipagpapatuloy pa kaya nila ang pagmamahalan gayong ang dugo't laman nila ay konektado.