>>7<<

40 0 0
                                    

Marianna's POV
Dahan dahan syang lumalapit sa akin habang ako naman ay umaatras.hanggang sa maramdaman ko na wala na akong maatrasan.Na corner na nya ako. Inilapit nya ang kanyang mukha at ako naman ay todo iwas ibinaling ko sa ko sa kanan ang ulo ko upang maiwasan ko sya,at ang titig nya.

"Haha,easy lang,simula ngayon ikaw na ang personal maid ko.maliwanag ba?Ikaw ang gigising saakin tuwing umaga ,maglilinis sa kwarto ko magluluto ng pagkain sa akin"
Nasa ganun pa din kaming puwesto hindi ako makapagsalita dahil naiilang ako,may tagagising pa syang nalalaman..anong silbi ng alarm clock.

"Maliwanag ba?Marianna?." Ulit nya at ang tono nya ay may halong pangaakit.

"P-pwede bang lumayo na kayo sakin. SIR" pinagdiinan ko ang salitang sir

Mabuti at sumunod naman siya.

"P-payag na ako pero hindi ako araw araw na nadito.Martes ,Biyernes at Sabado ,dahil may pasok ako sir"paliwanag ko sakanya.

"Okay lang,pagtapos mo dito,dumiretso ka sa kwarto ko.alam mo na naman siguro kung saan yun diba?di ko ila-lock ang pinto pumasok ka nalang." Lumapit nanaman sya saakin.

"Bilisan mo ah? Hintayin kita"
"B-bakit anong gagawin ko dun?"kinakabahang tanong ko
"Ano ba ang naiisip mo na gagawin natin dun?" Nakakalokong tanong nya

"K-katulong po ang ipinasok ko na trabaho dito h-hindi parausan sir" Matapang na sagot ko

Muli syang lumayo sa akin at tumawa

"Nagbibiro lang naman ako hahahahaha napakaseryoso mo naman.Linisin mo lang yung kwarto ko,tinatamad ako mag ayos."

Sabi nya at saka ako iniwan duon

Ang lalaki na iyon! Nakakainis!sayang ang kagwapuhan nya ang bastos lang.

Agad ko na hinugasan ang mga plato
Na nanduon.
Pagkatapos ay kumuha ako ng mga panlinis at tumungo na ako sakanyang silid.
Naabutan kong nakabukas ang pinto ng kwarto niya,kaya pumasok na ako para makapaglinis na ako.Wala siya dito ,baka lumabas muna saglit.Wala na rin yung babae na kasama nya dito baka umuwi na iyon kanina habang naghuhugas ako ng mga plato

Napaka kalat ng kwarto niya.ang higaan nya gulo gulo,inuna kong ayusin ang higaan nya nakakalat din dito ang underwear na sa tingin ko ay sa babae kanina.at sa sahig naman ay may nakakalat na dalawang parang plastik ng ice candy.Nang marealize ko kung anong plastik iyon ay nandiri ako! ang balahura talaga ng lalaki na yun...Nasa kalagitnaan ako ng paglilinis na marinig ko ang pagbukas ng pinto.Napatingi ako sa direksyon na iyon at lumabas sya ng nakatuwalya.

"Nandito ka na pala" nakangiting sabi nya

Tinalukuran ko sya at tinuloy ang pagaayos. Naiilang kasi ako sa kanya wala pa syang damit.akala ko naman ay nasa labas sya.naligo lang pala .

"Pasensya na,at pumasok ako rito " sabi ko

"Inutos ko naman,kaya walang problema" sabi nya.

"Paki bihisan nga ako" nagulat ako sa sinabi nya at agad ko syang inis hinarap

"Di ko alam na tagapag alaga ng isip bata ang gagawin ko dito sir"napatawa nanaman sya sa sinabi ko

"Nagbibiro lang ako,bakit ang sungit mo? Ako kaya ang sir mo dito,pag ako nagtampo di kita suswelduhan" parang batang sabi nito.
Kung hindi ko lang sya amo ay nahambalos ko sa mukha nya tong dustpan na hawak ko.

"Hahahahahha dyan ka muna magbibihis na ko" at tumungo na sya sa banyo ,tumatawa pa din. Ano kayang nakakatawa ,napakaisip bata ng isang yun.Sana ay matagalan ko ang paguugali nya,

Sayang ang mukha,kung maganda ang una naming pagkikita at ang paguugali nya ay may tsansa na maging crush ko sya.

Habang naglilinis ako ng kwarto nya ay napansin ko ang litrato dun.

Family picture siguro yun.

May lalaking may edad na ngunit mababakas na gwapo ito nung kabataan,ganuon din ng babae sa tingin ko ay maganda din nung bata pa.kapatid nya din siguro itong lalaki,
Gwapo din ito.misteryoso ang dating nito saakin....
____________________________

Amor InocenteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon