Marianna's POV
Matapos ang paliligo ko sa batis at pagkikita namin ng tao na yun ay agad na akong bumalik sa bahay at nag ayos ng sarili.
Pagkatapos ko mag ayos ay pumunta ako sa kusina at nakita ko duon si nanay na nagluluto ng kakanin na aming ititinda ngayong hapon
Tinulungan ko sya sa pagluluto."Nay kung pumasok nalang po kaya akong katulong sa hacienda Ramirez" suhestiyon ko sa aking ina dahil di sapat ang aming kinikita sa pagtitinda ng kakanin marami kasi kaming pinagkakagastusan kasama na ang gamot ni nanay dahil sya ay may sakit sa puso.
"Naku ikaw bata ka,kung ano ano naiisip mo"
"Kaya nga kita pinagaaral dahil ayaw kita maging katulad namin ng tatay mo"dagdag pa nya"Eh nay,di sapat ang kinikita natin,tsaka kaya ko naman pong pagsabayin aang pagaaral at pagtatrabaho " sagot ko
"Magtigil ka Marianna,hindi pwede" pinal na sabi nya.
Hayy ano pa ba ang magagawa ko kundi sumunod nalang.
Dahil wala kaming pasok ngayon ay kinulit ko si nanay para ako ang magtinda
Habang ako ay naglalako ay may tumigil sa harapan ko na isang magarang motor
"Hi miss"sabi nya
Sa ikalawang pagkakataon ay nagkatagpo nanaman ang aming landas.
"Nagkita nanaman tayo,tadhana nga naman ano" dugtong pa niya.
"Nga naman ang malas ko talaga ngayong araw na ito" sagot ko sakanya.
"Haha!pero ano yang dala mo?"usisa nya.
"Tinda ko,biko" sinagot ko naman sya ng matino.
"Parang ngayon ka lang nakakita nito ah" dugtong ko pa.
"Ah oo,ngayon nga lang" medyo nahihiyang sagot nya
"Totoo?!ibig sabihin hindi ka pa nakakakain nito?" Gulat na tanong ko sakanya
"Oo" maikli nyang sagot
Talaga di pa sya nakakakain nito.anong klaseng nilalang ba ito.
Kaya kumuha ako ng biko at binigay sa kanya.
"Oh ito libre na yan,nanay ko nagluto nito kaya paniguradong masarap"
Tinanggap nya naman
"Malinis ba ito?" Paninigurado pa niya
"Oo! Malinis yan,ang arte mo naman" sagot ko sakanya
At sinimulan na nga nya kainin
"Ano okay ba ang lasa?" Tanong ko sakanya nung naubos nya na
"Hindi masarap" sagot nya
"Hindi?eh bakit mo naubos?"
"Natural inubos ko kasi sayang naman kung itapon ko lang"
"Ah okay."
sabi ko sakanya at humakbang na ako palayo sana sa kanya pero muli nya nanaman akong pinigilan."Nagbibiro lang ako hahaha,masarap yung biko.at salamat ah"
Nilingon ko naman sya,nakangiti sya.
"Kunwari ka pa kasi."
"Bibilhin ko na lahat yan" sabi nya,sabay kuha nya sa dala ko at inabot saakin ang pera.
"Sobra ito"
"Wag na iyo na ang sukli" sabi nya.
"Sigurado ka?" Ulit ko
"Oo,kulit nito" sagot nya.
"Sige na nga.maraming salamat"
"Teka lang wag ka muna umalis.ano muna pangalan mo?"
Sabihin ko na mga ,kahit papaano mukha naman syang mabuti."Marianna" sagot ko
"Sige Marianna,pwede ba ulit tayong magkita bukas,dito din?"
"H-hindi ako sigurado"sabi ko nalang at naglakad na papalayo
"Basta hintayin kita dito bukas"pahabol nya.
Hindi ko nalang sya pinansin.
Habang ako ay papauwi sa aming bahay ay..
"Marianna,Marianna!"
Napatingin pinanggalingan ng boses
"Bakit Ramon?"nagaalalalang tanong ko
"Ang..ang nanay mo sinugod sa ospital"sa sinabi nyang iyon ay tumakbo agad ako papunta sa ospital....
BINABASA MO ANG
Amor Inocente
Non-FictionIpaglalaban ba nila ang kanilang pag ibig sa harap ng magulang at sa mapanghusgang mundo. Ipagpapatuloy pa kaya nila ang pagmamahalan gayong ang dugo't laman nila ay konektado.