Nick Bateman as Arnold Stefan Ramires.
___________________________Marianna's POV
Sabado ngayon,at dahil wala kaming pasok ay napagpasyahan kong maligo sa batis.nagpaalam muna ako sa nanay ko bago umalis.
Bago ka makapunta sa batis ay madadaan mo dito ang napakalaking lupain ng mga Ramirez.Nagtrabaho na dito ang aking ama,ngunit sa kasamaang palad ay namatay sya.nagkaroon kasi ng kaguluhan dito sa Hacienda ng mga Ramirez.Ang mga magsasaka ay nag alsa laban kay Don Ramirez,dahil hindi sila nito sinuswelduhan ng tama.aksidenteng Nabaril ng isa sa mga alagad ni Don Ramirez ang aking ama.
Nasa Edad walo palang ako noon nang sya ay mawala sa aming buhay.Matagal din na panahon bago namin matanggap ni nanay na wala na sya.
Matapos ang ilang minuto na aking paglalakad ay nandito na ako sa batis.
Nagpahinga ako saglit.Bago lumusong sa malamig at malinis na tubig.
Habang ako ay naliligo sa batis ay biglang nanariwa ang alaala noong nasa edad siyam palang ako.
Nagtungo ako sa batis upang maligo.nagtampo ako kay Ramon dahil ayaw nya ako samahan.
Bago pa man ako makarating sa batis ay may naririnig na akong tinig na humihingi ng saklolo mula doon.
Kaya agad akong napatakbo para puntahan ang humihingi ng saklolo.
Pagkadating ko duon ay nakita ko ang isang batang lalaki na nalulunod.hindi ko nag aksaya ng oras at dali-dali ko syang iniligtas.
Naghahabol hininga pa sya nang maiahon ko na sya at madala sa may ilalim ng puno.
"Thank you" sabi nya ng bumalik sa normal ang paghinga nya.
Bago ako ay magsalita,pinagmasdan ko muna sya saglit.Mukhang hindi sya taga rito.
"Ayos ka na ba? Bakit ka ba nalunod?" Tanong ko sakanya.
"Oo,okay na ako.Akala ko mababaw lang ang tubig pero mataas pala at medyo lumakas ang daloy ng tubig"
Mahabang paliwanag nya."Oh,sige,magiingat ka sa susunod ah," paalala ko sakanya bago tumayo.pero pinigilan nya ako.
"Teka aalis ka na? W-wag muna" pagpipigil nya saakin
Ngumiti lang ako sakanya at sinabing
"Hindi naman ako aalis eh,maglalangoy lang ako sa batis.""Talaga?,ako din gusto ko gawin yan" nagnining-ning ang kanyang mga mata habang sinasabi yan.
"P-pero hindi ako marunong lumangoy eh" nahihiyang sabi nya.
"Walang problema,tuturuan kita" napangiti sya sa nasabi ko
"Talaga?" Paninigurado nya
"Oo,naman" sagot ko
Dali syang tumayo at ako ay marahan na hinatak papunta sa tubig.....
Napangiti ako sa naalala ko.sayang nga lang at nakalimutan namin tanungin ang pangalan ng isa't isa.
Nasaan na kaya sya ngayon...
Naramdaman kong tila lumalakas ang agos ng tubig kaya aahon na lang muna ako, pero biglang pinulikat ang kanang binti ko,kaya hindi ako makalangoy ng maayos,lagot na! wala pa naman din tao dito ako pa lang... pero sumigaw pa rin ako
"Tulungan nyo ko!!!!!" Pagbabakasali ko na may makarinig ng boses ko.Pilit akong lumalangoy papunta sa may batuhan peeo sadyang malakas ang agos ng tubig kaya natatangay ako,idagdag pa na pinupulikat ang kanang binti ko..
Pataas ng pataas ang tubig ,lumulubog na ako......
Napamulat ang aking mata
Kasabay ng pag alis ng isang labi na umangkin sa labi ko.
"Ughhh eheeeem ehheeemm"
Naghahabol hininga pa ako.Napatingin ako sa nagligtas saakin na lalaki
"S-salamat, pero bakit mo ako hinalikan!" Sabi ko sakanya sabay tayo ko.
"Cpr yun kasi nawalan ka ng malay" mahinahong paliwanag nito
"Anong Cpr ka dyan?" Tanong ko dahil ngayon ko lang narinig iyon.
"I-search mo sa google" sagot niya
Google?
"Anong google ka dyan p-pinagloloko mo ba ako?"
"Hahahaha relax lang miss,saang planeta ka ba nakatira,at wala kang alam sa mga sinabi ko, "pangiinis niya
Napadako ang tingin nya sa harapan ko.
Kaya tinignan ko din ito.
Dun ko nalaman na bumabakat ang panloob kong suot.Puti kasi ang t shirt ko
At nakaitim na short ako."Witweew!"
"BASTOS!" Sigaw ko sakanya na tinawanan lang nya.
Tinakpan ko agad ang harapan ko,at napansin ko ang supot duon sa may malapit sa puno,damit pamalit ko iyon at tuwalya.
Kaya agad akong pumunta doon.
Kinuha ko ang tuwalya at tinakip saakin
Uuwi na sana ako pero may humawak sa braso ko.
Napalingon ako sakanya
"Ano pangalan mo miss?"
"Ewan ko sayo! Manyak!"
"Sungit naman hahahaha"
At lumakad na ako palayo sakanya. Tawa lang sya ng tawa parang sira.
"Hahahaha ako pala si Arnold "pahabol na sigaw nya saakin.
Napahawak ako sa labi ko.Ito ang unang pagkakataon na may dumamping labi saakin.At yung lalaki pa na iyon ang nauna !

BINABASA MO ANG
Amor Inocente
Non-FictionIpaglalaban ba nila ang kanilang pag ibig sa harap ng magulang at sa mapanghusgang mundo. Ipagpapatuloy pa kaya nila ang pagmamahalan gayong ang dugo't laman nila ay konektado.