>>10<<

36 0 0
                                    

Marianna's POV
"Nagseselos ako.."
Di ko alam kung kunwari lang nya ito o totoo ,,
"U-umuwi na tayo..." pag iiba ko.

"Gusto kita ,mahal kita." Diretsaang saad nito saakin.
"Ramo---"
"Ayos lang saakin kung ayaw mo,hihintayin naman kita eh..." sabi pa nya.
"Magkaibigan lang tayo,a-ayaw ko ng lumagpas pa duon.."
"Bakit?dahil ba kay Monika?"tanong nito.di ko sya sinagot .humakbang na ako palayo sa kanya buti nalang at di na nya ako  hinabol pa.
Flashbacks...
Si Monika anak mayaman dito sya pinanganak at nagaral. Nagkakilala kami nung inawat ko silang dalawa ni Ramon,nagaaway kasi sila,nag aagawan kasi sila sa kuneho na naligaw duon.pero sa huli ay pinakawalan nalang din para di sila magagawan pa .

Naging magkakalaro kami nung bata pa kami,at lagi din syang inaasar ni Ramon na 'baboy' dahil nga may kalusugan ang katawan nito

Naalala ko pa nung hapon na nasa tabing batis kami ,kaming dalawa lang at nagkukwentuhan.
"Ria..." tawag nya saakin
"Bakit,Mon.."
"Ano,,,lagi kong naiisip yung si Ram,,tapos kung dati pag inaasar nya ako naiinis ako ngayon naman parang nahihiya ako na ewan...tapos minsan pag nakatingin ako sa salamin biglang namumula ang pisngi ko pag naiisip ko sya...." mahabang sabi nito...
"May gusto ka kay Ram?" Tanong ko
"Ahh hihi,,o-oo."
nahihiyang sagot pa nito.....

"Huy!!!"
"Ayyyy" Napasigaw kami dahil sa pagkabigla ,nanggulat kasi itong si Ramon.

"Bakit ka May gusto sakin?"  Tanong ni Ramon na may pagkairita
Kung ganon ay narinig pala nito ang pinaguusapan namin ni Monika.Hindi sya sinagot nito at nagiwas nalang ito ng tingin.

Lumipas ang buwan at  nagpaalam si Monika saamin na pansamantalang aalis sya ng bansa,,duon na kasi sya sa ibang bansa magaaral.

Nalungkot kami nun...
Kinausap nya kami.
"Bantayan mo sya ah,wag mong hayaan na may ibang lumapit sakanya at  baka naman magkagusto ka sakanya ah..magtatampo ako." Sabi nya sa akin na ikinatawa ko
"Grabe,ang bata pa natin ganyan na iniisip mo" sabi ko,habang si Ramon ay nanatiling tahimik.
"Eh basta...mamimiss ko kayo..babalik din ako agad promise.." maluha luhang sabi nito

"Oh ikaw Ramon,pagbalik ko di na ako mataba." Sabi nito ,

Mag iikaapat na baitang na kami nung umalis sya  .at magmula nun wala na kaming balita sa kanya.
Pero naniniwala pa din ako na babalik sya dito.
EndofFlashbacks...
Ramon's POV.
               Hindi ko na sya sinundan nung sabihin nya na ayaw nya talaga.napagpasyahan ko na maupo muna sa ilalim ng puno.ayaw ko pa umuwi.

Naalala ko nanaman yung si Monika.nung araw ng malaman ko na may gusto sya saakin sa una  ay naiinis ako pero,di nagtagal ay parang may nagbago saakin sa nararamdaman ko pero di ko alam kung ano.basta.

Ilang taon na din kaming di nagkikita at di na ako umaasang babalik yun.

"Uggghh bwisit talaga yun"
Narinig kong sabi ng isang babae na naglalakad papunta sa harapan ko.

"Miss"tawag ko dito.

"Ayy palaka!" Nagulat sya.

"Lah,kuya rapist ka no wahhhh" sunod nyang sabi at sumigaw.nataranta naman ako kaya agad akong tumayo at tinakpan ang maingay nyang bibig.

"Hoy,anong rapist ka dyan! Hindi no!" Reklamo ko dito at tsaka tinanggal ang pagkakatakip sa bibig nya.
Kumalma naman sya.

"Weh? Okay.pasensya na akala ko ,nagulat lang ako" sabi nito.

"Gabi na ah bakit naggagala ka pa.mag isa ka pa."  Di ko masyadong maaninag mukha nya dahil tanging liwanag lang mula sa buwan ang nagsisilbing ilaw ngayon.

"Wow,para kang daddy ko haha.marunong ako magself defense,tsaka ba't ikaw magisa ka nga lang din"
Sagot nito.

"Lalaki ako.kaya ko ipagtanggol sarili ko."sabi ko. Napakunot naman ang noo nito.
"So pag babae di na pwedeng nagiisa? Tsaka walang kakayahan ipagtanggol sarili nila"
"Bahala ka na nga dyan." Dagdag pa nito at humakbang na papalayo
Pinigilan ko naman sya.

"Hindi naman sa ganun...ano nga palang pangalan mo" tanong ko
..

"Secret." At lumakad nanaman paalis pero pinigilan ko ulit.

"Isa pang pigil mo saakin,sisipain ko yang ano mo,rapist ka talaga siguro no" banta nito,

"Haha.hindi nga.dayo ka lang dito no ,bakit gumagala ka pa."

"Tanga pauwi na ako." Sagot nito.

May sasakyan naman na huminto sa harapan namin.

At may bumaba na isang lalaki at dalawang babae naka uniporme sila lahat.

"Señorita."sabi nung lalaki.

"Alis na ako." Sabi nito at sumakay na sa kotse na yun na agad din umalis.

Yung babae,pamilyar sya saakin.
Parang nagkita na kami dati di ko lang matandaan.
Ang  mala-anghel na boses nito.

Para akong tanga ngayon dito.nakatingin pa din sa direksyon na tinahak ng kotse niya.
At ang tinig nya ay paulit ulit sa isipan ko,bakit ganito sino ba talaga sya.

____________________________
(A/N)
  Yesss nakapag ud rin :)....
Readersss magparamdam kayooo  xD.

Fiftyshadesoftired**

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Amor InocenteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon