>>5<<

43 0 0
                                    

Marianna's POV
Dahil may kalayuan ang ospital ay di na ako tumakbo bagkus ay sumakay nalang ako sa tricycle ni Mang Kanor.

Sana naman ay maayos anh kalagayan ni nanay ngayon.

"Mang kanor,paki bilis pa po" tarantang sabi ko sakanya.

"O sige ineng ah,papaliparin ko na din tong tricycle" di ko na sya pinansin sa sinabi nya.

Mga ilang minuto ay nakadating na din kami.

Agad akong pumasok sa loob ng ospital.At tinanong kung saang room ito naroon.

Saktong pagkadating ko duon ay naabutan ko ang Doktor na kalalabas lang sa kwarto na iyon..

"Doc,kamusta po ang lagay ng nanay ko...si Linda Perez"
Tanong ko sakanya.

"Mabuti na sya ngayon,kailangan nya ng sapat at maayos na pahinga.At wag nyo kakaligtaan na painumin ang kanyang gamot sa tamang oras."

"Opo Doc.,Salamat ho" at umalis na sya habang ako naman ay pumasok sa kwarto upang makita sya.

Tulog pa sya ng madatnan ko duon.

Kaya pinagmasdan ko na lamang sya.

Kailangan ko na talaga mag trabaho,ayaw kong nakikita ang nanay ko na nahihirapan.

Alam kong magagalit sya pag sinuway ko sya.pero sa ikabubuti din namin yun.wala namang mawawala saakin eh.alam ko sa sarili ko na kaya ko iyon.

Ilang minuto ang nakalipas ay dinalaw ako ng antok kaya napagpasyahan kong maidlip muna.

Natagpuan ko ang aking sarili na nakatayo sa harap ng...altar

Kasama ang lalaking pinakamamahal ko.

Napalingon kami sa isat isa

Pero bakit ganun,di ko maaninag ang kanyang itsura.

Binalik ko ang pansin ko sa harapan ko at nagsimula ng magtanong ang pari

'I DO' ang aking itinugon at sya naman ang sunod na tinanong.

Ngunit ang tagal nya sumagot kaya ako ay napatingin sa kanya.

Imbes na sya ang makita ko ay isang kabaong ang nanduon.kaya ako ay nagulat sa nakita.

Wala sa sariling iginala ko ang paningin ko

Ang mga tao kanina na nakingiti

Ay napalitan ng mga iyak.
Hindi ko maintindihan ang nangyayari

"Marianna"
isang malambing na tinig ang tumawag saakin agad ay napalingon ako sa aking likuran

Nakita ako ang isang lalaki na may hawak na baril at nakatutok ito sa kanyang sentido.bakit hindi ko makita ang kanyang itsura..malabo tulad ng kanina,,tulad sa mga taong naririto ngayon..

"W-wag! Wag mo gawin yan" pagmamakaawa ko sa lalaking nasa harapan ko

"Bakit may rason pa ba akong mabuhay? Sagot!..

Siguro mas masaya kung sabay tayo mawawalan ng buhay ngayon" sabay ng kanyang malademoyong pagtawa

Itinapat nya saakin ang hawak nyang baril

"W-wag maawa ka saakin" gustuhin ko man ang tumakbo pero di ko magawa,nahihirapan akong kumilos

"Goodbye Marianna"

*bannngggg*

Agad napamulat ang aking mata isang masamang panaginip lang pala akala ko ay totoo na.

Tumingin ako kay inay at hanggang ngayon ay mahimbing pa rin ang kanyang pagtulog.

Lumabas muna ako ng silid para makapag relax.

Nakakatakot ang panaginip na iyon.

Parang totoo talaga ,ramdam ko ang sakit at pangangailangan sa panaginip ko na iyon.

__________________________

Second update ^^,, matagal pa kasi pasok namin kaya nilulubos lubos ko na.

May mga rebelasyon pang magaganap,nasa unang parte palang po tayo kaya medyo pa easy easy ang mga bida.Malay natin totoo ang panaginip nya...Abangan sa next chappiess

Comment and vote naman po dyan para malaman ko kung ayos ba ....dagdag inspirasyon na din....

Thankieeesss.. ^.^

Fiftyshadesoftired x

Amor InocenteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon