Marianna'POV
Makalipas ang dalawang linggo ay balik sa normal ang aming buhay
Kasalukuyan kami ngayong pauwi ni Ramon galing paaralan.
Pansin ko kanina pa sya walang imik.
"May problema ka ba?" Tanong ko sakanya
"Wala..."
"Sigurado ka?" Napahinto sya sa paglakad at ganun din naman ako.
Tinignan nya ako sa aking mata.
"Gusto kita...."
Sa tingin ko ay nagbibiro lamang ito.
Kaya tinawanan ko sya
"Anong nakakatawa? Gusto kita.Mahal kita!"
Nagulat ako sa sinabi nya. Hindi ,magkaibigan kami.kapatid na halos ang turingan namin.Magsasalita na sana ako pero
"Hahahahaha naniwala ka naman !nagpapraktis lang ako umarte Marianna,galing ko ano" puri nya sa sarili nya
Binatukan ko nga sya
"Aray!"reklamo nito
"Di nakakatuwa ah!,tara na nga at baka abutan pa tayo ng dilim rito." Inis na sabi ko sakanya,akala ko totoo na ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin.___________________________________
Kinaumagahan ay hindi ako pumasok. Dahil pumunta ako sa Hacienda Ramirez para mangamuhan.Mabuti nalang at napapayag ko ang aking mga guro .kaya ko naman ang humabol sa leksyon.
Lunes,Miyerkules at huwebes ang pasok ko.
Martes,Biyernes,at Sabado naman ay pagtatrabaho ko. Alam din ito ni Ramon.pero di ko sinabi kay nanay.magagalit iyon.
Ito ang unang araw na magtatrabaho ako dito.
Pagkapasok na pagkapasok ko palang ay namangha na ako sa laki ng Bahay na ito,pakiramdam ko ay maliligaw ako pagnilibot ko ito,lalo't baguhan pa lamang ako dito
.Inabot saakin ng isa ding katulong dito pero sya ang namamahala sa amin si Ate tess. Ang uniporme na aking isusuot dito
Naglakad na ako patungo sa banyo...itinuro nya naman saakin kung saan iyon matatagpuan
Pero hindi ko makita kung saan iyon.maraming pinto ang nandito at di ko alam kung saan ang banyo
Naglakad pa ako ng may maulinigan akong ingay mula isang kuwarto nilapitan ko iyon
Mukhang may nangyayaring di maganda sa tinig ng babae na iyon
Kaya Pinihit ko ang hawakan at ako ay humakbang papasok
Laking gulat ko ng makita ko silang dalawa
"Waaahhhhhhhhhhh" sigaw ko
"Fuck!" Inis na sigaw nito.
Agad ako tumakbo palabas at isinara ang pinto ng kuwartong iyon
Yung lalaking nakilala ko sa batis,yung lalaking umubos sa paninda ko ang nakita ko duon
Kasama ang isang di ko kilalang babae,kapwa sila walang saplot.At gumagawa ng milagro
Nahampas ko ang aking sarili sa katangahan....
Tumungo na lamang ako sa ibang parte ng bahay na walang tao at duon nag palit.dahil di ko makita ang banyo dito.
Nang matapos na ako magbihis ay sunod ko naman na tinungo ang kusina .utos sa akin iyon kanina na pumunta ako duon at hugasan ang mga plato
Nadatnan kong umiinom ng tubig ang lalaking nakita ko kanina.
Napansin ata nya na may tao bukod sa kanya kaya napatingin sya sa direksyon ko
Muntik na nya maibuga ang tubig sa pagkagulat.
"Ikaw!ano ginagawa mo dito? Bakit ganyan ang suot mo?"
"Ah ano simula ngayon dito na ako magtatrabaho" naiilang pa na sagot ko sagot ko
Natahimik naman sya at Nakita kong sumilay ang pilyong ngiti nito.
Kinabahan ako sa ngiti nyang iyon.mukhang may binabalak na kalokohan ang mga ngiti na iyon.
______________________________
Anddd Cut xD
...hoooo ano kaya ang balak ni Papa Arnold Sfefan xD
Abangan....
Fiftyshadesoftired x

BINABASA MO ANG
Amor Inocente
Non-FictionIpaglalaban ba nila ang kanilang pag ibig sa harap ng magulang at sa mapanghusgang mundo. Ipagpapatuloy pa kaya nila ang pagmamahalan gayong ang dugo't laman nila ay konektado.