>>2<<

76 0 0
                                    

Marianna's POV
Matapos ang aming klase ay nagtungo na ako sa canteen dahil utos nang Ama ko haha! Biro lang
,pagkadating ko duon ay nilapitan ko agad sya
"O,Ramon matagal ka bang naghintay?" Bungad na tanong ko sakanya.
"Ah,hindi naman,maupo ka muna"alok nya saakin.
"Sandali lang at bibili ako ng makakain,libre kita" Paalam nya nang makaupo na ako.
"Wag na,baka pagnagtagal pa tayo at abutan pa tayo ng dilim sa daan,tsaka busog pa naman ako,ipunin mo nalang yang pera mo"mahabang sabi ko.

"Hindi yan.tsaka kasama mo naman ako eh.wag ka na mahiya,parang di tayo magkaibigan ah",

"ang sakit tinatanggihan ako ng kaibigan ko" dugtong nya tsaka umarte sya na pinupunasan ang mata nya .wala namang luha

"Sorry na po.sige na bili ka na dun,haha,burger saakin ah "
.
Habang sya ay bumibili ay may biglang umupo sa bakanteng upuan sa harapan ko.

"Hi,Marianna" si Robert lang pala,classmate ko.

"Pwede mo ba akong tulungan ? Di ko kasi masyadong naintindihan ang lesson sa math kanina"sabi nya .Paano niya matutunan eh abala sya sa mga kalokohan nya kanina.Tsaka anong nakain nya,para maging enteresado sa lesson na hindi nya naintindihan kanina.

Eh puro barkada ang inaatupag nya.

"Pasensya na marami din kasi akong gagawin eh" pagtanggi ko.

"Sige na nga.pero isang tanong nalang may boyfriend ka na ba?"

"W---"

"Meron,ako." Naputol ang sasabihin ko dahil biglang sumagot si Ramon,na nakatayo sa likuran ni Robert.

Agad naman na napalingon si Robert sa pinanggalingan ng boses.

"May problema ka ba duon?" Tanong ni Ramon

"Wala naman pre." Sagot ni Robert at saka binalik ang tingin saakin "Sige Marianna,una na ako.salamat nalang." At ngumiti sya saakin bago umalis.

Pagkaalis ay umupo na si Ramon .

"Bakit mo namang sinabing tayo?" Tanong ko sakanya.

"Kursunada ka ng loko loko na yun.tsaka ayaw kong pormahan ka nun.di ako papayag na loko loko ang pumorma sa iyo." Sagot nya..

"Hehe,kayo talaga tay,higpit nyo saakin" biro ko sakanya.

"Syempre nak! Kumain nalang nga tayo".

Tahimik lang kaming kumakain.
Bigla akong napatitig sakanya,
Napansin nya sigurong nakatingin ako sa kanya kaya. Nagtama ang aming mga paningin.Bigla ako nakaramdam na parang uminit ang aking pisngi.

Ngumiti sya.
"Tulala ka dyan? Alam ko gwapo ako hahaha" kaya bigla akong natauhan. Hay naku ,,,bakit ganun may parang may iba akong naramdaman sa sandaling segundo na nagtama ang aming paningin.

Mabilis din kaming natapos kumain. At kami ay nagsimula na maglakad pauwi.

Tahimik lang kaming naglalakad.
Ewan ko ba parang nahiya ako bigla sakanya,wala akong maisip na sasabihin ko.

"Ramon.." "Marianna" sabay kaming nagsalita kaya napatawa sya.

"Hahaha,ikaw muna mauna magsalita" sabi nya

"Ano,ah salamat sa meryenda ah,bawi ako sa susunod" medyo naiilang pa na sabi ko

"Ayos lang yun,malakas ka yata saakin haha"

"O ikaw naman ano sasabihin mo?" Tanong ko sakanya.

"Ah yun ba,wala.nakalimutan ko na " sagot nya.pero parang may mali. Di ko maintindihan.parang nararamdaman ko na malungkot sya.wala naman akong lakas ng loob para itanong sa kanya. Dahil nga sa may naramdaman akong di maipaliwanag.

Tahimik lang kaming naglakad hanggang kami ay makauwi na.

___________________________

Ashton Kutcher as Ramon Rodriguez :)

Amor InocenteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon