"Ewan ko sayo! Ginagamit kalang naman niyang nobyo mong manggagantso." Umirap lamang ako dahil hindi naman totoo ang paratang nito sa boyfriend ko.
Porke ba ginagawa siyang gatasan ng bata niyang boylet ganun narin si Cariño? Hindi. "Ilang beses ko ba dapat ipaliwanag na for business yung pera na pinapahiram ko." Tumawa ito ng nakakaloka bago tinapik-tapik ang aking pisngi.
Marahas kong inalis dahil medyo bumaon ang malalaki nitong kuko. Imbyerna talaga sa tuwing nandirito sa bahay ang babaeng ito!
"Matalino ka naman kaysa sa akin insan, kaya lang bobo ka sa pag-ibig." Pinahiran nito ang kaniyang labi ng isang pulang lipstick.
Ako naman ang tumawa. "Pareho lang tayo shunga mo." Ngumiti ito sa akin at hindi na nakipagtalo.
Pinagpag nito ang maikling damit na halos lumabas na ang kaniyang kaluluwa. Humarap sa akin habang sinusuot ang hanggang tuhod na boots.
"Ang pinagkaiba lang natin, sa akin laro lahat pero ikaw, seryoso. Magtabi ka ng iyo, hindi bukas palad ka sa tsonggong 'yon. Ikaw rin sa huli." Hindi ako nakaimik sa tinuran ng aking pinsang babae na nakitulog kagabi rito sa apartment ko.
Tiniklop at tinupi na lamang ang ilang damit na nakakalat sa lamesa, matagal ng tuyo ang mga iyon pero wala akong oras para maasikaso. Huminga ako ng malalim bago muling pinasadahan ng tingin sobreng naglalaman ng notice ng bangko. Joint account kami ni Cariño at talagang pinagkakatiwala ko lahat sa kaniya ang pera namin.
Mahigit pitong taon na kaming nasa relasyon, kilala ko siya higit kaninuman, mahal namin ang isa't-isa kung kaya't nang magpropose ito kamakailan lamang ay sinagot ko kaagad ng matamis na Oo.
Nauunawaan ko lahat ng mga ambisyon nito sa buhay, maging ang sa akin ay sinusuportahan niya kaya nasasaktan ako tuwing hindi siya naiintindihan ng pamilya ko.
Nagkakilala kami noong panahon na ako'y nag kolehiyo sa Bulacan. Ibang kurso siya ngunit madalas itong maglagi sa library kagaya ko. Palitan ng pangalan hanggang sa parehong hindi na namin namalayan na pati ang aming puso ay magkakapalitan.
Hanggang matapos ko ang business ad at siya naman ay sa kursong I.T, walang naging problema sa relasyon namin dalawa.
Legal kaming pareho sa aming mga pamilya.
Akala ko tuloy-tuloy ang masaya naming relasyon. Sa una lang pala ang lahat at puro pasakit na sa huli.
Kumalansing ang mga kawali at kaldero sa buong studio type apartment na aming tinutuluyang dalawa ni Cariño. Tahimik akong umiiyak sa tabi nang patuloy ito sa pagwawala.
Hindi ganitong buhay ang pinangarap kong mangyari sa amin.
"Lecheng buhay!" Pinagbabasag nito maging ang mga platong na nanahimik sa lalagyan.
Marami akong nagawang kamalian sa buhay na sobra kong pinagsisisihan.
Mula nang malolong ito sa sugal, parang kinain na ang buong utak ng kaniyang nobyo. Mainitin ang ulo sa kahit simpleng bagay lamang. Nananakit minsan kung wala siyang maibigay na pera.
Naubos nito ang savings namin sa bangko, maging ang pera na dapat sana'y sa kasal namin.
He changed for the worst.
My life became so miserable.
Akala ko magiging maayos kaming muli pagkatapos ng nangyaring pagtorture rito at pagkidnap sa akin.
Pero hindi.
Kapalit ng aming buhay, ng kaniyang kapatid at pamilya ay dapat naming lokohin si Nikita para mahulog ito sa bitag na pinain ng taong pinagkakautangan ni Cariño, ang aking boss.