Hindi ko alam ang gagawin sa taong naghihintay sa akin roon sa hapag kainan. Nakulangan ba ito kagabi pagkat hindi natapos ang dapat mangyari sa amin? Kung ganun bakit pa niya ako hinatid sa apartment tapos, ngayon narito siya sa bahay ko, para saan?
Walang ingay na sinilip ko ang labas sa bintana ng kusina. Nahintatakutan sa nasulyapan, higit sa bente ang dami ng kalalakihan na armado at naka-palibot sa buong bahay ko.
Pilit na pinapatatag ang sarili na huwag panghinaan ng loob para makapag isip sa kung anong pwedeng gawin para makatakas.
Ang walanghiya ay ayaw umalis kahit anong tulak at sipa ko sa kaniya. Walang effect dahil para lamang akong langgam laban sa malaki niyang katawan at higanteng tangkad.
Nanginginig na naiinis kong hinain sa harap niya ang mga inihaw na binili. Ang tauhan nito ang kumuha sa dapat na babalikan ko sa labas, nang sinubukan kong tumakbo lagpas ng pinto at bakuran; pagkasa ng mga baril ang narinig ko bago ako hinila pabalik sa loob.
Viko made me hostage at my own house. Detained me against my will and threatened to kill me if I tried to escape.
Sa mga titig niya ay nakakapag-alarma talaga sa akin kasi para akong kakainin ng buhay. Seryoso at tahimik ngunit hindi maipagkakaila ang aristrokatong itsura, tindig, at galaw.
Kung wala lang ang nangyari kagabi sa pagitan naming dalawa at kung hindi ako nito binantaan na papatayin kanina baka hinangaan ko siya, pero ngayon gusto ko itong tadyakan.
Tumingin siya sa mga ulam na nakahain, marahil nagtataka kung anong klaseng pagkain ang nakikita. Betamax, isaw, at iba pang inihaw.
Naglakas loob akong magsalita. "Last night, Cariño already paid his debt to you in exchange for me. We were clear from the moment you sent me home. That's why I couldn't think of any reason why you were here."
Ang galaw niya ay pino at elegante, parang nasa loob ng mamahaling restaurant na sinipat ang taba at laman ng parte ng pork barbecue bago ilapag sa sariling plato.
Animong walang narinig at magsimulang kumain. Kumagat, marahang ngumuya at lumunok bago siya magsalita.
Karagatan, kulay ng kaniyang dalawang mata nakatitig ngayon sa akin.
"Why won't you sit here beside me?" Ang isang kilay nito medyo umangat. Kumukulo na ang aking dugo sa hindi nito pagpansin sa sinabi ko.
Sit-sitin ko yang mukha mo!
Kumuyom ang aking palad sa ilalim ng lamesa. Naka-ilang mura na ako sa isipan pagka't nakita ko ang ngisi niya na para bang sinasabi na wala akong kawala mula rito!
"Hindi ako nakikipaglaro o nagbibiro sayo! Akala mo ba natatakot akong mamatay. Hindi! Kahit baralin mo ako ngayon!" Mas tumindi ngayon ang galit at inis na aking nadarama kaysa sa takot mula sa mga banta nito kanina.
Pinanlisikan ko ito ng tingin.
Sariwa pa ang sakit sa aking puso, ang idinulot ng nangyari kagabi ay bangungot para sa akin. Pinipilit kong huwag isipin kasi talagang nakakapagod sa emosyonal at pisikal kong buhay. Pinapatatag ko ang aking sarili kahit ang hirap at masakit sa pusong dibdibin at tanggapin.
Matino pa ang utak ko kahit parang minu-minuto kong naiisip na magpatiwakal sa nangyari sa akin.
Gusto kong limutin lahat pero bakit nagpakita itong hayop na toh!
Malinaw kong naaalala ang mga nangyari, alam ko sa aking sarili na hindi ako ganuong klaseng babae ngunit sa kemikal na tinurok ni Cariño, dinaig ko pa ang uhaw at pinagkakaitan sa sëx.
I felt so different last night; I felt hot in my entire body, and I became needy for something I wasn't supposed to be engaged with.
Seven years into our relationship, I never gave myself to him because I wanted to save it until we were married, but to my horror, I lost it.