Esme 13

110 10 3
                                    

Niyaya akong lumabas ng dati kong mga katrabaho. Pumayag naman si Viko na kitain ko sila kaya naghahanda ako ngayon sa pag-alis.

Bukod sa aking pagbubuntis, wala na akong dapat pang intindihin o isipin dahil para sa akin, ito na ang buhay na bumubuo ngayon sa aking pagkatao.

"Are you sure you don't want me to accompany you?" Umiling ako, hinila ang necktie niya upang halikan siya sa labi.

He caressed my back and pulled me closer to his body to savor our kiss longer.

Napahagikgik ako nang maghiwalay ang aming mga labi at humahabol ang kanya.

"I can manage, Viko. And you have an important meeting to attend." He swayed our bodies, following the rhythm of music only the two of us knew.

Humilig ako sa kanyang dibdib, pinakiramdaman ang heleng nakakapagpakilig. Ang magkabila kong kamay ay nakayakap sa itaas ng bewang ni Viko.

His soft lips landed on my right cheek. His freshly shaved jaw brushed against my neck, but it didn't hurt or make me itchy. Rather, it made me feel the sparks and connection we had together.

Pinagtimpla ko ng kape ang aking asawa. Sa loob ng ilang buwan, nasaulo ko na paborito niya ang kapeng walang kahit na anong creamer o asukal. Pure black coffee.

Maaga akong nagising dahil sa pregnancy cravings kong wonton mami. Saktong sa bahay naming mag-asawa ako umuwi ngayon. I want to tell Viko that Mommy has told me to move into their house. Dahil midwife ang Mommy ko, she'll be one of the people who'll assist my OB-GYN and will be taking care of me while giving birth.

Mamayang gabi ko na lang siguro sasabihin, nagbago kasi ang isip ko. Gusto kong sa bahay na lamang manganak, natatakot akong masugod sa ospital. Nasabi ko kay Mommy at sabi niya ganoon din raw ang naramdaman ni Ate Carmelita noon nang pinagbubuntis nito si Emiliano.

Bilang Pilipino, may mga pamahiin tayo na kahit hindi tumutugma sa ating relihiyon at pagiging Kristiyano, sumusunod pa rin upang makaiwas sa kamalasan o trahedya.

Kung ako ang tatanungin, wala namang problema kung sa bahay muna ako ng aking magulang mananatili hanggang makapanganak, para hindi sila mag-alala. Iniisip kasi nila ni Daddy na baka may mangyaring hindi maganda sa akin at sa anak ko. For me, coincidence ang due date ko sa buwan at araw kung kailan isinilang ang aking pamangkin, dumagdag pa ang mga cravings kong ganoon din kay Ate noon.

Well, it's naturally a coincidence. Magkaiba naman kami ng situation ni Ate, pero hindi mapalagay ang magulang ko.

"Dagdagan ko pa ba?" Tukoy ko sa mga niluto ko kanina na ipapabaon.

Humilaway ako mula sa kanyang malaki, mainit na yakap upang i-ayos ang lalagyan ng baon nitong aking iniluto.

Not all the time I'll be the one who's going to be taken care of. Gusto ko ring mapagsilbihan siya kahit sa ganitong simpleng bagay.

"Should I just take you with me, Esme? Sumama ka na lang sa akin sa opisina." Anyaya pa niya habang tinutulungan akong ibalot sa cling wrap ang pang-snack niya kung sakali.

Itinabi ko ang peanut sauce upang kumuha ng maliit na lagayan para rito. Binuksan ko ang ibabang bahagi ng cabinet bago utusan si Viko na kuhanin ang naka-sealed na package malapit sa mga rubber gloves.

Sa totoo lang ang hirap nang yumuko-yuko.

"Next time, sa opisina mo naman. Minsan lang kasi itong paglabas namin nila Jackie at ng mga kaibigan ko. Super busy sa company ng kaibigan ko kaya wala silang time at all during daytime. Noon, maski ako, dala talaga namin yung stress kahit paglabas ng opisina." Kwento ko habang si Viko ay nagre-refill ng mga tissues sa rack at box.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 28, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fue MejorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon