Esme 3

221 11 0
                                    

Mrs. Guadalajara.

Kinabukasan ay tila malakas na ihip ng hangin nagsidatingan ang ilang kamag-anak ng Mommy at Daddy. Sa mga sandaling iyon napagtanto kong wala na talaga akong takas.

He have men patrolling around my parents house. Ang kapatid ko mula sa kampo ay hinatid ng kaibigan niyang Heneral sa bahay.  He's way too powerful, wala kaming laban dito kahit pagsamahin ko pa ang apat na tito kong pulis.

Wala nga itong pakialam sa kung anong nararamdaman ko. Maski sa mismong bahay ng magulang ko ay nakuha niya akong pagbantaan.

Madali lamang niyang mai-liligpit ang buong pamilya ko.

Nagtataka ang halos lahat ng aking kamag-anak kung bakit ibang lalaki ang ihaharap ko sa altar gayung ang dating nobyo ang kilala nilang fiancee ko.

Mangiyak-iyak akong nagpapaliwanag habang sa ilalim ng lamesa na pinatungan ng makapal na telang sapin panghadaan, ay ang malaking palad ni Viko. Hinahaplos ang aking hita sa mabagal na paraan.

Mainit sa pandama ang malaki nitong palad and Instead of feeling disgusted, it tickles me which I don't understand why.

Pinagsabihan ako ni Mommy na huwag ng banggitin pa ang dahilan kung bakit agaran akong ikakasal. Naiintindihan kong ayaw niyang ipaalam sa buong pamilya na sumubok ako sa pre-marital sex. Aniya ay hindi ito maiintindihan dahil para sa kanila ay kasalanan ang pakikipagtalik ng hindi pa kasal.

If only she knew the reason.

Mas kaya kong maatim na iyan ang isipin ni mommy sa akin kaysa malantad ang delikadong katotohanan na magiging sanhi ng kamatayan ng lahat. Marami nang napagdaanang pagsubok ang aking pamilya, hanggang maaari ay hindi na nila kailangan malaman pa na hindi ko gusto ang kasal na ito at ang lalaking kasama ko ay pinagbabantaan akong kikitilin silang lahat.

I'm not a perfect daughter, madalas ay pasaway ako sa kanilang dalawa ni Daddy.  Pero kailanman hindi ko ninais na ipahamak ang aking pamilya. Kahit gustong gusto kong magsumbong o umiyak sa kanila. Huwag nalang dahil itong nangyayari sa akin consequences sa desisyon kong piliin noon si Cariño.

Inaani ko na lahat ngayon.

It makes me wonder if they would believe me if I told them that I was only forced.

My parents were never wrong about Cariño; he wouldn't do anything good in my life.

Naging bingi ako dahil ang pag-ibig na masama ay nakakabulag sa atin na makita ang katotohanan o kung alam naman ay pinili nating magbingi-bingihan at magbulag-bulagan pagka't mahal natin ang taong ito.

Pumisil ang kamay ni Viko sa aking palapulsuhan. Kanina ko pa napapansin ang pagbabago ng kaniyang aura.

Viko may seem calm and relaxed sitting beside me, and while we're both facing my relatives, I could feel him being irritated whenever they mentioned my ex-fiancee's name in our conversation. His eyes were kind of icy as his jaw tightened a bit and his hand gripped my thigh when one of my cousins bluntly said that they were expecting Cariño to be my husband, not a stranger like him.

May pagka-insensitive kasi ang mga tanong na lumalabas at sinasabi ng mga kapatid ni Daddy at mga pinsang kong mga anak nila. Ginagawa nila ito madalas noon kay Cariño kahit pagsabihan ay hindi sila tumitigil.

When I met my ex-boyfriend, I could say I was in love with him. Gumagawa pa nga ako ng paraan sa tuwing gusto kong magkita kami at pinagbabawalan ako ni Mommy. Hindi nila ito gustong nobyo ko pero dahil malakas ang loob niyang magpunta sa bahay at harapin ang aking pamilya, unti-unti natanggap siya, naging legal kami at hindi na tumututol ang mga magulang ko.
 
I felt Viko's patience was on edge. Baka sumabog ng wala sa oras at tuluyang manganib ang buhay ng mga kamag-anak ko kasi paano kung maisipan niyang ipatumba sila? My conscience can't handle it.

Fue MejorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon