Bibit naming dalawa ni Viko ang mga pinamili pagkain at gamit sa kusina pangluto. Halos lahat ng mabigat ay dala nito habang magaan na paper bag of focaccia bread and cinnamon rolls lamang ang hawak-hawak ko. Excited akong lantakan ang mga tinapay dahil grabe napaka aromatic!
Lumapit ang tatlong bodyguard sa amin, upang sila na ang magdala ng mga pinamili. "No need, I can carry these paper bags." Pagtanggi ko sa alok ng isang amerikanong tila gwardiya sibil namin ni Viko nang nasa harapan ito bigla upang ako'y tulungan sa mga bitbit.
Ka-higante at malalaki talaga ang katawan ng bawat bodyguards parang dumaan sila sa mga matinding pag-eensayo kaya hasa at nahubog ng ganito.
May naisip ako bigla. Sinuri ko ang tatlong puti.
Pakilala ko kaya itong AFAM sa mga pinsan kong babae para naman hindi sila tumandang dalaga o kaya kay Roberta, kasi puro larong pag-ibig ginagawa nun, eh! Malaki naman katawan nito, pasado na ang mukha, pang action star sa Hollywood ang itsura tapos paniguradong daks?!
Palihim ko itong sinipat, tindig palang pwede ng magpatahimik sa aking pinsan.
Naputol ang pagiging matchmaker ko nang may humapit sa aking bewang. Napatalon ako sa gulat.
Viko possessively encircled his big, muscled arms around my waist. His long fingers got a hold of the side of my stomach. I felt him pinch the small rolls from there when I jolted.
Problema mo po?
Napatingala ako sa kaniya dahil sa pagpisil pisil niya roon, I probably need to work out a lot kasi lumalabas at halata na ata ang taba ng tiyan ko. I hate having fat and stomach rolls, but I cannot also stop eating.
Send help!
Viko always feeds me delicious food; he cooks different cuisines that I can't resist! Tuwing work out naman namin, madalas, pagkatapos may meryendang hinanda o pinahanda ito kaya parang useless minsan magpapawis.
He slightly pulled me toward him, and then his lips pressed against my forehead. Bakit pakiramdam ko pinapaalam niya sa lahat na ako'y pag-aari nito? Nakapalibot ng may kahigpitan ang braso sa aking bewang.
"Why are you checking him out?" Bulong ni Viko, tunog galit at naiinis.
Teka.
Huh?
Ano raw?
Unang pumasok sa isipan ko, baka nagseselos siya. But for what reason, though? I'm not doing anything to make him feel that way. Eh, I can't handle a situation like this.
I don't know how to deal with jealousy; wala kaming ganito noon ni never mind. Because we both focused our attention only on each other. That was during the very first relationship I was in, yet there's been nothing like this before. Ewan kung parehas ba kaming normal ng dating nobyo kasi hindi ako nagselos nun, that's why this matter I never encountered it.
Ngayon pa lamang at unang beses kong ma-enconter itong pagseselos, hindi kasi ako selosa noon dahil napag-uusapan naman lahat kaya walang nagiging problema.
Paniguradong mangangapa talaga ako kung sakaling mapatunayan kong nagseselos si Viko.
Sumayad sa tenga ko ang malambot nitong labi, kaya medyo nakikiliti ako sa kaniyang ginagawa. "Irereto ko yang tauhan mo sa pinsan ko. Saglit, huwag mong sabihin nagseselos ka? It's for my cousin Roberta or Sonia. Hinahanapan ko sila ng possible love life!" Natatawang turan ko.
Sinawalang bahala ko ang hinala.
His oceanic eyes were staring directly into my eyes. He didn't say anything; his lips were closed and remained unmoving, while his annoyance could be noticed in his frowning brows.
