Tumingala ako upang makita ang reaksyon niya. His eyes glisten as his palm slowly caresses my bump. Tumikhim siya bago nag-iwas ng tingin.
He rose from his seat.
"We'll talk after your checkup." Tumango ako ulit hindi na nagsalita pa.
Nang dumating ang inaasahang doktor ay hindi na ako makapakali. "You'll be fine; don't be scared, baby." Malambing na bulong ni Viko.
Positive ang pregnancy test na pinagamit sa akin ng doktora. Ramdam ko ang saya ni Viko nang mapatunayan na ako'y buntis ngunit hindi maalis sakin ang pangamba.
Hindi ko siya inimikan kasi natatakot ako sa posibleng kalagayan ng dinadala ko sa aking sinapupunan. Imagine lumipas ang dalawang buwan na wala akong naramdaman o sinyales na buntis ako.
Kung hindi ko pa pinaglaruan ang pusod ko, hindi ko mapapansin ang tila bumilog at umbok sa aking manipis na tiyan.
"You'll feel discomfort, but afterwards it'll be gone." Gusto kong hugutin ang wand na ipinapasok ng doktor na babae.
Viko held my cold hands, and he kind of pinched them lightly so I could divert my attention from pain to him.
"You're 9 weeks pregnant. You see this? It's your baby." I nodded as I got so emotional when she pointed out that my baby has developed its ears, has tiny fingers, and the loud beat of the heart makes me cry of joy.
Dibaleng demonyo ang ama basta ang anak namin ay anghel.
Sinilip ko ang mukha ni Viko dahil hindi ko na naramdaman pa ang hawak niya yun pala ay nagpupunas ng mata. He silently avoided his gaze on me. Ayaw ipakita ang munting luha ng kasiyahan mula sa kaniyang mata.
He asks for so many sonograms.
Hindi nagpaawat si Viko sa paghingi ng kopya at mga kaliwa't kanang mga tanong sa doktor na tumitingin sakin ngayon.
Matapos ang check-up ay sangkaterbang pagkain ang inihanda ni Viko. Parang fiesta sa hapag kainan kung saan iba't ibang putahe ang nakahain. He didn't leave my side; he follows me around.
Grabeng pag-alalay ang ginagawa niya, hindi ko pa naman kabuwanan! May problema parin kami at hindi pa nagpag-uusapan.
Sa ngayon ang mahalaga sa akin ay malusog ang baby namin. Niresetahan ako ng mga vitamins na dapat inumin at kung anong hindi ko na tanda pero paniguradong saulo ni Viko.
He asked for pamphlets and some pregnancy books to read.
"Baby, here's your warm milk. Kung may gusto kang kainin sabihan mo lang ako." Inilapag niya ang tasa bago maupo sa tabi ko.
"Gusto kong umuwi." Panimula ko. Hindi ko siya titigilan hanggang makauwi kami.
Gago siya kung iisipin pa niyang tatakas ako, eh buntis na nga ako! Dumilim ang kaninang masayang tabas ng mukha nito.
Here we go again!
Even as his lips turned into a grim line, he shook his head.
Sabi naman ng doktora kanina ay pwede akong sumakay ng eroplano at magbyahe papuntang ibang bansa.
"Uuwi tayong dalawa sa pilipinas. We'll live there for a month, but you're not going to give birth to our baby there. We'll come back here immediately." Seryoso niyang sabi.
Gusto kong magprotesta dahil ayaw ko ritong mamuhay at magpalaki ng anak! Nangungulila narin ako sa pamilya ko at higit sa lahat wala akong kakampi sa mga oras na nag-aaway kami.
Itong pagkulong niya sa akin, hindi ipakausap ang pamilya ko, at wala akong boses sa mga gusto nito na labag saking kalooban ay masakit sa aking pagkatao.
"Mamamatay ako ng maaga dahil sayo. You're stressing me, baka pagkatapos kong manganak magkaroon ako ng postpartum depression diretsong kamatayan. Sa tingin mo ganuon nalang kadali ang lahat? Alalahanin mong malaki ang kasalanan mo sa akin. Hindi pa kita pinapatawad pero dinadagdagan mo na naman ng dahilan para habambuhay kitang kamuhian." Walang preno at diretsahang kong sagot.
Kitang kita ko ang pagpikit niya ng mariin.
Sumubo ako ng ilang pirasong prutas, siya naman ngayon ang walang imik.
Kung ipagpipilitan niyang uuwi kami bago ako manganak baka ang anak lang namin ang mabubuhay dahil patay na ako. Hindi ko gusto rito sa America. Ang gusto kong mangyari ay makasama sila Mommy at Daddy.
"Hindi ka mamamatay. You will have the best doctor, and I am here to support you throughout the pregnancy. Hindi tayo maglalagi roon dahil sinabi ko at ako ang masusunod." Basta ko nalang ibinaba ang tinidor, kaya lumikha ito ng ingay.
I glared at him.
"Ikaw na sana ang magbuntis! Ayaw ko nga rito dahil wala ang pamilya ko at napakatahimik. At least sa pinas kasalamuha ko sila Mommy, kaysa rito na parang nasa bilibid ako at preso ang turing mo sakin."
Pinandilatan ko siya ng mata. Ewan ba at tumatapang ako bigla.
Mababaliw ako rito! Nakayanan ko ang dalawang buwan, pero kung habambuhay ay kunin niyo na po ako.
"At hindi ako tatakas dahil para saan pa? Shit, lang! Nabuntis mo na ako, may kawala pa ba ako sayo? Wala na Viko." Sukong suko anas.
He licked his lowerlip.
Mas namula ang natural niyang mapulang labi at ang makapal nitong kilay ay medyo nagkasalubong habang ang mala dagat na mata ni Viko ay walang mintis sa paninitig sa akin.
Bagamat walang reaksyon o ekspresyon ang kaniyang gwapong mukha hindi maitatago nun ang pag-aasam na sulayapan ko rin siya.
Nagco-concetrate ako rito, pero nadi-distract ako sa kaniyang mukha at katawan. Mas lumaki ang katawan nito ngayon at namumutok sa muscle.
Teka parang masarap humilig. Parang gusto kong pisilin at kagatin nalang bigla ang braso ni Viko.
"Yeah, I got you pregnant, but I still haven't captured you wholeheartedly. Hindi ka parin sa akin ng lubusan." Halos pabulong na wika niya.
Tila may nagbarang prutas sa aking lalamunan. Lumunok ako at mabilis na uminom sa baso ng gatas. "Hindi kita mahayaang mag-isa hanggang hindi ko maramdaman na sa akin ka, Esmeralda." Tila may kuryente akong naramdaman habang naririnig ang kaniyang sinasabi.
Nasobrahan ako sa gatas; hindi ako kinikilig sa mapangakin niyang boses.
Umirap ako. "Alam mo wala kang kwentang kausap. I'd rather talk to myself. Adios!" Umahon ako sa hapagkainan upang iwan siya.
Nakatulog ako buong maghapon, hindi naman niya ako ginambala sa aking pamamahinga dahil takot lang nito na mag-away na naman kami.
He is busy working on his computer; may laptop pa sa gilid nito na parehas ding nakabukas. Tahimik siya sa gilid, habang ako panoodnood sa malaking screen. Nang magsawa ay siya na ang tinututukan kong panoorin.
Makapal naman ang mukha ni Viko, kaya ayos lang din kung walang hiya ko siyang tititigan. Quits.
"Do you want something?" Itinigil ang ginagawa sa harap ng computer bago ako titigan pabalik.
"I'm hungry." Wala pagpipigil sa sariling sabihin.
He nodded. I thought he just asked me.
Nagulat lang ako nang patayin nito ang monitor at laptop.
"Done with your work?" Nagtataka kong tanong habang sinusuot ang roba na nakalapag sa ibabaw ng kama. I'm cold.
"Not yet, but you're hungry. I'll cook for you and our baby." Tuwid na nakatayo, kaya naasiwa ako sa sobrang takad ni Viko. It's like he is a giant, and I'm one of the minions.
Naasiwa man, pero uminit ang puso ko dahil magluluto siya para samin. Hindi ko tuloy maayos na maitali ang roba.
Napansin ko na lamang ang paglapit niya nang siya ang kusang nagtali nito. "Anong gusto mong iluto ko? Do you prefer heavy dinner tonight?" Wala akong maisagot, na blanko bigla ang utak ko sa bilis ng tibok at pintig ng aking puso.
Highblood ba ito o palpitation?
"Bahala ka." Tinalikuran ko siyang muli, pero si Viko ay yumakap saking likuran.
Naghuhumerentado na naman ang taksil kong puso parang hindi ginawan ng masama kung makakabog!
"I apologize for the rough attitude toward you a while ago, Esme. Hindi ako nag-iisip, hindi ko isinaalang alang ang kapakanan mo, na baka nasasaktan na kita. Marami akong kasalanan sayo na dapat kong pagbayaran."
Rinig sa tono ng kaniyang boses ang pagsisisi. Naramdaman ko ang marahang pagdampi ng labi ni Viko sa leeg ko pagkuwan ay sininghot ako sa parteng iyon.
Umilag ako, umiiwasa sa pagka't binabago nito ang temperatura ng aking katawan. Nag-aapoy ako sa init at sumasabay pa ito sa bawat pagdampi ng labi niya at pagdikit ng aming mga balat sa isa't isa.
"Next week, we'll fly back to the Philippines, and we'll live with your parents. This won't be enough for you to forgive me, but I will show you every single day that I deserve your love, affection, and forgiveness. Sana mahalin mo rin ako, yung hindi kita pinipilit, yung kusa mong ipaparamdam sakin kung gaano ako, kaswerte na mahal mo ako."
Nagsusumamo at nagmamakaawa ang tinig nito habang ako'y kaniyang yakap yakap. Maniniwala pa ba sayo?
"Please give me another chance to prove how much I love and care for you. Tanging ikaw lang ang babaeng minahal ko sa buong buhay ko. Please allow me a lifetime to love you." He gently moved so we could face and stare at each other.
His eyes were portraying his soul, which truly means that he is submitting himself to me.
Did someone hit his head? Why on earth did he suddenly want us to live in the Philippines? He was asking me for a chance and a lifetime! Sabog kana Viko para humiling ng ganito.
Ako yung kinulong nito sa kwarto ng dalawang buwan, pero siya ata ang nabaliw.
"Are you plotting something again? Pinapaikot mo na naman ako noh? Tama na, Viko. Nakakasawa na yung ganito na magkaka-ayos tayo tapos mamaya may malalaman akong kagaguhan niyong magkapatid. Salamat sa pagpayag mong uuwi tayo ng pinas pero sana huwag mo nang asahan na magiging okay tayo." Prangka na kung prangka kasi totoo namang sawang sawa na ako.
Kahit ilang bilyong bultahe ang magpatibok nitong puso ko para kay Viko, mas gugustuhin kong pigilan ito upang hindi na lumalim pa. Siya yung pagkain na masarap sa paningin, takaw tingin, ngunit sa oras na matikman mo na, parang nakakapangsisi dahil hindi pala ganuon kasarap sa piling niya.
Kung materyal na bagay napaka gandang mamuhay at tamasahin ang lahat. Talagang papahigain ka ni Viko sa ginto, dyamante, at pera. He can give people what they desire to have in this world.
Pero ang hindi niya maibibigay ay katapatan, kalayaan, kontrol sa sariling buhay, at tiwala. Gusto niyang siya ang nasusunod, nasasang-ayunan, at higit sa lahat dapat kontrolado ka ni Viko.
Sa lahat ng nangyari at nalaman ko nawalan ako ng tiwala kaninuman. Maging ang pagkatiwalaan ako ay ayaw ko na dahil ang huling taong nagtiwala sakin ay nabigo ko at ipinagkanlulo ko sa masamang lalaki na kagaya ng antas sa buhay ni Viko.
Ngayong nalaman kong buntis ako, sana hindi matulad ang anak ko sakin o sapitin ang kalagayang walang sinuman ang pwedeng makapagligtas dahil makapangyarihan sa salapi ng mundo ang kalaban.
After what I've said, he plastered a smile on his lips, though afterwards he bit his lower lip. Medyo kumirot pagkakita ko sa kumislap niyang mga mata. "I understand. I'll give you time, but I will still pursue you."
Napa kibit balikat ako.
Bahala siya, hindi ako tumango. Mag overthink kana Viko kung magkakaroon ako ng pake o wala sayo.
Kinuha niya ang palad ko upang pagsiklupin ang mga palad at daliri sa isa't isa.
"Let's get downstairs; I have a surprise for you." Bumuntong hininga ako sa kaniyang tinuran. Sa totoo lang ay nakakatamad bumaba ngunit sa gutom ay nag-aalburuto na ang tiyan ko. Kung gamit ng baby namin ay napaka advance niya, hindi pa mga alam ang gender!
Nagpatianod na lamang ako sa kaniya habang nasa elevator kami at naghihintay sa tamang palapag ng mansyon ni Viko. Ayaw niyang bitawan ang aking kamay, kaya isinisway ko nalang pababa at taas. He doesn't mind; he's just staring at me as if I'll be gone any minute.
Bumukas na ang elevator.
Sa kaniya ako nakatutok ng tingin upang masabi ang gusto kong ipaluto ngayong gabi. Nanunubig ang aking bagang habang hinahalukay ko sa memorya ko kung ano ang lasa ng bagoong hipon.
"Gusto ko ng kare....kare...." Nanghina ang boses ko hanggang sa walang salitang lumalabas. Pagkalingon ko, kasi sa harapan ay tila namalikmata ako. Kinilabutan ako sa paninindig ng aking balahibo sa sopistikadang babae na nakatayo malapit sa fire furnace katabi ang nakakatandang kapatid ni Viko.
"Ate Carmelita?" Naguguluhan ako lalo pa't biglang tumakbo palapit sakin ang umiiyak na kawangis ng namayapa kong ate. Impossible, cremated siya at kasama ako ni Daddy sa mga oras na iyon sa morgue.
Nanlamig ang aking binti kasunod ang pag-ikot ng paningin nang nasa harapan ko na siya. "Esmeralda!" Sigaw at tawag nilang natataranta sa pangalan ko bago ako lamunin ng kadiliman.Let me know your thoughts about this chapter 👻.