Prologue

83 0 0
                                    

   Sa buhay natin minsan dumadaan ba sa isipan natin yung mga chances na pinalampas natin dahil pinili nating gawin yung nasa goal,kumbaga ginawa natin kung ano yung nasa Plano.

Pero what if yung bagay na wala sa Plano ang bagay na pagsisisihan natin ng sobra-sobra dahil pinalampas natin.

   Ako si Khael at ito ang kwento na magpapatunay na hindi sa lahat ng oras ay kailangan natin sumunod sa goal na tayo mismo ang nag-set,cause we never know what future a wait for us.

     "No! No! No!! You can't die on me Jace!!" Sigaw ko habang mahigpit na hawak ang mga kamay  ng taong walang ibang ginawa kundi pasayahin,mahalin at protektahan ako. Siya si Jace Fabroa.

Namumungay ang mga matang tumitig siya sakin at kasabay nun ang pagsilay ng matamis na ngiti sa kaniyang labi na mula noon ay nagpapabaliw saakin.

"Masaya a-akong nakilala at nakasama ka" anas niya.

Hindi ko mapigilang mapakagat labi,pinipigilan ko ang sarili Kong umiyak.

"Shh makakasama mo Pa ko ok?! Just please!" Tarantang saad ko.

"M-mahal kita...noon Pa man..Khael" bulong niya. Nanlaki ang mga Mata ko  ng dahan-dahan niyang ipinikit ang kaniyang mga Mata.

"JACE!!!!" Sigaw ko. Tinakpan ko ng kamay ko ang tama niya ng bala sa tagiliran para kahit papano ay tumigil ang pag-agos ng dugo mula roon.

"T*NG-INA JACE!!!" sigaw ko habang unti-unting bumibigat ang dib-dib ko. His pulse is slowly fading away.

"JACE!!!!"

Fabroa's SanctuaryWhere stories live. Discover now