Chapter Five

27 1 0
                                    

Chapter Five
"Juaquin Fabroa"




    Hindi ko mapigilang mapahikab habang nakatitig sa bintana ng sasakyan ni Fabroa. Last time I check my phone ay pasado alas dos na ng maaga,were still on the car at kasalukuyang nagmamaneho Pa rin si Fabroa.

Hindi ko mapigilang makaramdam ng awa sa kaniya,kanina Pa siya nagmamaneho panigurado pagod at antok na rin siya. I mean d*mn! Ang daming naganap na sh*t ngayon sa buhay niya dahil sakin.

Gustuhin ko man tulungan siya sa pagdrive ay hindi pwede kasi nga hindi ako marunong magdrive.

"Kanina ka Pa humihikab,you can sleep you know ako ng bahala" saad ni Fabroa .

Hindi ko mapigilang matawa ng mahina at lumingon sa kaniya.

"Ako nanaman nakita mo,eh ikaw nga toh na madaming ganap eh..pwede naman tayong magmotel para makapagpahinga ka" suhestyon ko sakaniya.

He just smiled and gently tap my thigh.

"I'm fine kaya ko naman,tsaka isa Pa hindi din ako mapapanatag kung hindi tayo makakarating dun" tugon niya.

Hindi ko mapigilang mapakunot noo .

"Saan ba kasi talaga tayo pupunta?"tanong ko.

Bumuntong hininga siya at lumingon sakin.

"Sa rest house namin sa Quezon,medyo tago yun dahil probinsya dun, I think yun ang pinakasafe na puntahan natin" sagot niya.

Napatango na lamang ako. Atleast may mapupuntahan kami.

"Hindi ba nakakahiya sa family mo?" bulong ko.

"Nope,bihira na lang silang umuwi dito sa pinas,all of them are in Spain,and Italy ako na lang at yung isang pinsan ko ang nandito sa pinas,but nasa Davao siya so yeah ok lang naman na gamitin ko yun"he answered.

"S-so tayo lang na dalawa dun?"tanong ko.

Marahan siyang tumango habang seryusong nakatitig sa daan.

For some reason ay tila bumilis ang tibok ng puso ko sa ideyang kami lang ni Fabroa ang titira doon.

Napalunok ako, Khael kalma. Don't imagine some gay stuff ,nandoon kayo para sa safety niyo.

"Don't worry ligtas ka sakin, I won't do things na ikasasama ng loob mo" saad niya at muling tumitig sakin saka marahang ngumiti.

I quickly look away. Ramdam ko ang pagiinit ng pisngi ko.

"Y-yeah" saad ko na lamang.

Why he so...super nice?!! His totally being wholesome to me. Samantalang ako kung ano anong malisya ang naiisip ko?!!

Titira lang kami doon para magtago at hindi mag astang magka live in.

Huwag assuming Khael!

Kinuha ko ang cellphone ko at inopen yun, I decided to scroll in a newspage sa Facebook. Puro about Pa din sa pagkamatay ni Romel ang headline.

Pano kaya Kong hindi namin nalaman ni Fabroa ang sikreto ni Senator. Siguro magiging katulad ito ng kaso ng iba na paglilipasan ng panahon na hindi makakamit ang hustisya at katotohanan.

Fabroa's SanctuaryWhere stories live. Discover now