"Baliw ka nga." Binawi ko sa kanya ang motor ko habang binabanggit niya ang kung ano-anong dahilan kung paanong nasundan niya ako.
Sa takot niyang balikan siya ng mga putakti ay diniretso niya ang lakad palabas ng sitio, hila hila ang motor ko. Maka-ilang ulit ko ring sinabi na hindi siya parte ng responsibilidad ko at kung babalikan man siya ng insekto dahil s paninira niya ng bahay nila ay hindi o na problema iyon. Sa takot niyang baka mawala ang motor ko ay isinama niya rin ito sa paglakad. Nasa akin ang susi ng motor kaya tanging lakas niya lang ang nagpaandar dito at nagawa niya pang marating ang pinagtatrabahuhan ko.
"You're heartless." Nakangusong sabi niya habang nagpapaawang tumingin sa akin.
Kusang dumaloy ang inis sa katawan ko nang makita ang ginagawa niyang pagpapaawa. Maayos ang pakiramdam ko kanina pero nang sumulpot siya ay bumalik na naman ang puot at galit sa katawan ko.
"I'm having a migraine right now. Can I please ask for a favor?" Napahawak siya sa sintido at bahagyang hinilot ito.
Mukhang pagod na ang mukha niya dahil sa layo ng nalakad niya. Kung hindi ako dumaan sa shortcut kanina ay dalawang oras ang paglalakad na gagawin ko, pero mukhang dumoble ang kanya dahil bitbit niya ang motor ko.
"No." Walang paga-alinlanang sagot ko.
Akmang paandarin ko na ang motor ko at iiwanan siya sa gitna ng dilim nang pigilan niyang muli ako.
"Nabasa ako ng ulan." Umangat ang tingin ko sa buhok niya at doon napagtantong basa ang buhok niya.
Maging ang lupa ay malamig ang singaw. Hindi ko rin napansing umulan dahil nasa loob ang trabaho ko at walang narinig na tilansik ng ulan.
"Not my business." Napasinghap ako habang iniiwasan ang pagiging maawain sa kanya.
It's not your fault, Kyedae.
Piling tao lang ang tinutulungan ko at hindi siya kasali sa mga taong iyon.
"Just once." Ang mga mata niya ay parang kumikislap nang titigan ako nito, dahilan upang iiwas ko ang tuon ko sa kanya.
Namumutla na ang labi niya at mukhang natuyuan na rin ng likod. Hindi naman gano'n kalaki ang hinihingi niyang tulong. Ilang segundo akong nakatingin lang sa mga patak ng ulan na tumutulo sa buhok niya bago magsalita.
I sigh, "You owe me one." Iniirap ko ang mga mata ko bago labag sa loob na bumaba ng motor.
Hinawakan ko ang braso niya at inalalayang makasakay ng motor. Ramdam ko ang mainit niyang paghinga nang sumakay akong muli. Walang hawakan ang likuran ng motor ko, kaya ang dalawang kamay niya ay nakahawak sa balikat ko.
This isn't you, Kyedae.
"I want to ask a question." Pagputol niya sa katahimikang nananaig sa paligid namin.
Nagsimula ko nang paandarin ang motor ko. Dahan dahan ang naging pagtakbo ko dahil sa dulas ng lupa. Hindi rin ako nagiging kampante sa angkas ko. Tumataas ang balahibo ko sa tuwing dumadapo sa balat ko ang hininga niya at kapag nabilisan ko ang pagtakbo ay baka mawala ang kontrol ko sa motor.
Hindi ako komportable.
"You can't." Pagtanggi ko.
I don't want to engage any type of conversation with him.
"Ngayon lang." Marahan niyang kinalabit ang balikat ko.
Napasinghap akong humatak ng pasensya. Ilang kalye pa ang dadaanan namin bago makapasok sa sitio. Kung pipiliin ko namang bilisan ang takbo ay hindi ako sigurado sa mangyayari at baka hindi sa bahay ang uwian namin, kundi sa hospital.
YOU ARE READING
Dose of Pareidolia (COMPLETED - UNDER EDITING)
General FictionMelancholy Series 1 Life would have been too good for you, and somehow bad for others. But, for Kyedae, life never agrees with her. Kyedae Venice Angeles life is just like a piece of paper that you could easily tear apart. She lives an unfortunate l...